Note: This is an unedited version of this chapter. Some inconsistencies can be seen in this chapter. This chapter has some information that does not align with the previous ones. Once again, what you will read is an unedited version. Although there are mismatched details, the overall plot is not affected in any way.
BEATREESE
I WAS FALLING. AND falling. And falling.
I didn't know where I was and the only clue I had was I was high above the sky with gravity pulling me down. The clouds were thick I couldn't see anything but white mist nipping at my skin. I knew I was descending and the ground was getting nearer and nearer as I plunged down. My bones would break any minute now.
And when my body had slammed into the ground, I shot my eyes open.
Pagkadilat ko ay ang kisame ang bumati sa akin habang hinahabol ko ang aking hininga. Nasa kwarto pa rin pala ako. Ganoon pa din, madilim at ang mga bituin lang ang nagbibigay sa kwarto ng malamlam na ilaw. Hindi na mahalaga ang araw at gabi dito sa kalawakan.
Humanap ako ng mas komportableng posisyon sa kama at tumalikod sa binatana. Humarap sa pinto at nakipagtalo muna ako sa sarili ko kung babangon na ba ako o matutulog pa. Sa mga oras na pumikit ako ay mayroong kumatok sa pinto. Napairap ako sabay bangon at binuksan ang pinto para lang tumambad sa akin ang nag-iisang Kato.
"Malapit na tayo sa pupuntahan natin. Malapit na tayo sa last stop," sabi niya sabay hikab. Hindi ko na rin napigilan at napahikab na rin ako.
Sakto at kinumpirma naman ito ng kapitan. Rinig na rinig namin ang kaniyang malalim na boses mula. "Attention to all passengers. We have just enetered the Cynosure Space Region and we are only half an hour away to our last destination. Please ready yourself. Thank you."
Kumunot ang noo ko. Itinuro naman ni Kato kung saan man nanggaling ang boses na 'yon para mas paniwalain pa ako.
"Sige na. Mag-aayos na ako. Isuot mo 'yong uniform ng pulis," sabi ko at sinara ang pinto. Naghilamos lang ako at sinuot ang uniporme ng mga pulis. Sa gagawin namin ngayon ito ang pinaka-safe na suotin dahil walang magpipigil sa 'yo na pumunta kahit saan.
Deo. Deo. Deo. Deo.
Paulit-ulit lang ang pangalan na 'yon sa aking isip. Ano bang nangyayari sa akin? Ano?
Isinantabi ko na lang ang tanong na 'yon sa kailalim-laliman ng aking ulo at nagpatuloy na sa pag-aayos ng sarili. Nakatitig lang ako sa salamin sa loob ng banyo at hindi ko namalayang kalahating oras na pala ang kumipas habang ako ay nag-aayos.
BINABASA MO ANG
God's Cage | WOTG #1
Fiksi Ilmiah(UNDER REVISION) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, politically, and economically advanced from others - and there isn't a doubt that it is leading the world...