Note: This is an unedited version of this chapter. Some inconsistencies can be seen in this chapter. This chapter has some information that does not align with the previous ones. Once again, what you will read is an unedited version. Although there are mismatched details, the overall plot is not affected in any way.
BEATREESE
THE SPACECRAFT WAS HUGE when I looked at it from the outside but I never expected it to be this big when I looked at it from the inside.
After walking the wide, long, and brightly lit hallways, we finally arrived to the main entrance of the Premium Section of this spacecraft. At hindi ko aakalain na mas magiging magarbo ito kaysa lobby ng hotel ba 'to. Tatlong malalaking chandeliers ang lumulutang sa mataas na kisame habang mayroong ring mga light orbs na na nagkalat sa paligid. Mayroon ring malaking bintana na nagbibigay sa 'mon ng view sa madilim na langit sa labas. Hindi rin mawawala ang mga magaganda at magagarang halaman na nasa tabi ng mga marmol at makinang na mga haligi. Sadyang napanganga na lang ako nang makita ko ang lahat.
"This spacecraft was originally made for the Military Spatial Forces of the Philippines but since na parang sumobra yata ang pagpapagawa ginawa na kang itong cruise space craft," paliwanag niya habang kami'y naglalakad. "Kahit gano'n, hindi naman nawala ang mga combat specs nitong craft na ito and in fact isang trained soldier at captain ang nagmamaneho sa lahat ng mga spacecraft katulad nito."
Napatango na lang ako sa kung anong sinabi niya. Masyado akong busy sa pagtingin sa paligid.
May nakalatag din na isang napakalapad na kulay puting carpet na mas lalong nagpaganda dahil sumakto ang kombinasyon ng kulay ng mga pader at mga sahig na kulay gray at black. Tulad nga ng inaasahan, mga sukdol na mayayaman lang na mga trabahador talaga ang na'ndito. May nakita akong lumabas mula sa mataas at malapad na salaming pinto at suot pa rin nila ang kanilang mga uniporme—kulay puti, asul, itim. Medyo makapal rin ang tao at napansin kong lahat ng tao ay nakatingin sa akin, mapalalaki man o babae. Inilibot ko ang mata ko at nakumpirma na tama nga ang hinala ko.
May dungis ba sa mukha ko?
Halos tatlong segundo ang lumipas para malaman kong hindi pala talaga sila sa akin nakatingin kung hindi kay Deo. Sino ba naman ang papalampasin ang pagkakataong makakita ng isang lalaking ubod ng ganda?
Tumingin ako kay Deo at mas lalo pa akong humanga sa kaniya dahil imbis na mahiya siya ay todo ngiti lang siya. Para bang isa siyang kandidato na tumatakbo para sa isang posisyon at plano niyang kuhain ang loob ng mga tao. Kung gano'n nga ang mangyayari walang duda na magtatagumpay siya.
"Is there any problem?" he asked when he sensed that I grew uncomfortable.
"Wala." I smiled to him. "Go on. Lead the way." His stare lingered for me for a while before continuing to walk. And I got to admit it made me more uncomfortable than I was before.
BINABASA MO ANG
God's Cage | WOTG #1
Science-Fiction(UNDER REVISION) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, politically, and economically advanced from others - and there isn't a doubt that it is leading the world...