Marifel Kang P.O.V
"Pa... akala ko ba, Its all right? You make a promise na magpapakasal kami ni Alex Jackson. Pa, Gawan nyo ng paraan ito. Paanong hindi nyo kayang mapapayag sya." Sigaw ko kay Papa habang nasa Office sya ng Kang Music.
"Anak, ginagawa ko naman lahat. At yang kasal nyo ni Alex mangyayari yun! Just trust me. Alam mo namang lahat gagawin ko para sayo diba? Pero hayaan mo akong ayusin muna ang Conflict ng KANG Music then saka natin i set yung Kasal nyo. Hindi sya pwedeng mawala sa kasal nyo, Kung kinakailangan gipitin ko ang Ralmandio Family para lang pakasalan ka ng lalakeng yan. Gagawin ko." Yan ang pangako ni Papa sakin. Lahat gagawin nya para sa nagiisa nyang anak.
"Thanks Pa... Promise nyo yan huh! Kasi hindi na ako makapaghintay na maging sakin ang PRETTY Boy ko." masayang sabi ko
***
Nairah P.O.V
Pauwi na ako galing sa paghahanap ng trabaho, pero wala parin akong maaplyan. At halos nilibot ko na ang bayan ng Bicol para lang makahanap ng pagkakakitaan.
"Nai... Tara sumabay kana." nakita kong binuksan ni Lei yung pinto ng kotse nya.
"Lei..."
"Ano may nahanap kana ba? Sabi ko kasi sayo mahirap humanap ng trabaho dito sa Bicol. Tanggapin mona kasi yung offer ni President sayo. Kumanta kana sa FMRecords." medyo nainis ako sa sinabi ni Lei kaya pagkatapos ko syang in-Snob ay lumakad na ako.
"Nai!!!" -tawag nya sakin
"Sino ba yang President na sinasabi mo Lei? Paki sabi nalang na Ayokong kumanta sa FMRecords na sinasabi nya. Layuan mona nga ako." umirap ako kay lei sa sobrang inis ko
"Nai, wait.. Joke lang. Nagbibiro lang ako." Sinusundan parin nya ako habang nakaKotse sya.
"Nairah!" sigaw ni Lei
"Lei, Pwede ba tigilan mona ako. Alam ko naman na kaya ka lapit ng lapit sakin kasi gusto mong magtrabaho ako sa FMRecords. Diba? umpisa palang sabi ko na sayo na ayoko. Kaya kung kinakaibigan mo lang ako dahil sa FMRecords, Umalis kana." Harap-harapan kong sinabi kay Lei yun. Lumabas sya ng kotse nya tapos hinabol nya ako.
"Sinong nagsabi na kinakaibigan kita dahil lang sa FMRecords? Hindi ba pwedeng kinakaibigan kita kasi..." Napahinto ako sa paglalakad nung humarang sya sa harap ko
"kasi... (tinitigan nya ako sa mata) Gusto kita! (hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko) Yun ang dahilan ms. Nairah Solomon" Binitawan nya ako at tumalikod na sya."Gusto lang naman kitang tulungan para hindi kana maging kawawa sa tyang mo. Ang sabi mo hindi mo na kaya diba? Kaya feeling ko talaga dito lang kita kayang tulungan. Pero kung ayaw mo ng maging kaibigan kita,.. Dont worry! Susubukan kong Iwasan ka." Sunod na sabi nya habang nakatalikod sakin. Pumunta na sya sa kotse nya saka na umalis. Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lalo na nung sinabi nyang Gusto nya ako.
"Tama ba yung nararamdaman ko? Shit, Nagalit ko yata sya? kasi naman alam na nyang pagod na pagod ako sa kakalarga ko maghapon iinisin pa nya ako." Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pero si Lei parin ang iniisip ko.
"Paano kung talagang iwasan na nya ako?" tanong ko ulit.
*Tapik tapik sa Noo*
"Oh No!" napasabi ko nalang sa sarili ko.
"Hoy... babae! Ano tapos kana bang mag Fashion show huh! Araw-araw nalang bang ganito ang gagawin mo? Bilisan mo na pasok." nakaharang si Tyang sa pinto at nakasubo sa kanya yung sigarilyo.
BINABASA MO ANG
My Pretty Boy
RomanceFirst of all, HELLO to my soon to be Readers, Sana makuha ko yung atensyon nyo para mabasa ito. I hope magkaroon ako ng Chance para suportahan nyo ang story ko. at sana bigyan nyo rin ako ng Chance para ipakilala sa inyo ang PRETTY BOY ng buhay ko...