Chapter 10- Lei to the Resque

5 0 0
                                    

2 days later.

Nairah P.O.V

"Tao po.. tao po.. Nai!!" napabaling ako nung makita ko yung anino ng isang lalake na nasalabas. Nakatali parin ako at ilang araw ng di kumakain.

"Nai... Nairah..." sigaw nya. Gusto kong sumagot pero di parin ako makasigaw.

"Sino ka?" narinig kong sumagot si Tyang.

***

Lei P.O.V

Habang tinatawag ko si Nairah, nagulat ako nung tyahin nya ang nagpakita. Ibinaba nya yung Salamin nya at inalis ang sigarilyo sa bibig.

"Sino ka?" tanong nito sa akin.

"Huh! Nandyan po ba si Nairah? Pwede ko po ba syang makausap." sabi ko

"wala sya." sabi nung matandang babae sakin.

"Huh! San po sya nagpunta?" tanong ko ulit bago pa makapasok sa loob

"Nasa Manila na sya, dun sa Ate nya. Kung gusto mo puntahan mo sya dun! Wag kana ulit pupunta dito. Walang Nairah'ng baliw dito. Alis!!" tumalikod na yung matandang babae. Pumunta ako malapit sa kotse ko, Hindi ako naniniwala na nakapunta na ng Manila si Nairah,. kilala ko sya! Hihingi parin ng tulong yun. At sigurado akong sasabihin parin nya sakin na nasa Manila na sya.

I try to call her, habang nasa tapat parin ako ng bahay nila.

***

Nairah P.O.V

Hindi Lei, Nandito ako,. Tulungan mo ako hinang-hina nako dito. Lei wag kang umalis. Tulungan mo ako dito.

*Kringgggg... kringggggg... kringgggg...*

nagulat ako nung biglang tumunog yung Cellphone ko na hanggang ngayon nasa bulsa ko. Sinubukan kong kunin yung cellphone ko kahit pa hirap na hirap ako. Natapos na yung ringtone ng CP ko pero konte pa nalang ay diko parin makuha, halos mapilay ako para lang masagot yung Tawag. Pagkatapos ng ilang minuto nung makuha ko yung Cellphone ay 3 misscalls na. At tama nga yung hinala ko. Si Lei nga itong tumatawag.

*Kringggg... Kringggg... Kringggg...* muling tumunog ang Cellphone ko. Nataranta ako para sagutin ito.

"Hello Lei!! Hello.. Tulungan mo ako, nandito ako sa likod ng bahay. Please Lei, bumalik ka. Lei tulungan mo ako." sabi ko.

"hello Nairah! hindi kita maintindihan. Magsalita ka ng maayos. Hello!! Hello? is that you Nairah?" sabi ni Lei at rinig na rinig ko yun, Hindi nya ako maintindihan dahil di ako makapagsalita ng Diretso dahil pati bibig ko nakatali din.

"Ummm... Ummmm.. Ummm.." *Lei, nandito ako sa likod. Tulungan mo ako. Ayoko na dito.* :'(

"Hello! Sino ba ito? Nai... Ikaw ba yan. Hello!! Nasaan ka ba talaga?" tanong nya sakin. Biglang hinablot ni Tyang yung Cellphone.

"Sino yan? Akin na yan." -bigla nyang pinatay yung cellphone ko.

"Ano? magsusumbong ka? subukan mo lang, talagang hindi na kita kakalagan dyan."

***

Lei P.O.V

Naka ilang misscalls ako nung biglang sinagot ni Nairah yung tawag ko. Alam kong last time ay nagalit sya sakin at ilang linggo nadin  na hindi ko sya nakikita.

"ummm¡¤$#@.. Umnm&@^*!, Ummmm!&$#*!" -magulo yung pagsasalita nung sumagot. At diko mabosesan kung talaga bang si Nairah ito kasi parang may nakatakip sa bibig nya o may laman yung bibig nya basta hindi ko sya maintindihan

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon