otso

1.9K 88 1
                                    

stable na si Rhian ngayon at nailipat na rin siya sa private room gaya ng utos ni Lindsay kay Mr.Lee, pero hanggang ngayon wala pa rin siyang malay

"ikaw na munang bahala sakanya Astrid" tumango si Astrid bilang sagot "magpagaling ka rin, mukhang hindi rin biro yang mga natamo mong sugat, thanks for taking care of Rhian"

"ginagawa ko lang po yung trabaho ko"

tumango si Mr.Lee bago siya tuluyan na lumabas
lumapit naman si Astrid kay Rhian para ayusin ang kumot niya

"what happen Astrid?" biglang tanong ni Kade, kasama rin niya sila Lester at Frida

"hindi ko alam? basta narinig ko nalang na nagsisisigaw si Nanay Kris kaya napatakbo ako sa kwarto ni ma'am"

napatingin naman si Frida sa nakabendang braso ni Astrid "e san mo nakuha yang mga yan" sabay turo niya sa braso ni Astrid

"nakuha ko to nung sinubukan kong habulin yung umatake kay ma'am, sumabit ako sa bulb wires"

nandiri si Frida at Kade sa narinig habang si Lester naman na-astigan pa

"so naabutan mo pala yung may gawa nito sakanya? nakita mo ba yung itsura?" tanong ulit ni Kade

"hindi e, ang bilis nilang umalis"

"nila?!"

nagulat si Astrid sa biglaang sigaw ng tatlo "I-I mean hindi ko sure kung madami sila, imposible naman kasi na isa lang yung gagawa nito diba? mahihirapan siyang makatakas pag nagkataon, baka naabutan ko pa siguro siya"

"hm. may point ka don pogi, buti nga hindi ka masyadong nagalusan kundi yari sila kay Rhian"

nagtatakhang nilingon ni Astrid si Kade "what do you mean ma'am?"

"ma'am? Kade nalang pretty handsome, masyado ka naman pormal"

"o-ok ma- I mean Kade"

"good girl" sabay kindat ni Kade saka tumayo "pano pogi alis na kami. na check naman na namin si Rhian, and we are sure na ok lang siya lalo na ikaw ang nagbabantay sakanya"

hindi parin mawala ang pagtatakha sa mukha ni Astrid at nag-eenjoy ang tatlo sa nakikita nila

"bye bruh" sabay tapik ni Lester sa balikat ni Astrid

nginitian naman siya ni Frida bago sila tuluyan na umalis, nilapitan naman ni Astrid si Rhian at chineck kung maayos lang ba ang puwesto nito, nang bigla itong dumaing at dahan-dahan na dumilat

"where am I?" tanong ni Rhian habang nililibot ang tingin sa lugar

"nasa ospital ka. wala ka bang naaalala sa nangyari kanina ma'am "

himbis na sumagot ay biglang nilingon ni Rhian si Astrid at nagalala ng makitang puro benda ang braso nito "what happen to you?" sinubukan niyang bumangon pero hindi siya pinayagan ni Astrid

"mahiga ka lang diyan, don't worry about me galos lang to. ang importante ayos ka" hindi na umumik pa si Rhian pero pinagmamasdan niya si Astrid kaya bigla itong nailang at umiwas ng tingin. pumunta siya sa table at nagsalok ng tubig sa baso "nagugutom ka ba?" wala siyang nakuhang sagot kay Rhian kaya minabuti niyang lingunin ito, pero laking gulat niya nang makita niyang umiiyak ito. kaagad niya itong nilapitan at hinawakan ang mukha para iharap sakanya "what happen ma'am may masakit ba sayo?" umiling lang si Rhian "then why are you crying?"

umangat ng tingin si Rhian kay Astrid at bigla itong niyakap. hindi niya ininda yung sakit na naramdaman niya sa biglaan niyang pagkilos "I'm sorry, dahil sakin napahamak ka"

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now