Nairah P.O.V
"Happy birthday inang,. Heto naghanda ako ng paborito mong Sinigang. Naku! inang pasensya na kasi hindi ako nakabili ng cake huh! Kinuha kasi lahat ni tyang ang sahod ko nitong huling sweldo ko. Pero wag po kayong mag alala kahit ganon po si Tyang sakin, kaya ko pa naman po. Inang, Miss kona kayo. Alam ko kahit saan ako magpunta palagi ko kayong kasama. Kaya inang gabayan nyo ako sa pagpunta ko sa Manila para maghanap ng trabaho, Para hindi na ako maging pabigat kina tyang." nakaupo ako sa puntod ni inang at nakahapag sa harap nito ang lahat ng handa nya.
"Sabi ko na nga ba nandito kalang eh." Napabaling ako sa biglang nagsalita sa likuran ko.
"Lei!!" sabi ko
"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? (napasuyap sya sa nakahapag na sinigang) Uyyy... Wow! masarap yan huh! Patikim ako Nai." kinuha nya yung kutsara pero pinigilan ko sya.
"Wag yan!! Lei, para kay inang yan eh. Ito nalang sayo... Timawa ka naman oh!" inabot ko sakanya yung plato, kutsara, kanin at ulam. Pinisil nya ang pisngi ko.
"Ang cute mo talaga. So pano? payag kana?" tanong ni Lei at pataas-taas pa ng kilay.
"Ayoko." Sabi ko
"Nai... Hindi pa huli ang lahat, ilang months palang, kaya mo pang bumalik sa Music! Kalimutan mo na lahat. Pano ka sisikat kung hindi mo susubukang kumanta ulit." sabi nya habang kumakain
"Thank you nalang Mr. Cruz huh! pero, nangako ako kay inang na kakalimutan kona ang pagkanta. Kasi si itang dahil sa pangarap nyang maging isang sikat na singer dun sya namatay. Si ate naman pinipigilan na sya ni inang sa pag pasok sa Isang walang kwentang Banda, anong nangyari sa kanya? Ginahasa sya. Hanggang ngayon nasa mental Hospital. Eh ako? Ako Lei... walang magandang maidudulot ang Music sakin. Kaya hindi na ulit ako kakanta. Sa katigasan ko ng ulo nun, Heto ang nangyari kay inay... Naatake sa puso kasi hindi ko sya sinusunod, Pilit parin akong kumanta, sumali sa mga Choir, Ang sakit kasi wala ako nung isinugod sya sa Ospital. Feeling ko ang malas-malas ng Music sa buhay ko kaya hindi na ako kakanta. At hindi na ako tutugtog ng gitara."
"Past is past Nairah... Move on. Sayang itong Opportunity na binibigay sayo ni President. Maganda yung boses mo. Maganda ka. Sisikat ka sa FMRecords, Tayong dalawa. Hindi naman kita iiwan eh." Tinitigan nya ako sa mata.
"Sunga!! ayoko nga. Makulit. Hindi na nga ako kakanta. Sorry talaga." Sabi ko. At medyo nalungkot pa ako.
"Hindi talaga ako malakas sayo Nai noh? Sa bagay... Bakit ko ba pinipilit ang ayaw?." nakita kong nagtampo na sya.
"Lei... Akala ko ba kaibigan kita? Dapat diba? ikaw lang ang mas nakakaintindi sakin? Malas nga ako sa Pagkanta. At hindi na ako babalik dun." nakangiting sabi ko. Isang Fake smile.
"Tama! KAIBIGAN... Best friend pala tayo Nai, ngayon ko lang kasi nalaman Hahahaha!!" Natatawang sabi ni Lei
"Loko-loko!! (Sabay kotong ko sakanya) Niloloko mo na naman ako! Umalis kana nga,.."
"Teka.. Kumakain pa ako." sabi nya habang hawak-hawak ang plato.
"Kumakain kana hindi mo pa binabate si Inang." Sabi ko
"Happy birthday po!" Pacute na sabi nya habang naka harap sa Lapida ni inang.
"Lei!" Matinong tawag ko
"Yes!" nilakihan nya ang mata nya at humarap sakin
"Salamat." Sabi ko
"Para saan?" Tanong nya.
"Sa pagiging isang mabuting Best friend mo. Salamat." sabi ko kay Lei. At patuloy parin sa pagsubo ng kanin.
"Huh yun ba?*Chum-chum* Wala yun. *Chum-Chum*Basta habang nandito ako, *tinuro nya yung sarili nya* dapat nandyan ka rin huh!*sabay turo nya sakin at panguya-nguya pa* Walang iwanan.. Walang Lokohan at Walang ilangan. Im Lei Cruz... at your Service, Ms. Nairah Solomon." Sunod-sunod na sabi ni Lei. with Action pa.
...
BINABASA MO ANG
My Pretty Boy
RomanceFirst of all, HELLO to my soon to be Readers, Sana makuha ko yung atensyon nyo para mabasa ito. I hope magkaroon ako ng Chance para suportahan nyo ang story ko. at sana bigyan nyo rin ako ng Chance para ipakilala sa inyo ang PRETTY BOY ng buhay ko...