Forty-Three

909 65 4
                                    

Note: This is an unedited version of this chapter. Some inconsistencies can be seen in this chapter. This chapter has some information that does not align with the previous ones. Once again, what you will read is an unedited version. Although there are mismatched details, the overall plot is not affected in any way.

CADE

IF THIS WAS AN another simulation, I would never have a hard time believing it was since they felt so real

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

IF THIS WAS AN another simulation, I would never have a hard time believing it was since they felt so real. And this time, everything was real. I was wide awake and obviously not asleep as I was standing in the middle of a large brightly illuminated white room and waiting for the robots come for me to powder my bones, melt my flesh, and tear my skin. They were all thirsting to get a piece of my body literally.

Five thousand robots. Five thousands life threats.

Limang libong robot ang nakapaligid sa akin ngayon at nakatapat sa akin lahat ng kanilang armas. Babalahan na nila ako no'n kahit anong oras man nila gustuhin.

Muntik na akong tamaan ng isang laser beam. Buti na lang ay nakailag agad ako. Sinundan naman agad ito ng ibang mga atake at ibinalot ko ang sarili ko sa isang spherical shield at iniangat ang sarili ko sa ere. Lasers, electrical beams, apoy at bala ang nagpipilit pumasok sa panangga kong iyon pero sa bawat pagpapakawala nila ay sila'y nabibigo dahil hindi ito makapasok sa panangga ko. Hindi man lang ito nagagasgasan.

Tinawag ko ang mga hangin sa buong kwarto at agad naman silang tumugon sa aking panawagan. Lahat ng limang libong robot na nagbabanta sa aking buhay ay nagpaikot-ikot na parang buhawi. Sumunod silang lahat sa hangin na minamanipula ko. Ang iba ay nagkakatamaan at bigla na lang silang sumasabog sa ere habang ang iba naman ay tumatama sa pader at nawawalan na lang ng silbi. Binitiwa ko ang pagkakahawak sa hangin lahat sila ay nalaglag na lang sa sahig. Lahat ay nakatumba at parang wala nanh kalaban-laban. Sa limang libong iyon ay halos nangalahati na lang ang bumangon habang ang iba ay sumabog at nasira na lang.

Sa di inaasahang pangyayari, naggrupo-grupo ang mga robot na parepareho ang armas. Nagsamasama sila at nagpatong-patong. Sumuot ang iba kung saan p'wedeng sumoot hanggang sa nakabuo sila ng isang mas malaking robot na hindi kumpleto ang parte ng katawan. Hindi na sila makukumpleto pa dahil ang iba sa kasaman nila'y nawarak na. Ang iba ay walang paa at kamay pero ang pinrayoridad nilang unahing kumpletuhin ay ang armas nila na nakakabit sa natirang kamay.

Apat na mas pinalalaking robot ang nakaharap ngayon sa akin. Isang laser, electric, flamethrower at isang robot na maliliit na missile naman ang kanilang mga nasa kamay. Dalawa sa kanan na may katapat pang dalawa sa kaliwa. Handa silang lahat na pasabugin ang katawan ko. Sabay-sabay nilang inangat ang kanilang natitirang kamay at ito'y itinapat sa aking direksyon.

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon