Chapter 14- UNKNOWN Pretty Boy

4 0 0
                                    

Nairah P.O.V

Hininto na ni Lei ang kotse nya at nasa tapat na kami ng Bahay. Nung makita ko yung bahay nagflashback sakin yung mga paghihirap ko galing kay tyang. At bigla akong pinangunahan ng Kaba at Takot. Hindi pa ako nakakalabas ng kotse at nagulat ako nung hawakan ni Lei ang kamay ko.

"Nai?.. Ano na? May time ka pa to decides, Kung tutuloy kaba o..." ipinatong ko yung isa kong kamay kay Lei habang hawak nya ang kamay ko.

"Tutuloy ako Lei, Bahay ko yan eh. At sa totoo lang nakikitira lang sila dyan. Ako Lei, ako ang may mas karapatan na umuwi sa bahay ko, Kaya kung ano man ang gawin sakin ni Tyang, Lalaban na ako Lei. Diba yun yung sabi mo. Kapag sinasaktan ka at dika umimik lalo kalang masasaktan. Kaya ngayon nandito ako para sabihin at ipakita kina tyang na Hindi na ako papayag na saktan at pahirapan nila. Lalaban na ako!" buong-loob kong sinabi kay Lei yun

"Tama! pero Nai... Basta tumawag ka sakin just in case na kailangan mo ako. Magingat ka huh! I love you." Inilapit ni Lei yung mukha nya at hinalikan nya ako sa Noo

"Salamat. I love you too Lei." hinawakan ko ng matagal yung pisngi nya at tinignan ko yung mapupungay nyang mata. Saka na ako lumabas ng kotse.

"Bye." sabi ko at may pakaway-kaway pa kay Lei. Ngumiti sya at yumuko sakin. Saka na nya pinaandar yung kotse nya paalis.

Humarap ako ulit sa bahay at hindi ako halos makahakbang sa kinatatayuan ko. Talagang may takot parin sa Loob ko. Paghakbang ko papalapit sa bahay, Binuksan ko yung bakuran namin at bigla akong napahinto nung may lumabas na matandang lalake.

"Sino sila?" itinaas nya yung salamin nya at pinakatitigan nya ako mula paa.

"Kayo po? Sino po kayo? Bisita po ba kayo nina Tyang? Haaa..." mahinahong  tanong ko at kumunot yung noo nya sa sinabi ko. Kaya naman napahinto ako sa pagsasalita.

"Sinong tyang ang tinutukoy mo?, Bahay namin ito." nagulat ako nung sabihin nung matandang lalake yun.

"Oh! Hindi po... *pailing-iling na sabi ko* Samin po ito. Dito po ako nakatira, Hindi nyo po pwedeng kunin ang bahay na ito! Hindi po sainyo ito. *Dadaan sana ako sa may pagitan nung matandang lalake* Nandyan po ba sina tyang, Kakausapin ko po sya para maniwala kayo. Si Shine yung anak po nya, sila po yung magsasabi na samin po ito." pinigilan nya ako at hinarang nya yung kamay nya sa dadaanan ko.

May biglang lumabas na isang matandang babae sa pinto habang nakaharang yung kamay nung lalake.

"Cardo... sino yan?" sabi nung babae.

"Ewan ko. Nasisiraan na yata ng bait ito!" Pasigaw na sabi nung matandang lalake.

"Ale... Ale, Samin po kasi bahay ito. Bakit po nandito kayo?" bilis kong tanong, at nagmamakaawa na yung boses ko.

"Excuse me jiha! Nabili na namin ito, Na samin na yung Contract ng bahay na ito. Worth of  P300,000, at nabayad na namin ito, At umalis na yung dalawang maginang nakatira dito. Kaya kung mageeskandalo ka lang dito jiha... Umalis kana! Dahil bahay na namin ito. At hindi na sainyo ito. Alis... " tumalikod na silang dalawa sakin at daliang sinara ang pinto

"Sandali lang po. Hindi po pwede yun! Samin po bahay ito, at yung nagbenta inyo, nakikitira lang po sila dito kaya wala silang karapatang ibenta ito. Importante po ang bahay na ito sakin. Parang awa nyo na po umalis na kayo dito! magagalit po sina itang at inang sakin... Kasi po, Nagpromise po ako sakanila na iingatan ko po itong bahay na ito! Dugo at pawis po yung ibinuwis nila para dito. *katok ako ng katok sa dalawa at umiiyak sa tapat ng pinto* Parang awa nyo na po! Umalis na po kayo dito sa bahay namin. Susunduin ko pa si Ate para dito ko sya iuwi. Pero paano po mangyayari yun kung nandito po kayo. *iyak ako ng iyak habang sinasabi yun* Sige na po. Payagan nyo na po ako sa gusto ko. Umalis na po kayo sa bahay namin. Hindi ako Aalis dito hanggat di kayo umaalis sa bahay ko,.. Hindi sa inyo ito at hindi nyo po pwedeng gawin ito. Never ko pong binebenta ang bahay na ito. Hindeeee. kaya please, Please lang po. Umalis na kayo sa bahay na ito!" kahit anong gawing kong sigaw at iyak wala paring nagbabago. Hindi ako pinakinggan ng dalawang matanda yung hiling ko.

My Pretty BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon