trenta nuebe

2.1K 72 7
                                    

ilang araw din nagstay sila Astrid sa bahay bakasyunan at ngayon ang huling araw nila sa nasabing lugar, kaya naisipan ni Astrid na dalhin ang mag-ina niya sa bayan na malapit doon para makapamili ng souvenir. naglalakad-lakad sila habang nagtitingin nang mapansin ni Astrid na parang may sumusunod sakanila, dahan-dahan siyang naglakad habang buhat si James, si Rhian naman ay busy sa pamimili kaya hindi niya napapansin ang ginagawa ni Astrid

maya-maya pa ay palapit na ang naririnig ni Astrid kaya niya ito nilingon at hindi napansin na my kumuha kay Rhian, nagulat nalang siya nang wala na si Rhian sa kung nasaan siya kanina. ninerbyos si Astrid at dali-daling hinanap si Rhian pero wala siyang nakitang kahit anong bakas nito, napahagod nalang siya ng buhok dahil sa inis at kaagad na tinawagan si Yasmine

📱 hello dude bakit ka napatawag

"si Rhian nawawala!"

📱 ano! s-si James kamusta?!

"nasakin siya" saka hinalikan ni Astrid ang ulo ni James "kailangan ko kayo rito"

📱 send me the address pupuntahan ka namin

pinatay na ni Astrid ang tawag at sinend kay Yasmine ang lugar, saka naman niya tinawagan ang ate niya pero hindi ito sumasagot, kaya kinutuban siya na baka ate niya nanaman ang kagagawan sa pagkuha kay Rhian "damn you Shantal!" hindi na niya napigilan na ibuhos ang galit saka binato ang cellphone niya at saka naisipan na bumalik sa villa

ilang minuto lang ay narating na niya ang villa. kaagad siyang bumaba at kinuha si James sa backseat saka sila pumasok sa loob. nilapag niya ang bata saka ulit sinubukan na tawagan ang ate niya pero hindi talaga nito sinasagot ang tawag niya "bakit parang may mali?" biglang nag-iba ang kutob niya. sanay siyang tinatawagan ang ate niya at alam niyang kahit pa meron silang hindi pagkakaunawaan ay never nitong hindi sinagot ang tawag niya. kinutuban na siya kaya tinawagan niya ulit ang ate niya saka siya kumuha ng laptop para ihack ang location nito "shit! may mali nga rito" nakita niya ang location ng phone ng ate niya malapit sa lugar kung nasan sila ngayon at may kutob siya na may masama ring nangyari dito. kaagad niyang kinarga si James at dinala sa caretaker ng lugar "kayo na po munang bahala sakanya" saka niya hinalikan ang anak sa ulo "Dada will leave muna ha, promise babalikan ka namin dito anak" niyakap niya ito ng huling beses saka siya tumakbo papasok ng sasakyan. tinawagan niya muna si Yasmine para masigurong makakarating sila sa tamang oras "Yas nasan na kayo?"

📱 mga 1 hr pa

"shit!" nahampas niya nalang ang manibela dahil masyado pang malayo sila Yasmine "mauuna nako sa location" saka niya pinatay ang tawag bago pa siya pigilan ni Yasmine. pinatakbo niya ang sasakyan ng pagkabilisbilis at ilang saglit lang ay narating na niya ang location kung saan niya nalocate ang phone ng ate niya. isa itong liblib na lugar kaya kumpirmado niyang may masama talagang nangyari sa ate niya, at nakukutuban niya na kung sino man ang nasa likod nito ay siya din ang may pakana sa pagkuha kay Rhian. humugot siya ng malalim na paghinga bago niya kunin ang tinatago niyang baril sa sasakyan at siningit ito sa likod ng pants niya saka siya bumaba

samantalang nahirapan naman sila Yasmine na ilocate ang ang lugar na sinasabi ni Astrid at mediyo nagkaligaw-ligaw pa sila, mabuti nalang at naisipan ni Janice na ilocate ang phone ni Astrid na ginamit nitong pantawag kay Yasmine kanina, at dinala sila nito sa isang masukal na daan "sigurado ka bang dito yung location ni Astrid? e gubat nato e" hindi umimik si Janice at pinakita ang tracker niya. bigla namang nagalala si Yasmine at naisip na nasa panaganib sila Astrid ngayon

pagkarating nila sa exact location ay nakita kaagad nila ang sasakyan na nakapark sa gitna kaya bumaba sila para kumpirmahin kung kanino ito "confirm boss, kay Sargent Astrid to"

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now