nuebe

1.8K 85 1
                                    

naglalakad ngayon si Nanny Kris papunta sa kwarto ni Rhian dahil naisipan niya itong bisitahin at para narin dalhan ng pagkain si Astrid, pero halos mabitawan niya yung bitbit niyang lunchbox sa bumungad sakanya. nakahiga si Rhian pero gising habang nasa ibabaw naman niya si Astrid at yakap-yakap niya habang mahimbing na natutulog

"sssh Nay wag kang maingay" pabulong na sabi ni Rhian

dahan-dahan naman na lumapit si Nanny Kris sa lamesa para ilapag ang mga dala niya saka humarap ulit kay Rhian "bakit ganyan ang puwesto niyo"

ngumiti si Rhian. hindi rin niya alam kung bakit ganito na ang puwesto nila basta ang alam niya ay kinikilig siya ngayon "I don't know? siguro nilamig siya?" sabay halik ni Rhian sa ulo ni Astrid

tumaas ang kilay ni Nanny Kris at pumamewang "ibig sabihin kagabi pa kayo magkatabi?" tumango lang si Rhian habang nakangiti parin at namumula ang mukha sa kilig "nako ang alaga ko kinikilig" ngumiti lang si Rhian at niyakap pa lalo ng mahigpit si Astrid "hay nako gisingin mo na yan at nang makakain na kayo"

ngumuso si Rhian "mamaya na Nay, ineenjoy ko pa yung moment e"

"tsk, baka nagugutom na yan anak" sabay lingon ni Nanny Kris ulit kay Rhian "teka nga? bakit tulog pa siya? e sanay yan magising ng umaga" inangat ni Nanny Kris ang tingin sa alaga "wala naman siguro kayong ginawa para mapuyat siya hindi ba?"

lalong namula ang mukha ni Rhian nang maisip kung ano ang tinutukoy ni Nanny Kris "wala pa... I mean wala po, pero kung may chance why not"

napailing nalang si Nanny Kris sa kalokohan ng alaga niya "sige na anak gisingin mo na yan nang makakain na kayo at makainom kana ng gamot"

ayaw man ni Rhian ay ginising niya si Astrid sa nakakaloko niyang paraan. kiniliti niya ang tenga nito hanggang sa maramdaman niya itong gumalaw "wake up na babe" unti-unti namang dinilat ni Astrid ang mata niya at tinignan si Rhian "wake up na po" malambing na sabi ni Rhian habang pinupunasan ang mata ni Astrid

"what time na ma'am?" dahan-dahan na bumangon si Astrid. hindi niya parin napapansin si Nanny Kris na busy sa paghahain ng mga kakainin nila

"pass 9 na"

biglang balikwas ni Astrid ng tayo "hala ma'am bakit hindi mo ko ginising"

hindi alam ni Rhian kung matatawa ba siya sa ka-cute-an ni Astrid o aasarin niya pa lalo, tinignan niya si Nanny Kris at nakatingin lang din ito kay Astrid "ang sarap kasi ng tulog mo"

napakamot ng ulo si Astrid "kahit na ma'am dapat ginising mo parin ako para nakabili ako ng food mo, kailangan mo pang uminom ng gamot"

"nandito na ho ang pagkain sir ma'am"

biglang lingon ni Astrid sa nagsalita "Nay!? kanina ka pa ba dito?"

"hindi naman anak, sakto lang para makita ko kung gaano kasarap ang tulog mo sa ibabaw ni Lady Kaye" pang-aasar ni Nanny Kris

nagtatakaha naman na tumingin si Astrid kay Rhian na parang tinatanong kung ano ang tinutukoy ni Nanny Kris "wag mo na pansinin"

kakamotkamot ulong pumasok si Astrid sa banyo para gawin ang morning routines niya, si Nanny Kris naman naisipan na kausapin si Rhian "ano yan Lady Kaye" biglang tanong niya habang nilalapag ang pagkain sa food tray ni Rhian

"ang alin po?"

"yung nakita ko kanina"

nagsimula ng kumain si Rhian "wala lang yon Nay, natulog lang kami"

"wag ako anak, ang tagal ko kayong ilagaan ng ate Yen mo kaya kabisado kita" hindi na umimik si Rhian at kumain na lang pero alam niya na kung anong tinutukoy ni Nanny Kris "tapatin mo nga akong bata ka" bumuntong hinga si Rhian bago umangat ng tingin sakanya "may gusto ka ba kay Astrid? o baka naman balak mo lang siyang idagdag sa mga laruan mo?"

"I like her" sabay tuloy sa pagkain si Rhian "she's different Nay, walang-wala sa kalingkingan niya yung mga naging past relationships ko"

"hindi ka naman kasi seryoso sakanila anak, pero tama ka iba si Astrid sa mga nakarelasyon mo ang kaso.....sa pagkakatanda ko may girlfriend na siya e"

biglang hinto ni Rhian sa pagkain "ang basag mo naman Nay" sabay inom niya ng tubig "don't worry gagalingan kong agawin siya"

nabigla si Nanny Kris sa sinabi ni Rhian "ay nako kang bata ka, wag mong gagawin yan pangit ang relasyon na nakukuha lang sa ganyan. madali lang din mawala"

"I don't care, as long as makukuha ko siya. aalagaan ko naman siya once na maging akin siya Nay"

"kahit na, e paano kung si Astrid mismo ang may ayaw"

"wala siyang choice" sabay subo ni Rhian sa pagkain saka hinagod ang buhok. sobrang desidido na siya na agawin si Astrid sa kung sino man ang girlfriend nito

napailing naman si Nanny Kris. alam niyang seryoso si Rhian sa sinabi niya at wala siyang magagawa tungkol doon, ang kinakabahala niya lang ay kung ano ang puwedeng magawa ni Rhian kapag hindi pumayag si Astrid sa gusto niya

natapos din sa wakas si Astrid at lumapit kay Nanny Kris "Nay ikaw munang bahala kay ma'am, may pupuntahan lang ako saglit"

natigilan naman si Rhian sa pagkain dahil narinig niya ang sinabi ni Astrid "san ka nanaman?"

"uuwi, may gagawin lang ako"

biglang lingon ni Rhian kay Astrid ng seryoso "why you asking Nanny Kris permission? sino bang boss mo samin?"

nagtatakhang nilingon ni Astrid si Rhian "ikaw"

"exactly, so sakin ka dapat nagpapaalam"

"papayagan mo ba ako?"

"it depends kung anong gagawin mo sainyo" sabay subo ulit ni Rhian ng pagkain

"maliligo ako, tsaka....sasabayan ko si Asha kumain"

biglang init ng ulo ni Rhian ng makarinig ng pangalan ng babae. bumuntong siya ng malalim na paghinga "hindi ka puwedeng umalis"

"huh? nagpaalam naman ako sayo ah?"

"kahit na! ayoko!"

napakamot ng ulo si Astrid at halata sa mukha niya ang irita "hindi rin pwede yang gusto mo, uuwi ako kasi kailangan kong uwian si Asha" saka lingon ni Astrid kay Nanny Kris "Nay, alis na muna po ako"

hindi na napigilin ni Rhian ang galit at binato ang hawak na chopsticks at kutsara. nilingon naman siya ni Astrid at Nanny Kris "damn it! talagang sinusubukan mo yung pasensya ko Astrid?!"

napailing nalang si Astrid habang pinupulot yung nga kinalat ni Rhian saka ito nilagay sa lamesa, nang hindi umimiimik saka lumapit ulit kay Nanny Kris "ikaw nang bahala diyan Nay, hinihintay na talaga ako ni Asha e kawawa naman yon" pabulong niyang sinabi kay Nanny Kris bago tuluyan na umalis

nagsimula namang magtantrums si Rhian at binalak na sundan si Astrid, pero pinigilan siya ni Nanny Kris "babalik naman siya anak, kumalma ka diyan"

pero hindi parin kumalma si Rhian at pasalampak bumalik ng higa, saka nagtalukbong ng kumot at doon umiyak

napailing nalang si Nanny Kris, dahil nakita niya nanaman ang side ni Rhian tuwing iniiwan ng Mommy at Daddy niya noon kapag meron silang business trip

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now