Note: This is an unedited version of this chapter. Some inconsistencies can be seen in this chapter. This chapter has some information that does not align with the previous ones. Once again, what you will read is an unedited version. Although there are mismatched details, the overall plot is not affected in any way.
THE DAY OF THE BOMBING
KATO
Standing on the edge of the boulevard, which I must say was crowded with people pouring here and there, I gazed upwards at the afternoon sky with the sun high on the sky, threatening to lay down and plunge us with the stars, and got my first peek of the sky changing colors. I never caught it changing colors from orange to bright purple. Every time I would look up, it was either it was still orange—sometimes reddish—or was already a dark shade of purple. Looking at it, I must say, it was beautiful.
At dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko may isang malapad na balikat ang bumangga sa 'kin at muntik na 'kong mangudngod sa lupa.
"Ano ba!" sigaw sa 'kin no'ng lalaki. "Tumingin ka naman sa dinadaanan mo."
"Ah, sorry, huh?" sabi ko. "Hindi lang kasi ako 'yong tumitingin sa dinaraanan ko, 'no?" Napangiti ako nang makita ko na nanlaki ang mata niya. Nakipagititgan pa siya sa 'kin at tiningnan ako ng masama. Syempre, nakipagtitigan naman ako pabalik hanggang sa sumuko na siya at inayos ang backpack na dala niya bago magtuloy sa paglalakad. Tiningnan ko 'yong back pack niya at halata namang napakabigat no'n. Halos hindi na siya makalakad nang maayos.
Ano naman kaya ang dala no'ng lalaking 'yon?
Medyo mabigat ang daloy ng trapiko pero kahit papaano ay umuusad-usad naman 'yon.
Habang ako'y naglalakad ay damang-dama ko na ang mainit na simoy ng hangin. Summer na nga talaga.
I was mumbling, "Excuse me," while shouldering my way until I arrived at the crowded bus stop. There was no seat left so I stood there while I waited for the bus to arrive. I took my phone out and looked at the time. It was only minutes before six.
My parents weren't with me. And by "weren't with me" I meant they weren't here. And by "here" I meant we were not in the same country. My mother was in Paris, France, working there as a marketing head while my father worked in Brasilia, Brazil at an energy-generating plant as a plant supervisor. Sa madaling salita: mag-isa na lang ako. Hindi naman nila piniling magtrabaho abroad dahil mas maganda ang opportunities doon. Sadyang doon lang talaga sila nadestino. Pinapadalhan na lang nila ako ng pera rito sa Pilipinas at masasabi kong sobra-sobra pa 'yon para sa 'kin at di ko alam kung saan ko 'yon itatapon.
Madalas na lang kaming nag-uusap sa pamamagitan ng holocall na kung saan ay may lalabas na hologram nila sa harapan ko na para bang magkakasama talaga kami at do'n na lang magkukumustahan. Mag-isa lang akong nakatira sa isang condominium unit rito sa Sapphire District na walang kasama kahit sino.
Anim na taong gulang pa lanag ako no'ng umalis na sila at iniwan muna nila 'ko sa mga tita at tito ko pero dahil siguro'y maaga na rin akong namulat sa mundo at natutong mag-isa kaya naman fourteen years old pa lang ako ay humiwalay na 'ko sa kanila. Ilang beses kong pinilit at nagmakaawa sa magulang ko na payagan nila akong humiwalay sa tito at tita ko hanggang sa ito naninirahan na 'kong mag-isa.
Palakaibigan at maingay naman akong tao pero nagbago ang lahat 'yon ng may nadiskubre ako sa sarili ko. Napagtanto ko na iba ako sa mga batang nakakasama ko no'n. Nalaman ko na hindi ako dapat nakikisama sa kanila dahil sa kung ano pa ang maidulot ko sa kanila.
Maingay pa rin naman ako kapag komportable na 'ko sa kasama ko.
Naisip ko na hindi ako dapat nakikisalamuha sa tao dahil . . . iba ako. May kakaiba sa 'kin na hindi ko dapat ipakita sa kanila dahil sa oras na malaman nila na gano'n ako ay baka layuan nila ako. Para iwasan na makaramdam ako ng gano'n ay inuunahan ko nang lumayo.
BINABASA MO ANG
God's Cage | WOTG #1
Science Fiction(UNDER REVISION) BE WEAK SO YOU SHALL BE CONTROLLED. Hundred of years from now, the Philippines sits at the top - powerfully, technologically, politically, and economically advanced from others - and there isn't a doubt that it is leading the world...