Note: This is an unedited version of this chapter. Some inconsistencies can be seen in this chapter. This chapter has some information that does not align with the previous ones. Once again, what you will read is an unedited version. Although there are mismatched details, the overall plot is not affected in any way.
BEATRIX
MY EYES NARROWED AT him. He knew I had an ability. Well, it was obvious, looking at the electric dancing in his palms, that he also had a capability to do something unusual. Meaning, Cade and I weren't just the people with powers like these. There were many of us and just like I did, we hid from this truth to the public. We didn't owe them this anyways.
Nilaglag ko na ang pagkagulat sa 'king mukha. Sa abilidad niyang 'yon, paniguradong may maitutulong siya sa 'kin.
"Sumakay ka na," I said. "Bilisan mo't baka magbago pa isip ko."
"Yes!" Tinaas niya pa ang kamao niya sabay ngiti. "Salamat naman mapapadali na pagpunta ko do'n!" Bakas na bakas ang excitement sa kaniyang boses na para bang nanalo siya sa isang palaro.
"Bilisan mo sinabi!" udyok ko sa kaniya "At 'wag ka ngang sumigaw. Baka may makarinig sa 'yo."
Nang makasay na rin siya sa loob ng sasakyan ay sumakay na rin ako. Tatlo kami sa harapan at siya naman ang nasa pagitan namin no'ng driver.
"'Wag daw sumigaw pero kasisigaw mo lang," he mumbled.
"May sinasabi ka?"
"Ah. Wala wala." Nginitian niya lang ako at tinitigan ng maigi ang pulis na nagmamaneho. Tumingin ulit sa 'kin pabalik at tiningnan ulit ang driver. Hindi naman siya pinansin nito at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
"Anong mayro'n sa kanila?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa pulis habang nakakunot ang kaniyang noo. "Bakit parang wala sila sa sarili nila?"
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tumingin lang sa bintana. Kitang-kita ko ang walang kalaman-laman na kalsada. May mga pulis lang na na'ndito at na'ndoon at buti na lang ay hindi na nila pinagtuunan ng pansin 'tong sinasakyan namin. Sigurado ako na nagsimula na nga talaga ang curfew.
"May koneksyon ka ba sa mga pulis dito?" he inquired as he tried to tap the officer's cheeks. And of course, the driver didn't pay him any attention. He just drove on.
Nang hindi ko siya pansinin ay winagayway niya naman ang kamay niya sa harapan ng driver. "Anong ability mo ba?"
Hindi ko ulit siya sinagot at sinubukang takpan ang mata no'ng nagmamanehong pulis.
"Ano ba!" I snapped and he jumped from his seat. "Gusto mo bang mabangga tayo?"
Tumingin siya sa 'kin at sinimangutan ako na parang bata. "Ano nga ba kasing mayro'n dito? Sabihin mo na kasi."
"'Pag ba sinabi ko sa 'yo tatahimik ka na?"
He thought for a while as if weighing down if it would be worth it. "Yes. Yes I will."
Huminga muna ako nang malalim bago ko sinagot ang tanong niya at nag-isip nang mabuti kung paano ko sisimulan ang sagot ko sa kaniya. Kahit siya ang kinakausap ko ay sa kalsada ako nakatingin dahil hindi pa ako gaanong kakomportableng sabihin ito sa ibang tao nang harap-harapan.
"Sa madaling salita, kaya kong kumontrol ng isip ng tao," sabi ko at do'n pa lang ako tumingin sa kaniya.
For a mere second, it looked like he didn't understood what I said but then it had dawned in him so he nodded and puckered his lips as if contemplating my answer.
BINABASA MO ANG
God's Cage | WOTG #1
Science Fiction(UNDER REVISION) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, politically, and economically advanced from others - and there isn't a doubt that it is leading the world...