Nairah P.O.V
Habang nasa Mall ako hinihintay si Lei. Halos 4 na oras na akong nakatanga sa Food Court.
"heyy... girl! Do you know who's Lei Cruz?"
"O M G!! Speaking of Lei Cruz!! Aabangan ko talaga yung Album nya! Ang gwapo pala nya. Narinig ko na yung boses nya dati nung kinanta nya yung Prinsesa. Hayyyy... Ang galing talaga nya girl!"
"Really? But, im Number 1 fan of Koi Lavuesta!! and ill never leave Koi for that stupid Newbie.. singer."
"Girl... Mas magaling si Lei Cruz dyan noh? Oo pagdating talaga sa pagwapuhan yes!! Mukhang Anghel yang Koi Lavuesta na yan, but!! Kung makikita mo naman, Ang ganda talaga ng boses ni Lei Cruz. I swear it girl, See... hindi pa man,.. Sikat na sya."
Tahimik lang akong nakikinig sa usapang ng Dalawang Babae sa tabing table ko.
"KOI LAVUESTA?? aha! walang binatbat sa boyfriend ko yan." sabi ko habang hinihigop yung drinks ko. Napatingin sakin yung dalawang babae kasi nasa Side ko lang sila
"What? May sinasabi kaba?" tanong nung babae sakin.
"Ahh?? Ang assuming mo din girl noh? Boyfriend?? sino si Lei Cruz!! nanga-ngarap ka lang ng gising. Pakialis nga yang salamin sa mata mo para matauhan ka. Hindi isang katulad mo ang papatulan ni Lei Cruz... Ugli!!!" sunod-sunod na duldol sakin ng babae. Halos di ako makaimik.
"Yeah right! Youre so Ugli..." sagot nung Inglesera.
"Umalis ka nga dyan!! Ang hilig mong makisawsaw sa usapan namin tapos sasabihin mo na Boyfriend mo si Lei Cruz... Yuck ka girl!" Nakayuko nalang ako sa mga sinabi ng babaeng nasa harapan ko na ngayon at pilit akong sinisigawan... Mayat-maya ay huminto na sya. Pinagtitinginan na kasi sya ng mga tao.
"Hey... whats your problem?" bigla kong narinig yung boses na yun. At may bigla ring humawak sa balikat ko.
"Hey You... may problema ba sa Girlfriend ko?" nakita kong nakanga-nga yung babae sa sinabi ni Lei, Tinignan ulit ako nung babae sabay tingin ulit kay Lei.
"Lei Cruz" pa twinkle-twinkle yung mga mata nya habang nakatingin sya dito.
"Nai... Halikana!" hindi na nakapag salita yung babae at inggit na inggit sakin nung hinawakan ni Lei yung kamay ko papalabas. Buti nalang matalino itong si Lei... Nakatakip kasi yung Cup ng Jacket nya kaya di sya masyadong pinagkaguluhan at tanging yung umaway sakin na babae ang nakakilala sakanya pero nakatanga lang sya.
Hawak-Hawak parin ni Lei ang Kamay ko hanggang sa pagpunta sa kotse
"Lei... san tayo pupunta?" tanong ko. At binuksan na nya yung Pinto ng kotse nya.
"basta sakay na..." pagpupumilit nya saka nya ako tinulak ng dahan-dahan papasok sa kotse.
"Anong ginawa sayo ng babaeng yun huh! Nasaktan kaba?" -Tanong nya nung nakaupo na sya sa Driver seat. At dahan-dahan nyang nilock yung seat-belt ko.
"Wala... Diko naman sya pinatulan e." -sagot ko naman
"Nai... pasensya na huh!! Pero baka dahil sakin mapahamak ka kaya mas mabuting itago mo muna sa lahat ang Relasyon natin, Ngayon lang naman ito. Promise aayusin ko rin basta we need to pretend. Mahirap na baka pati ikaw maging isseu sakin. Hayaan muna natin na Tumagal ang bago kong Career." nakatingin lang ako kay Lei
"Huh? Pero..."
"Nai... para satin naman ito e, Ayoko lang pati ikaw pakialaman ng iba." kahit ang gulo pilit ko paring inintindi
BINABASA MO ANG
My Pretty Boy
RomanceFirst of all, HELLO to my soon to be Readers, Sana makuha ko yung atensyon nyo para mabasa ito. I hope magkaroon ako ng Chance para suportahan nyo ang story ko. at sana bigyan nyo rin ako ng Chance para ipakilala sa inyo ang PRETTY BOY ng buhay ko...