Fifty

847 59 5
                                    

Note: This is an unedited version of this chapter. Some inconsistencies can be seen in this chapter. This chapter has some information that does not align with the previous ones. Once again, what you will read is an unedited version. Although there are mismatched details, the overall plot is not affected in any way.

CADE

AS I RAN FOR my escape, I was also chasing my breath for the millionth time

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AS I RAN FOR my escape, I was also chasing my breath for the millionth time. Several guards tried to stop me, but they only failed, and now, they were all lying on the floor—some were lifeless while others were just unconscious.

I persevered to fight even though I could already feel the effect of Psych-Kill hurting my head. As I used my ability time to time, the needles were pressing harder and harder. I endured all of it. Just a few more hallways and I would arrive at the escape pods. I would get away from this place.

Isang hallway na lang ang natitira at makakarating na ako do'n. Nagtatago ako sa mga pader at naghahanap ng tiyempo kung kailan papatamaan ang mga gwardyang nakaharang sa dadaanan ko.

Lumabas ako mula sa kinatataguan at sila'y agad na binaril. Nang pagbaril ko ay hindi ko nakontrol ang direksyon ng bala dahil pumintig na naman sa sakit ang aking ulo. Nabitawan ko ang baril na aking hawak at ito'y dumulas sa malayo sa 'kin. Wala akong oras para kuhain pa 'yon. Silang apat naman ang nakakuha ng pagkakataon at walang sinayang na oras. Sila naman ang nagpaputok. Nakailag ako at nagtago muli sa pader habang sila'y nagpapaulan ng mga bala. Wala akong marinig kundi ang mga putok lang ng mga baril at mga balang tumataka sa metal na pader.

May parang kumukurot sa kaliwang balikat ko na parang isang mainit na metal ang nakasingit sa laman ko. Hinawakan ko ito at dugo lang ang nakita ko sa aking mga daliri. Walang dudang tinamaan nga ako sa balikat. Tumingin ako sa kisame at huminga ng malalim. Matitiis ko na naman ang sakit na 'to. At kung dadamhin ko pa 'to ay mas lalo kang itong sasakit.

Hawak-hawak ko sa isang kamay ang isang baril na hindi ko nabitawan na kinuha ko sa gwardya kanina. Isa kang itong pistol at hindi katulad ng mga rifles nila.

Isang hallway na lang makakatakas na 'ko. Lumabas ako muli at pinaputukan ang natitirang apat na gwardya. Sa mga putok na iyon ay isang gwardya rin ang bumabagsak. Pero huling putok ay kasabay kong bumagsak sa malamig na sahig ang gwardya. Hindi ko nakayanan ang sakit sa ulo. Dinudurog at pinupukpok nito ang utak ko.

Nakahiga na ako sa sahig at pinipilit ko ang sarili ko na bumangon. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa ulo ko habang ang kanang kamay naman ay pinangtutungkod ko upang makatayo. Kaunting lakad na lang ay nasa escape pods na ako. Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito. Inalalayan ko ang sarili ko para makatayo at humawak sa pader upang hindi ako tumumba ulit. Nakasalalay ang balanse ng katawan ko sa mga pader ng hallway na ito. Sa bawat galaw ko ay nararamdaman ko ang pagkirot ng aking kaliwang balikat. Tiniis ko na kang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon