trese

1.7K 73 1
                                    

"woooow ate Rhian ang ganda naman po dito!" masayang mungkahi ni Asha pagkababa nila ng sasakyan "dada oh! ang ganda don" sabay turo niya sa nakita niyang carousel

ngumiti si Rhian dahil nagustuhan ni Asha ang lugar. nilingon niya naman si Astrid pero tahimik lang ito "pst. you don't like it here ba?" bigla niyang tanong with matching pag bangga pa sa balikat. nilingon siya nito pero walang sinabing kung ano, tinitigan lang siya saka ulit umiwas ng tingin "sungit" binaling nalang ulit ni Rhian ang pansin sa bata "let's get inside na baby. iwan natin dito yung dada mong napakasuplado" aya niya sa bata saka ito inakay papasok. sumunod naman sakanila si Astrid

pagpasok palang nila sa loob sinalubong na sila ng ticket operator "good afternoon ma'am, kayo po ba yung nagpabook ng ride all you can tickets for three?"

"yes ako nga"

"this way nalang po ma'am"

sinundan naman nila Rhian at Asha yung operator maliban nalang kay Astrid. napansin naman siya ni Rhian at hinawakan ang kamay niya para hilain papasok. nangmakarating sila sa ticket booth ay isinuot na kaagad sakanila ng operator yung tickets na parang bracelet saka sila pinapasok sa loob

mas lalo pang namangha si Asha nang makita ang buong kabuuan ng amusement park, lahat ng makita niyang rides tinuturo niya saka niya tatanungin sila Rhian kung puwede ba niyang sakyan at kapag payag sila hihilain niya ang dalawa para pumila at sumakay. halos lahat ng rides sinakyan nila Rhian at Asha maliban kay Astrid. hindi siya sumasama sakanila sa rides, hindi dahil sa takot siya gusto niya kasing masecure ang lugar habang nagsasaya ang dalawa

halos mag-gagabi na ng matapos silang mag rides at nakaramdam na ng gutom si Asha "ate nagugutom na po ako"

natawa naman si Rhian sa ka-cute-an ng bata "what do you want to eat ba?" kaagad na naghanap si Asha ng gusto niyang kainin saka ito tinuro "ok let's go there" nilingon naman ni Rhian si Astrid na kanina pa tahimik "hindi ka ba nag-enjoy?" wala siyang nakuhang sagot "you can tell me naman kung hindi ka nag-enjoy, hindi yung hindi mo ko kakausapin" sabay irap niya at hila kay Asha papunta sa food stall na gusto nitong kainan

pagtapos nilang umorder ay naghanap na sila ng mapupwestuhan. may nakita naman kaagad si Astrid at doon na sila pumwesto, nagsimula silang kumain pero tahimik parin si Astrid at naiinis na si Rhian sakanya. napansin naman yun ni Asha kaya sinipa niya ang Dada niya sa ilalim ng lamesa, tinignan lang siya nito at hinintay na magsalita "ang saya dito Dada, buti nalang po girlfriend mo si ate Rhian kaya may chance ako makapunta sa ganito" nagulat si Astrid sa sinabi ni Asha si Rhian naman kinilig

"anong girlfriend pinagsasabi mo diyan, di ko girlfriend yang ate Rhian mo, tsaka nakapunta kana dito noon baby ka panga lang kaya di mo na maalala"

"aw. bakit Da? ayaw mo ba kay ate Rhian? maganda naman po siya ah, tsaka mabait"

bumubuntong hinga si Astrid "bilisan mo nanga lang kumain diyan, uuwi pa tayo sa bahay"

biglang pantig ng tenga ni Rhian at nilingon si Astrid "bakit pa kayo uuwi sainyo? bakit hindi nalang sa mansion" hindi umimik si Astrid kaya sobrang napikon na siya at tumayo, tinangka pa siyang pigilan nito pero hinawi niya lang ang kamay nito saka naglakad palayo

napansin ni Asha na nagpunas ng mata si Rhian habang palalayo "hala ka Dada! pinaiyak mo si ate Rhian"

nabigla naman si Astrid sa narinig "umiyak siya?" tumango lang ang bata kaya dali-dali siyang tumayo "dito ka lang Asha ha wag kang aalis, babalikan ka namin dito susundan ko lang yung ate Rhian mo" tumango-tango lang si Asha habang busy sa pagkain. kaagad naman tinakbo ni Astrid kung saang dereksyon pumunta si Rhian "ma'am!" sinubukan niya itong tawagin pero hindi siya nito nilingon o kahit huminto man lang, kaya no choice siya kung hindi ang sumunod lang dito. natigilan lang siya ng maramdaman niyang may iba pang sumusunod sakanila "shit!" kaagad niyang tinakbo si Rhian nang mapansin niyang may tumutok ng laser dito. sinubukan pa ni Rhian na pumalag kaya walang choice si Astrid kung hindi halikan ito hanggang sa tumigil kakapalag. naghiwalay lang sila nang masiguro ni Atrid na safe na sa paligid "ayos ka lang ma'am?" habol hingang tanong niya kay Rhian

"how can I be ok if you turning me on"

bumuntong hinga si Astrid "hindi naman yun yung ibig kong sabihin ma'am" hindi umimik si Rhian at nakatulala lang "haist ewan ko sayo ma'am" saka siya tumalikod at paalis na sana

"Astrid" biglang hinto ni Astrid "wala ba talagang chance?"

huminga ng malalim si Astrid bago humarap kay Rhian "sinabi ko na sayo ma'am hindi.puwede. kaya wala talagang chance"

napahagod ng buhok si Rhian dahil sa inis "ano ba kasing rason ng letcheng hindi puwede na yan!"

biglang iwas ng tingin ni Astrid dahil hindi na napigilan ni Rhian ang umiyak "basta, hindi puwede, hindi mo rin maiintindihan kahit pa sabihin ko sayo yung dahilan"

sobrang pikon na si Rhian, to the point na gusto niyang saktan yung sarili niya para lang matauhan siya sa sinasabi ni Astrid, pero nangingibabaw parin talaga yung feelings niya dito "tang ina edi ipaintindi mo sakin! kahit ano pa yang letcheng rason mo nayan iintidihin ko yan kasi mahal kita!" hindi nanga napigilan ni Rhian na sabihin ang totoo niyang nararamdaman. bigla naman nakaramdam si Astrid ng kung ano sa dibdib niya, alam niyang may feelings sakanya si Rhian dahil pinararamdam naman talaga nito, pero iba parin pala kapag narinig mo na mismo don sa tao "you heard me right? yes I do love you, so please...please Astrid make me understand" hindi na napigilan ni Rhian ang emosyon at biglang niyakap si Astrid "I love you Astrid, please give us chance"

hindi umimik si Astrid at inalis ang pagkakayakap sakanya ni Rhian "uwi na tayo ma'am, mukhang napagod ka ng sobra" napapikit nalang ng mata si Rhian dahil sa pagtitimpi "halika na" balak sanang hawakan ni Astrid ang kamay ni Rhian para hilain, pero hinawi lang nito ang kamay niya at padabog na lumakad palayo. bumuntong naman ng malalim na paghinga si Astrid saka binalikan si Asha "halika na uwi na tayo"

napansin ni Asha na wala si Rhian "nasan po si ate Rhian Da?"

"nauna na don sa kotse" hindi naman na umimik si Asha at binitbit ang natira niyang pagkain. pagkarating nila sa parking lot napansin nilang nakabukas na ang ilaw ng sasakyan at nasa loob na rin si Rhian. nakacross arms at seryoso lang nakatingin sa harap kaya binuhat na ni Astrid si Asha papasok sa backseat at kinabit ang seat belt nito, saka siya umikot at sumakay sa driver seat. napansin naman niyang hindi pa nakakabit ang seat belt ni Rhian "seat belt mo ma'am" pero hindi ito kumilos at parang walang narinig, kaya wala siyang choice kung hindi ang ikabit ito. napasinghap nalang siya ng biglang dilaan at kagatin ni Rhian ang tenga niya. nilingon niya ito pero hinalikan lang siya at nakipagtitigan ng ilang segundo bago ngumisi. napailing nalang siya ng ulo bago istart ang sasakyan

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now