Cess P.O.V
"Okay guys! Mamaya na yan lunch muna tayo." sigaw ko habang nagppractice sila. Tinginan naman lahat sakin habang dala-dala ko yung kanin at ulam.
"Cess, Ano yan? wow! ang bango huh?" kaagad na lumapit si Manu saka nya kinuha yung dala ko. Sunod naman ay si Lloyd na hawak-hawak pa yung Drumstick.
"Oh sige na Manu kumain na kayo. Lloyd kumuha kana ng plato sa likod" senyas ko at pinuntahan si Aj habang hawak-hawak yung gitara nya.
"Aj! kain kana dun." tinapik ko sya sa braso. At nung humarap sya ay nakita kong may pasa sya sa gilid ng pisngi.
"Anong nangyari dyan? haa? bakit may sugat ka sa pisngi?" nagaalalang tanong ko.
"Wala ito." sagot nya.
"Aj!! Sinong may gawa nyan sayo?" tanong ko ulit
"Ano ba?? pwede ba ayoko ng makulit Cess! Ang sabi ko wala, WALA TOH!" natahimik ako at tinginan lahat kay Aj.
"Easy... Bro! Nagtatanong lang si Cess." -Hym
"Sorry," sagot ko saka kona kinuha sa may desk yung kopya ng lyrics.
Hindi ko alam kung bakit ganon si Aj. Hindi ko naman masisi ang sarili ko kung bakit minahal ko pa sya. Siguro wala lang talaga yun, Dapat hindi kona sya kinukulit kasi.. Wala- wala namang talagang kami. even though I Love him.
Habang nananahimik ako sa sulok at nagbabasa.
"Cess, Kumain kana?" napatingin ako kay Aj. At nasa katinuan na.
"Oo. Sige na kumain kana dun." sabi ko, Lumapit sya saka tumabi sakin.
"Sorry kung napagtaasan kita ng boses. Naiinis lang kasi ako kay Thairon. Nagkita kami kahapon." Napaharap ako sa sinabi ni Aj.
"Kung ganon! si Thairon ang gumawa nyan sayo?" galit na tanong ko. Nakitang tumango sya at yumuko nalang.
"Ano bang gusto nya? at Ikaw na naman ang inaway nya? Bakit ka nya sinuntok? dahil na naman ba sa Battle?" sunod-sunod na tanong ko
"Nope." -he said
"So.. kung ganon Ano?" tanong ko ulit at napatayo na ako sa asar ko.
"Dahil kay ms. Kang!" sagot nya
"Putekk... naman oh! Bakit kaba kasi nakikipagkita sa babaeng yun?" This time sa tanong kong yun napatingin na ng diretso si Aj sakin. At nakita kong nakatingin na din sina Manu sakin.
"Cess? may problema kaba?" sunod na tanong nya saka na sya umalis sa tabi ko.
***
Lei P.O.V
Habang nagddrive ako. Natanong bigla ni Nairah yung babaeng kasama ko dati sa Gas station. Alam kong si Kate ang tinutukoy nya
"Huh! e.. ah' s-shes my Sister." di ako makatingin ng diretso kay Nairah.
"Huh! Sister mo pala sya. Alam mo ba nung oras na yun akala ko girl friend mo eh. Kaya hindi na rin kita tinetext at hindi na rin ako nagparamdam sayo. Hindi ko kasi alam na kapatid mo pala sya. Ang ganda nya noh! siguro palagi kayong napagkakamalang magbf/gf pag nagpupunta sa mall noh? Haaaa... Anong Name nya Lei." halos di ako makasagot sa mga tanong ni Nairah. At pakiramdam ko nagi-Guilty ako.
"mmm... k-Kate." mabilis na sabi ko at tutok lang sa pagmamaneho
"kate, Eh! bakit dika magset ng date para magkakilala kami ng sister mo?" kinabahan ako sa sinabi nya.

BINABASA MO ANG
My Pretty Boy
RomanceFirst of all, HELLO to my soon to be Readers, Sana makuha ko yung atensyon nyo para mabasa ito. I hope magkaroon ako ng Chance para suportahan nyo ang story ko. at sana bigyan nyo rin ako ng Chance para ipakilala sa inyo ang PRETTY BOY ng buhay ko...