bente nuebe

2K 82 8
                                    

kinabukasan maagang nag-ayos si Rhian dahil kailangan nilang puntahan ang site kung saan itatayo ang new project nila. simpleng make up at ayos lang ang ginawa niya bago lumabas ng kwarto at pasukin ang kwarto ni baby James, saktong pagpasok niya ay nagising ito at umiyak kaya dali-dali niya itong binuhat "Mommy's here baby" hinele hele niya si baby James at pinadede narin para makabalik sa pagtulog, nang makatulog ulit si baby James ay dahan-dahan niya itong nilapag ulit sa crib at hinarangan ang magkabilang side ng unan saka lumabas ng kwarto at bumaba, kung san niya nakasalubong ang pamangkin niya. kumakain ito kaya naisipan nalang niyang lumapit at halikan ito sa noo "where's your Mom?"

"outside, watering the plants"

"ok tita Mommy will leave for work na ha, just play with James pag nagising na siya ok?" tumango lang si Asha kaya tumayo na si Rhian at naglakad palabas sa garahe. sumakay na siya kaagad ng sasakyan at pinaandar ito

pagkarating sa site ay pinark niya na ang sasakyan saka inayos ang mga kailangan niya, nag message na rin muna siya sa groupchat nila para iconfirm kung sino na ang mga nasa site. nakatanggap naman siya kaagad ng reply na nadon na silang lahat maliban kay Astrid sineen niya lang siya nito "wow ha, masyado siyang pa-vip" hindi niya rin alam pero naupset siya sa ginawa ni Astrid. napairap nalang siya bago bumaba ng sasakyan, sakto naman na kabababa lang din ni Astrid ng sasakyan "psh, kaya pala" hindi na sana niya papansinin si Astrid pero napansin niyang umikot ito sa passenger side at binuksan ang pinto. may kung anong kirot siyang naramdaman sa dibdib nang makita niya kung sino ang pinagbuksan ni Astrid at kaagad na sinukbit ang kamay sa braso nito "may girlfriend naman pala, tapos ang lakas ng loob niyang sirain kami ni Cielo" naiyukom niya nalang ang kamay niya saka huminga ng malalim bago tumuloy sa loob

kaagad silang nagsipag puwesto sa kanikanilang mga upuan bago tumayo si Astrid sa harapan, bumati siya sa mga kasama niya sa project at pinakilala niya ang mga makakasama nila, hanaggang sa napadako ang tingin niya sa babaeng nakafocus lang sakanya kanina pa habang nagsasalita. nilapitan niya ito at inalalayan na tumayo sa harapan na nakakuha ng lahat ng atensyon nila "every one, I would like you to meet Devine Ortega" nagpalakpakan ang lahat dahil kilala itong artista. kahit si Rhian ay nakikipalakpak rin pero bigla siyang natigilan sa susunod na sinabi ni Astrid "my fiancé"

namintig ang tenga ni Rhian nang marinig niya yon, at bigla niyang naalala ang nangyari sakanila kagabi. na-realize niyang ginamit lang talaga siya ni Astrid para magparaos. binaling niya ang tingin kay Astrid at nagtama ang mga tingin nila, pero umiwas din ito kaagad na parang hindi siya nakita. hindi maintindihan ni Rhian pero kinasama yun ng loob niya, at bigla siyang nainis. tinignan niya ng seryoso si Astrid pero hindi na ito bumaling ulit ng tingin sakanya na lalong niyang ikinabadtrip

nagsimula na silang libutin ang site habang naguusap-usap rin sila nang mga pinaplano nilang gawin sa bawat sulok ng site, kung minsan ay nagbibigayan rin sila ng Idea pero mahahalata kay Rhian na wala siya sa wisyo ngayong araw. makasama mo ba naman ang ex mo na kasama ngayon ang fiancé niya with matching harutan pa habang nagtatrabaho talagang mawawalan ka ng gana

napansin naman ni Maddy ang tamlay ni Rhian "girl you ok? bakit balisang balisa ka? wala ka bang tulog?" halata sa tono ni Maddy ang pagaalala, pero parang wala lang kay Rhian ang tanong niya kahit na totoong hindi siya nakatulog kagabi dahil sa nangyari sakanila ni Astrid, may part sakanya na ginusto niya yung bagay na ginawa nila sa loob ng sasakyan, pero may part din na nakokonsensya siya sa ginawa niya, ni hindi niya magawang kausapin si Cielo dahil iniisip niya na baka galit ito sakanya. hindi pa niya alam ang totoo na hindi naman talaga si Cielo ang tinawagan ni Astrid kagabi

humugot ng malalim na paghinga si Rhian "I'm fine ate Madz, siguro nga wala lang akong tulog kaya ako balisa ngayon" narinig ni Astrid ang naging sagot niya at binalingan ito ng tingin. sakto naman na napalingon din siya dito kaya nagtama ang tingin nilang dalawa, pero wala nang umiwas ng tingin sakanila ngayon at nagtitigan

napansin naman ni Devine ang pagtitinginan ng dalawa. aware siya sa kung anong meron sakanila noon, at nagtatakha siya kung hindi ba talaga siya maalala ni Rhian o talagang hindi siya namumukhaan nito na siya ang komompronta sakanya noon sa ladies room "babe, can you accompany me to the restroom? I need to pee kasi" nakuha ni Devine ang atensyon ni Astrid at inalalayan siya nito papunta sa ladies room

hindi alam ni Rhian kung bakit pero parang nababaliw siya at kung ano-anong iniisip ngayon na gagawin ng dalawa sa banyo. natitrigger siya na sundan ang dalawa para komprontahin si Astrid sa nangyari sakanila kagabi tapos ngayon may ipapakilala siyang fiancè sa lahat. hindi man niya aminin pero nasasaktan siya gusto niyang makausap si Astrid kung bakit, paano, anong nangyari sakanila, madaming katanungan ang bumabagabag sa utak niya ngayon "ate I'll go ahead, hindi ko na talaga kaya pang magstay pa dito"

nagtatakha siyang tinignan ni Maddy "huh? what do you mean?"

busted mali siya ng nasabi "I mean...masama talaga yung pakiramdam ko, pakisabi nalang sakanila na nauna na ako" dali-daling nagwalk out si Rhian nang hindi man lanag hinihintay ang sagot ni Maddy. hindi na talaga niya kayang makita pa si Astrid at Devine, bumabalik lang yung sakit na naramdaman niya one year ago. wala sa sarili niyang tinunton ang parking lot at hinanap kaagad ang sasakyan niya, pero hindi pa man siya nakakalapit dito ay may humatak na sakanya

"san ka pupunta, hindi pa tapos yung appointment natin"

"bitiwan mo ko Astrid" pinilit niyang makawala sa kapit ni Astird pero mahigpit ito "punyeta bitiwan mo sabi ako!" nagulat si Astrid ng harapin siya ni Rhian ng nangingilid ang mga luha sa mata, pero umiwas rin ito kaagad ng tingin "p-please hayaan mo kong umalis" niluwagan ni Astrid ang pagkakahawak kay Rhian pero hindi niya parin ito binitiwan, at doon na tuluyang umiyak si Rhian "I'm begging you let me go" dahan-dahan na binitiwan ni Astrid si Rhian. ramdam niya yung sakit sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Rhian. pinunasan ni Rhian ang mukha niya saka humarap kay Astrid "bakit hindi mo sinabi sakin kagabi" biglang iwas ng tingin ni Astrid "bullshit ka! pinaniwala mo kong gusto mo talagang bumawi samin ng anak mo, tapos malalaman kong may fiancè ka na?! Astrid you use me last night! ginawa mo kong cheater!"

biglang harap ni Astrid kay Rhian nang nakangisi "bakit hindi mo ba nagustuhan yung ginawa nati..." nasampal siya ni Rhian

"ang kapal ng mukha mong tanungin ako ng ganyan, hindi na nga siguro ikaw yung Astrid na minahal ko noon. napakademonyo mo" saka sumakay si Rhian sa sasakyan at pinaandar ito kaagad, habang si Astrid naiwan na sisingsisi sa ginawa niya

napahawak nalang siya sa sintido niya. gulong-gulo na yung utak niya ngayon, gusto niya ng tanggapin na wala ng chance na magkaayos pa sila ni Rhian, pero iba yung pinapakita nito sakanya ngayon

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now