katorze

1.6K 82 2
                                    

Someone's POV

"ang tatanga niyo talaga kahit kailan! babae lang yang pupuruhan niyo hindi niyo pa magawa!"

nakakapanginit ng ulo!

"s-sorry boss, m-mababaril ko na sana kaso n-niligtas siya nung babaeng kasama niya palagi"

nangunot yung noo ko dahil wala naman akong alam tungkol don "sino babae sinasabi mo?! kitang-kita na mag-isa siya kanina. ginagawa mo ba akong tanga?!"

"h-hindi po boss, talagang may lumigtas po sakanya kanina"

at dahil sa pinipilit nila sakin na may kasama nga si Rhian kanina, inutusan ko yung isa sa mga tauhan ko na ihack ang cctv ng amusement park kung nasan si Rhian kanina "confirm boss, may lumigtas nga po kay Lady Rhian kanina" pinakita niya sakin ang clip and confirm may tumulong nga sakanya. isang babae

"can you zoom it? gusto kong makita ng malinaw yung mukha nang babae" he try to zoom it pero malabo parin "buwiset!" kailangan ko siyang patahimikin para wala nang tumulong kay Rhian "James!(Bam)"

"yes boss?"

"alamin niyo kung sino yang babae na yan, isama mo rin si Ricko(Hyunjin)  at kapag natyempuhan niyong mag-isa lang si Rhian, alam niyo anong gagawin niyo. dalhin niyo siya sakin ng buhay"

"masusunod boss"

hindi ako papayag na hindi ako makaganti, sinira nila ang buhay namin ng pamilya ko kaya gaganti ako, hindi ako titigil hanggat hindi ko naigaganti ang parents ko pati narin ang kapatid ko!


























napagpasyahan ni Astrid na sa mansyon nalang umuwi dahil nakatulog na rin si Asha sa byahe. pinark niya na ang sasakyan at bumaba para pagbuksan sana ng pinto si Rhian, pero lumabas na ito kaagad kaya si Asha nalang ang initindi niya at kinuha sa backseat ng sasakyan

"akin na yung susi" biglang usal ni Rhian pagkasara ni Astrid ng pinto sa backseat. buhat na niya ngayon si Asha

"san ka pupunta"

"just give me the key, wag ka ng maraming tanong"

tinitigan ng segundo ni Astrid si Rhian bago umiwas ng tingin "gabi na, pumasok na tayo" seryosong sambit niya saka binuhat papasok si Asha. nakasunod naman sakanila si Rhian na halata ang inis sa mukha

"akin na Astrid" sinubukan kunin ni Rhian ang susi sa loob ng bulsa ni Astrid pero hindi niya ito nakuha dahil bigla itong umiwas "akin na sabi!"

biglang huminto si Astrid saka hinarap si Rhian "hintayin mo ko rito mag-uusap tayo, ilalagay ko lang si Asha sa kwarto" maypagbabantang usal ni Astrid saka naglakad papunta sa kwarto niya

"ayokong makipag-usap sayo!" sigaw ni Rhian saka padabog na pumasok ng kwarto. nagtatampo parin siya kay Astrid

pagpasok ni Astrid ng kwarto, dahan-dahan niyang binaba si Asha sa kama at hinalikan ang noo nito saka inayos ang kumot sa katawan "sleepwell Asha, kausapin ko lang tong ate Rhian mo nababaliw nanaman" pagkatapos niya yon sabihin lumabas na siya ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Rhian. kumatok siya ng ilang beses pero hindi sumasagot si Rhian "alam kong gising ka pa ma'am, kabisado ko oras ng tulog mo"

ilang segundo lang bumukas ang pinto at sinalubong siya ni Rhian na naka maiksing black shorts at puting manipis na sando lang "diba sabi ko ayaw kitang makausap" hindi umimik si Astrid nakatitig lang sakanya. napansin naman niya na iniiwasan ni Astrid na tumingin sa suot niya kaya naisipan niya pa itong asarin, nilihis niya pa ng konti ang kanang strap ng sando niya dahilan para sumilip ng konti ang cleavage niya

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now