bente otso 🔞

3.3K 75 4
                                    


dali-daling umuwi si Astrid sa unit niya dala-dala ang sama ng loob sa sarili. hindi niya talaga intensyon na sabihin lahat nang yon kay Rhian, talagang nilamon lang siya ng selos niya kanina "you're so stupid Astrid! bakit mo yun sinabi sakanya!?" hindi niya mapigilan na awayin ang sarili ngayon. sobrang naguilty talaga siya, at dahil nga alam niyang hindi naman siya sasagutin ng sarili niya, nilabas niya nalang ang phone para tawagan si Austin

ilang segundo lang at sinagot nito ang tawag niya 📱 zup dude. kamusta?

"I'm so fucked up dude"

📱 huh? bakit anong nangyari?

napahagod ng buhok si Astrid ng maalala ang mga eksena nila kanina ni Rhian "I messed up everything again"

📱 what? ayusin mo nga dude hindi ako manghuhula gago

"nagkita na kami ni Rhian"

📱 really?! oh ano nangyari?

"nagtalo kami"

📱 as I was expected, hindi mo naman sinabayan yung galit niya sayo diba? kasi ang kapal ng mukha mo kapag oo

napabuntong hinga si Astrid "oo na makapal na yung mukha ko, demonyo nga daw ako e"

📱 ay gago? so sinabayan mo yung galit niya sayo!?

hindi umimik si Astrid

📱 tanga mo naman man! ang sabi ko ayusin mo yung gulong ginawa mo, mas lalo mo pa yatang dinagdagan yung kasalanan mo e

"parang ganun nanga"

📱 napakagago naman Jade, ayun na yung chance mo e tsk. ano ba kasing nangyari

"anong magagawa ko? nilamon ako ng selos ko kaya napagbantaan ko siya"

📱 ay tanga nga, alam mo kung magkasama lang tayo kanina pa kita sinapak

bumangon si Astrid at kinuha ang kaha ng sigarilyo niya para magsindi ng isang stick. nilanghap niya ang usok nito at binuga pagkatapos "what can I do, hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko para lang tigilan niya si Cielo"

📱 ay bakit ka naman magdedemand ng ganun sakanya Jade, seryos ka ba? ikaw pa talagang nangiwan yung may ganang gumanyan ah

"tsk. wag mo nanga akong asarin, hindi ko maayos yung samin kung may nakaaligid na Cielo sakanya"

📱 anong ayos!? ang sabi ko bumawi ka lang dude bakit may pagayos ka pang nalalaman? baka nakakalimutan mong pinagkasundo kana ni ate Shantal kay Ms. Devine

humugot ng malalim na paghinga si Astrid. bigla niyang naalala si Devine at mas lalo siyang nainis, dahil napagtanto niyang mali talaga ang inasta niya kanina. hindi siya makaimik ngayon

📱 oy dude nandyan ka pa ba?

wala paring imik si Astrid

📱 humingi ka ng sorry kay Lady Kaye, tsaka bumawi ka sa anak mo pero wag mong kakalimutan na soon ikakasal kana. yun lang yung mapapayo ko sayo dude

bumuntong hinga si Astrid "thanks dude" nagpalasalamat parin siyang meron siyang isang kaibigan na handa siyang gabayan sa mga pinaggagawa niyang maling desisyon sa buhay. binaba niya ang phone niya saka naisipan na maligo at mag-ayos. naisipan niyang bisitahin ang mag-ina niya

...

samantalang kararating lang ni Rhian sa mansyon at dumeretso siya kaagad sa loob pagkapark niya ng sasakyan. hindi niya alam na sinundan siya ni Maddy para masigurong ayos siyang makakauwi

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now