twenty-four | gabriel

1.1K 79 9
                                    


CADE
Gabriel

I opened my eyes and noticed I was in a different and unfamiliar room. No, this wasn't a room: this was a laboratory of some sort. I, once again, wasn't wearing anything but a thin silk blanket to cover my lower body. I sat up and the cold air nipped my skin, sending shivers to the bottom of my spine and making the hair on the back of my neck rise. I let my eyes wander and saw nothing but a white smooth wall with holograms flashing on its surface.

Napasigaw ako nang bigla na namang may parang bumibiyak sa ulo ko. Napahawak ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng aking noo at hindi mapigilang mapahiga ulit nang dahil sa sakit. Kusang bumaluktot ang aking katawan at nalaglag ang manipis na kumot sa sahig. Hindi ako mapakali. Nagpalit-palit ako ng posisyon hanggang sa malaglag ako at tumama ang buo kong katawan sa malamig na sahig. Nadagdagan pa lalo ang sakit na nararamdaman ko dahil hindi masyadong maganda ang pagkakabagsak ko dahil unang tumama ang aking tuhod.

I screamed until the needles faded. My breath was racing as if the air wasn't enough for my thirsty lungs. I lay there, above the floor, the coldness of it seeping into my back, and stared at the bright ceiling. I gathered myself before standing up. I took the thin blanket from the floor and tied it to the side of my waist. It wasn't enough to dampen the coldness but at least it was better from being totally naked. The fact that I was naked in an unknown place was enough to make my warm bones shudder.

Sa pader ay mayroong isang napakalaking hologram at may mga mas maliliit pa na nakapalibot sa kaniya. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit para titigan ang mga mas maliliit na hologram para makita kung ano ang mga nakalagay do'n. Mga brain activities. Scans. Heart rate. Blood pressure. Vital signs. Emotions at kung anu-ano pa tungkol sa katawan ko at kung paano ito gumagana. Na'ndoon ang impormasyon sa kung ano ang kalagayan ko. Pagkatpos kong inspeksyonin ang mga malilit na hologram ay ibinaling ko naman ang mata sa pinakamalaki at sa pinakamaliwanag.

"Gabriel"
Subject No: 06
Mutation Type: Ability
Ability: Psychokinesis
Legal Name: Alexis Cade Ventura
Age: 18
Power Level: Ω
Purpose: Bionic Supersoldier
Project Progress: 0%

Hindi na ako nagulat sa mga nabasa ko. Alam ko na ako na nga ang susunod ang ika-anim na subject sa eksperimenting 'to.

Psychokinesis. Alexis Cade Ventura. Eighteen years old. Tungkol 'yon lahat sa 'kin at kahit papaano ay nagkakaroon na rin ako ng ideya kung bakit ako tinukoy bilang "Bionic Supersoldier." Ang hindi ko lang masyadong maintindihan ay kung bakit omega—ang pinakahuling letra sa alpabetong Griyego—ang power level ko.

Omega.

Omega.

Omega.

Pinaulit-ulit ko ang salita sa aking isip sa pag-asang magkakaroon ako ng ideya kung bakit ako nabansagang may ganoong lebel ng kapangyarihan. Ang ibig sabihin ba no'n ay napakalakas ng aking kakayahan? O omega ang pinapangsukat kung gaano kamapanira ang isang kakayahan?

Tinaas ko ang aking kamay at tinitigan ito. Itong mga kamay na 'to ay may pambibirang lakas na kayang tumapos ng isang planeta sa isang iglap. Hindi ko maiwasang matawa sa sitwasyon ko ngayon. Homo Supremus ba ang tawag nila sa mga taong katulad ko? Parang halimaw lang ang dating sa akin na pinaarte lang ang tawag.

Bukod do'n ay may isa pa akong hindi masyadong magamay. Tulad na lang ng naunang . . . subjects—hindi ko pa rin alam kung tama bang tawagin silang ganoon—may pangalan sa unahan ng profile ko. Is that a code name? From what I could remember from Christian mythology, "Gabriel" is the name of one of the Seven Archangels and basing from what I had seen from the others' profiles, I was certain that the code names were derived from the archangels. But why?

God's Cage | WOTG #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon