kwatro

2.4K 89 1
                                    

"good morning ma'am!"

biglang gising ni Rhian dahil sa narinig na sumigaw. napasimangot siya ng makitang nakasandal sa pader malapit sa study table niya si Astrid "what are you doing here!? tsaka bakit mo ko ginigising wala naman akong pasok!" reklamo niya sabay taklob ng kumot

"breakfast is ready ma'am, masamang pinaghihintay yung pagkain kaya bumangon kana diyan" hindi sumagot si Rhian kaya lumapit si Astrid sa tabi niya "ma'am!"

napasinghap si Rhian sa inis. hinawi niya ang kumot na nakataklob sakanya "what the fuck you're so annoying! can't you understand wala akong pasok, so please let me sleep" babalik na sana sa pagkakahiga si Rhian at magtatalukbong ng kumot, nang bigla itong hatakin ni Astrid kaya ang ending nag-agawan sila "ano ba let me-"

hindi na natapos ni Rhian ang balak niyang sabihin nang biglang hawakan ni Astrid ang magkabila niyang braso

tug tug

tug tug

tug tug

tanging pagbilis ng pintig nang puso niya ang maririnig ngayon sa buong kwarto dahil sa nerbyos. sobrang lapit ng mga mukha nila ngayon, yung lapit na konting maling galaw puwede silang magkiss

"b-bitawan mo nga ko" pagalit sana pero nasabi ni Rhian ng malumanay "isa"

"not unless you get up, at kakain nang breakfast mo" panghahamon naman ni Astrid

"bakit mo ba ko kinukulit about diyan, kakain ako kung kelan ko gusto"

biglang taas ng kilay ni Astrid na parang nanghahamon "really? fine ganito lang rin tayo hanggang sa maisipan mong bumangon para kumain" mapang asar niyang sambit bago umayos ng patong sa ibabaw ni Rhian

napangisi naman si Rhian "wag mo kong hinahamon sa ganito Astrid, you don't know me"

"trust me babe, I surely know you better than yourself" panghahamon ni Astrid sabay kindat

balak sanang hilain ni Rhian si Astrid sa leeg para simulan ang balak niya, pero hindi siya makawala sa sobrang higpit ng kapit nito sakanya "bitiwan mo nga ko Astrid" pero hindi siya binitawan ni Astrid at mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit sakanya, to the point na nasasaktan na siya "Astrid masakit na!"

para namang natauhan si Astrid at biglang binitawan si Rhian saka umalis sa pagkakapatong dito "tumayo kana diyan, sa baba nalang kita hihintayin" saka siya lumabas ng kwarto

kaagad naman chineck ni Rhian ang mga braso niya. namumula ito at bakas ang kamay ni Astrid "anong problema nun" sabay singhap at kagat ng labi dahil sa sakit bago siya bumangon at gawin ang morning routines niya

pagkababa niya sa sala ay nakita niya si Astrid na may kausap sa phone sa bandang garden pero mukha hindi siya napansin nito dahil busy sa kausap, kaya naisipan niya nalang na dumeretso sa dining area kung saan naka prepare na ang mga almusal niya, naupo siya sa usually seat niya at nagsimula nang kumain

biglang pasok naman ni Astrid sa dining area "tumawag si ma'am Yen, kailangan mo daw pumunta sa company niyo ngayon"

nagtatakhang tumingin si Rhian kay Astrid "para saan?"

"para maturauan sa pagrun ng company niyo" simpleng sagot ni Astrid saka umupo

"what? ayoko"

"oh edi sige sabihin ko block niya nalang lahat ng card mo" sabay labas ni Astrid ng phone para tawagan ulit si Lindsay

dahil sa inis ay di sinasadyang naibato ni Rhian kay Astrid ang hawak niyang kutsara, pero laking gulat niya nang masalo ito ni Astrid kahit hindi nakatingin 'how did it happen' tanong niya sa sarili habang gulat na gulat parin 

"not so fast babe" sabay angat ng tingin ni Astrid kay Rhian "alam mo ba kung gaano kasakit pag tumama to sayo?" saka niya binato pabalik kay Rhian ang kutsara

kaagad naman na tinakpan ni Rhian ang sarili niya, pero inalis rin nang marinig niyang sa kapeng iniinom niya ito napunta. nagtatakhang nilingon niya ulit si Astrid "how did you do that?"

napangisi naman si Astrid sa tanong ni Rhian saka tumayo "bilisan mo nalang diyan ma'am kung ayaw mong mablock talaga yang mga cards mo" saka siya naglakad palayo at talagang hindi sinagot ang tanong ni Rhian

napatingin naman si Rhian sa kutsara na binato ni Astrid habang paulit-ulit parin na tinatanong ang sarili kung paano niya yon nagawa, naalala niya rin bigla kung paano siya nito hinawakan sa braso ng sobrang higpit kanina at narealize niya na sobrang lakas ni Astrid kahit hindi siya ganun katangkaran "I guess she really can fight" pinagsawalang bahala niya nalang yon at tinuloy ang pagkain

as for Astrid, pumunta siya ng garden at humugot ng malalim na paghinga. nakapikit siya kaya hindi niya napansin na may lumapit sakanya

"ang lalim naman ng hugot mo" hindi siya nagulat pero dinilat niya ang mata niya at tinignan ang taong nagsalita "hi, I'm Mela pero Melay ang tawag nila sakin dito" sabay abot ng kamay sakanya ni Mela

"Astrid" maiksing sagot niya saka hinawakan ang kamay ni Melay

"bago ka dito right?" tango lang ang naisagot niya kay Mela "mga ilang buwan palang akong maid dito, ikaw ba? anong position mo rito? pasensya ka na kung madaldal ako ah"

"no worries, personal bodyguard ako ni ma'am Rhian"

"a-ah ganun ba?" tumango lang ulit si Astrid "s-sige balik nako sa loob, inuutusan kasi ako ni Lady Kaye"

"anong inutos niya sayo?"

"iprepare ko daw siya ng susuotin" tango lang ulit ang nakuhang sagot ni Melay kay Astrid kaya pumasok na siya sa loob

napailing naman si Astrid 'mga mayayaman nga naman, gagawin nalang iuutos pa sa iba'

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now