Nairah P.O.V
Iyak ako ng iyak habang nasa Tulay ako. Dito kasi ako nagpupunta pag malungkot ako. Dito rin kami unang nagkita ni Lei. Nakadungaw ako sa Tubig sa baba gaya ng palagi kong ginagawa pag magisa ako dito.
"Bakit ba ang malas-malas ko huh! May nagawa ba akong kasalanan kaya pinaparusahan nyo ako ng ganito. Pero bakit ako? Bakit sakin pa nangyayari ito? Ang dami naman iba dyan huh! Hindi pa ba kayo nagsasawa sa pagbigay ng kamalasan sakin? Una kinuha nyo na sakin si Itang, sunod si Inang... inilayo nyo na nga sakin si Ate diba?, Iniwan nako nina Tyang, pero bakit pati yung bahay na meron ako, Wala na din? Ano bang klaseng buhay ito? Magisa na naman ako. Hindi ko na kaya!!! Ayoko ng tawagin akong Malas. Ang hirap ng ganito eh, lagi nalang sakin yung hirap at sakit. Nakakasawa na eh! Ang daya-daya nyo. Palagi nalang si Nairah! Suko na ako!! Kinuha nyo na lahat saakin. Kaya please kung gusto mo narin akong kunin, Go! Ayoko ng magisa eh. Kunin mo nalang ako." iyak ako ng iyak habang nakatayo at sigaw ng sigaw sa may Tulay. Gabing-gabi na kaya wala akong makitang ibang tao na dumadaan dito. Actually hindi talaga ito Highway, madalas kasing gawing Pasyalan ito at tambayan ng iba.
Sumandal ako sa poste ng Tulay. Magisa, Malungkot at pakiramdam ko nasakin na lahat ng kamalasan sa buhay.
Habang nakadukmo ako may bigla akong narinig na kumanta na papalapit sa akin. At boses yun ni Lei.
"Wag, kanang umiyak sa mundong pabago-bago, pagibig ko ay totoo, Ako ang iyong bangka kung magalit man alon ng panahon sabay tayong aahon, Kung wala ka ng maitindihan, Kung wala ka ng makapitan, kapit ka sakin, kapit sa akin, hindi kita pababayaan." Umupo si Lei sa Tabi ko saka nya idinukmo ang mukha ko sa Dibdib nya at niyakap nya ako ng mahigpit.
"L-leiii!!! *Diko mapigilang humagulgol sa iyak* Lei..."
"Nairah! Diba sabi ko tawagan mo ako. Alam mo bang sobra akong nagalala huh! Bakit ganyan ka? wala ba akong halaga sayo, Nairah boyfriend mo ako kaya dapat sa mga ganitong pagkakataon, Kasama mo ako, Pero bakit mo sinasarili huh?" sermon ni Lei sakin at maghigpit parin ang pagkakayakap nya sakin.
"Lei... sorry! Akala ko, magisa nalang ako. Meron pa pala akong Ikaw. Lei... Dapat hindi mo na pinoproblema kung ano man itong meron ako. Saka isa pa Malas akong tao eh. Baka mahawa ka lang."
"Wala akong pakialam kung ikaw man ang pinakamalas na tao dito sa mundo! kasi para sakin Ikaw ang swerte ko. Kaya wag mo ngang itatak sa sarili mo na MALAS ka!! Hindi ka malas Nairah... at kahit anong mangyari, talikuran ka man ng lahat ng taong mahal mo, Pero ako MAHAL KITA. Kaya please mangako ka na hindi mo ako iiwan. " inangat ni Lei ang pisngi ko at pinunasan nya ang mga luhang kanina pa pumapatak sa mga mata ko.
"Lei. Mahal na mahal kita,. Salamat kasi nandito ka. Wag mo akong iiwan huh?, ikaw nalang kasi ang bukod tanging Meron ako. At hindi kona alam ang mangyayari sakin kung mawawala kapa. Salamat talaga Lei, Salamat." Tinitigan ako sa mata ni Lei.
"Nai, Promise! Palagi lang akong nasa Tabi mo. Hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari lagi mong tatandaan na Mahal kita. Kaya nandito ako kasi... gusto kitang alagaan, Doon ka muna sa bahay ko. Ayokong kung saan-saan ka pupunta, bilang Boyfriend mo,. Dapat lagi mo akong katabi para protektahan ka. Nairah! Hindi na kita hahayaang mawala pa." Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa ginawa nya. Hinalikan nya ako. Ang sarap sa feeling na may nagmamahal sayo. Ngayon pinunan ni Lei yung hinahanap kong kulang sa buhay ko.
***
Hym P.O.V
Kringgg... kringgg... kringggg...
Kaagad kong kinuha yung Cellphone sa ibabaw ng lamesa. Iniwan ko saglit yung mga hugasin sa lababo
"Hello?"-sagot ko
BINABASA MO ANG
My Pretty Boy
RomanceFirst of all, HELLO to my soon to be Readers, Sana makuha ko yung atensyon nyo para mabasa ito. I hope magkaroon ako ng Chance para suportahan nyo ang story ko. at sana bigyan nyo rin ako ng Chance para ipakilala sa inyo ang PRETTY BOY ng buhay ko...