trenta tres

1.6K 77 12
                                    

"Astrid maawa ka naman sa bata, siya yung maapektuhan ng sobra pag tinuloy mo to!"

umiwas ng tingin si Astrid kay Rhian saka dinampot ang fountain pen "you leave me no choice Rhian" saka niya inabot ang pen kay Rhian "now sign, para mapasa ko na yan sa lawyer ko"

hindi makapaniwala si Rhian sa ginagawa ni Astrid ngayon "talaga bang wala kang pakielam sa anak mo" bumuntong siya ng malalim na paghinga para pakalmahin ang sarili niya "is that how eager you want us to get back together? fine!" bumuntong hinga si Rhian saka niya nilabas ang phone sa bulsa niya para tawagan si Cielo. pinanunuod lang naman siya ni Astrid. ilang segundo lang ay sinagot na ni Cielo ang call "let's break up" pagtapos ay pinatay na kaagad ni Rhian ang call "ginawa ko na yung gusto mo" saka siya tumalikod at lumabas ng opisina ni Astrid nang wala nang sinasabing kahit ano

napasandal naman si Astrid sa upuan niya "now she's guilt triping me" naguguluhan narin si Astrid kung ano pa bang dapat niyang gawin para lang bumalik sila ni Rhian sa dati "tanga naman kasi Astrid! ikaw may gawa nito e!" napabuntong hinga nalang siya at dinampot ang papel na pinakita niya kay Rhian kanina saka ito pinunit "pero susubukan kong ayusin pa to, last na" saka siya tumayo at hinabol si Rhian "Rhian!" pero hindi ito huminto kaya tinakbo na niya "Rhian let's talk"

"ano ba!" hinawi ni Rhian ang kamay ni Astrid saka siya humarap dito "ginawa ko na yung gusto mo diba?!" tinitigan ni Astrid si Rhian sa mata "ano pang gusto mong pagusapan natin?!" hindi makaimik si Astrid bigla siyang naduwag "ano! ah maybe you want this"

susunggaban sana ni Rhian ng halik si Astrid pero pinigilan siya nito "h-hindi ito yung gusto ko"

umirap si Rhian "so ano kung hindi sex"

"uh, uhmm" hindi alam ni Astrid ang sasabihin niya. bago lang sakanya ang mataranta dahil sa gulity pero gusto niya paring subukan "d-dinner date tayo mamaya, k-kasama si baby" kamot batok niyang alok kay Rhian. ninenerbyos siya baka kasi ireject lang siya ni Rhian

"what time mo kami susunduin" hindi makapaniwala si Astrid sa tanong ni Rhian kaya hindi siya nakasagot kaagad "are you going to stare at me"

"uh, s-sorry... uhm after natin dito sunduin na natin si baby"

"fine" saka tumalikod si Rhian at paalis na sana

"R-Rhian"

naiiritang humarap ulit si Rhian kay Astrid "ano nanaman ba yun A...." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng yakapin siya bigla ni Astrid

"thank you for giving me chance, I promise na gagawin ko lahat makabawi lang sainyo ni James" hindi umimik si Rhian kaya inalis na niya ang pagkakayakap dito "I'm... I'm sorry I'm just happy" saka siya umiwas ng tingin kasi nakatingin lang sakanya si Rhian ng seryoso "y-you may go na" tumalikod na si Rhian at naglakad palayo. bigla namang sinuntok ni Astrid yung pader dahil na iinis siya sa sarili niya, gusto niyang saksakin yung sarili niya dahil nung tinitigan niya si Rhian sa mata, doon niya na kumpirmang puro galit nalang talaga ang meron si Rhian sakanya "ang tanga ko! sobrang gago ko!" at di na nga niya napigilan ang umiyak

mediyo mag gagabi na natapos ni Rhian ang mga kailangan niyang gawin at dali-dali siyang nagligpit saka lumabas ng opisina niya. sinalubong naman siya ni Astrid na mukhang kanina pa siya hinihintay na magout "out ka na?" hindi siya umimik tinignan lang si Astrid. napansin niya rin ang bouquet na dala nito "for you" kinuha niya yon pero hindi nagsabi ng kahit na ano at lumakad papuntang parking lot. sinundan naman siya kaagad ni Astrid

pagkalapit nila sa sasakyan ni Astrid ay kaagad nitong pinagbuksan si Rhian ng pinto "thanks" pumasok si Rhian at kinabit kaagad ang seatbelt. napabuntong hinga nalang si Astrid at sumakay na sa driver seat

sobrang awkward ng katahimikan nilang dalawa kaya naisipan ni Astrid na basagin ito "uhm, nagustuhan mo ba yung flowers na binigay ko sayo"

"hindi ko to tatanggapin kung hindi"

ramdam ni Astrid ang pagiging cold ni Rhian "kala ko kasi di mo magugustuhan e" hindi umimik si Rhian at pumikit nalang. napabuntong hinga naman si Astrid sa pinapakitang attitude sakanya ni Rhian ngayon. ibang-iba na, hindi na lang niya ito pinansin at nagfocus nalang sa pag dadrive hanggang sa makarating sila sa mansyon ng mga Dela Cruz

bababa na sana si Astrid para pagbuksan si Rhian ng pinto, pero nauna na itong buksan ni Rhian at bumaba "just wait us there, ako nang kukuha kay James" hindi naman na nakaimik si Astrid kasi naglakad na si Rhian papasok. napakamot nalang siya sa batok. limang minuto bago lumabas si Rhian. karga niya na ngayon si James kaya pinagbuksan sila kaagad ni Astrid ng pinto saka ito sumakay sa driver seat, may biglang naamoy si Rhian at binuksan ang bintana ng sasakyan. nagtatakhang tumingin naman si Astrid sakanya "alam mong kasama natin anak mo tapos nagsmoke ka" sermon ni Rhian kaya di na nakaimik si Astrid at pinaandar nalang ang sasakyan. sa malapit na restaurant lang naisipan ni Astrid dalhin sila Rhian at James, para incase na gabihin sila ay madali niya lang silang maihahatid. pagkapark ni Astrid ng sasakyan ay bumaba kaagad siya para pagbuksan ang mag-ina niya "carry him" saka pinasa sakanya ni Rhian si James

dahan-dahan naman kinuha ni Astrid si James at kinarga saka sila naglakad papasok ng restaurant. nakahanap naman sila kaagad ng puwesto at pumwesto na. kaagad naman silang nilapitan ng waitress at tinanong ang mga orders nila "may idadagdag ka pa?" tanong ni Astrid kay Rhian pero hindi ito sumagot at umiling lang. mediyo naiinis na si Astrid sa attitude ni Rhian. bumuntong siya ng malalim na paghinga saka tumingin sa waitress "that's all" nagbow ang waitress sakanila saka ito umalis

tahimik lang silang dalawa at walang umiimik, si Astrid nilalaro si James, si Rhian naman nakafocus sa phone na ikinainis lalo ni Astrid kaya kinuha niya yung phone ni Rhian "what the! akin nanga yang phone ko" pero hindi pinansin ni Astrid si Rhian "bullshit! akin na sabi yang phone ko!" tumayo si Rhian at sapilitang kinuha ang phone niya kay Astrid, pero mahigpit nitong hinawakan ang phone niya na halos magcrack na ang screen at doon lang ito binitiwan ni Astrid "ano bang problema mo! punyeta binasag mo na oh!"

"I'll buy you new one"

"hindi ko kailangan ng bago! mga important contacts ko yung nandito!" hindi umimik si Astrid at pwersahang kinuha ang phone kay Rhian "aray ko!" chineck kaagad ni Rhian yung sumabit sa kamay niya. may sugat siya sa kamay

nabigla naman si Astrid ng makitang may dugo yung kamay ni Rhian. kaagad niya yung chineck "s-sorry babe" pwersahan namang inagaw ni Rhian ang kamay niya at doon na nga hindi napigilan ni Astrid ang ilabas ang emosyon "ewan ko na Rhian! hindi ko na alam yung gagawin ko!"

nagulat si Rhian ng sumigaw si Astrid, pati si James ay umiyak dahil sa gulat kaya dali-dali niyang kinuha ang bata para patahanin "you scaring your son stupid!"

napatingin si Astrid kay James at mediyo kumalma nung nakita niya itong umiiyak. madami siyang na-realize ngayon at nilabas ang phone para tawagan si Cielo. ilang segundo lang ay sinagot nito ang tawag

📱 anong kailangan mo

"they are waiting for you here in the nearby restaurant at their place" pagtapos niya yon sabihin tumayo siya "papunta na dito si Cielo, kayo nalang magdinner kung ayaw mo kong makasama" saka lumabas si Astrid sa restaurant

malapit lang sa place ni Cielo ang restaurant kung nasan sila Rhian at James ngayon, kaya kinse minutos lang ay narating niya na ang restaurant at dali-dali siyang pumasok sa loob. sinalubong naman siya ni Rhian ng yakap, habang si Astrid pinanunuod lang sila sa labas ng restaurant "hindi na nga siguro ako" humugot siya ng malalim na paghinga saka sumakay ng sasakyan

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now