bente cinco

1.4K 76 1
                                    

1 year later....

"Jade"

nilingon ni Astrid ang tumawag sakanya habang nagpupunas siya ng pawis. kakatapos niya lang magwork out "ano nang balita sa inuutos ko?"

"confirm dude, sayo nga yung baby" natigilan at napabuntong hinga si Astrid "ano nang plano mo? babalik ka ba sa pinas?"

sumampa si Astrid sa treadmill at pinaandar ito "hindi ko alam for sure galit sakin yung mga yon, lalo na si Rhian"

"panong hindi magagalit sayo iniwan mo ba naman sila ng basta lang"

"you know how hard my situation is"

"nandon na tayo sa nahirapan ka nung nalaman mo yung totoo, pero dude puwede mo naman iexplain kung ano yung side mo sakanila di yung iniwan mo nalang sila basta, ako naaawa sa mag-ina mo e"

biglang hininto ni Astrid yung treadmill "Austin, pumunta ka lang ba dito para konsensyahin ako"

"bakit nakokonsensya ka na ba?"

umirap si Astird saka bumaba sa treadmill "umalis kana nga lang, sinisira mo yung araw ko"

"I'm serious Jade, ngayong nakuha niyo na yung justice para sa parents niyo nakaganti na rin kayo sa kanila, siguro naman hindi pa huli para bumawi ka kay Lady Kaye, sabihin mo yung totoo for sure maiintindihan ka non" biglang napaisip si Astrid pero hindi siya umimik "kung di parin enough yung dahilan na ma-confirm na sayo yung baby para bumalik ka don, baka dito kumilos kana"

biglang humarap si Astrid kay Austin "what do you mean?"

ngumisi si Austin. alam niyang nakuha niya ang simpatya ni Astrid "its for you to find out" saka siya umalis

napasinghap nalang si Astrid "gago ka talaga Austin!"

"what's happening? bakit ka sumisigaw?"

nilingon ni Astrid ang nagsalita "ate" lumapit siya dito at humalik sa pisnge

"anong sinisigaw-sigaw mo?"

"wala, nag-aasaran lang kami ni Austin" katwiran ni Astrid saka nagtali ng buhok

"ok, anyway I need you to go back in Philippines para imanage yung bagong ilalaunch na project"

napabuntong hinga si Astrid bago lingunin ang ate niya "hindi ba puwedeng ikaw nalang? ayoko bumalik don" reklamo niya saka uminom ng tubig

"sinusuway mo ba ko Jade?" hindi umimik si Astrid at pinaglaruan lang ang dila "whether you like it or not, babalik ka sa pinas to manage our company new project, don't worry kasama mo yung fiance mo"

may part kay Astrid na natutuwa siya dahil nagkaroon siya ng dahilan para umuwi ng pinas at makita ang mag-ina niya, pero may part din sakanya na nagaalangan siya dahil alam niyang galit silang lahat sakanya. nanahimik nalang siya at umakyat sa taas para maligo at mag-ayos

pagkatapos niyang mag-ayos bumaba na siya at dumeretso sa labas "hey baby" tumambad sakanya ang fiance at ate niya. nagkakape silang pareho malapit sa garden "did you prepare your things already?"

"tigilan mo muna ko Devine, wala ko sa mood" saka sumakay si Astrid sa sports car niya. hindi naman nagpatinag si Devine at dali-daling sumakay sa passenger seat bago pa man siya makaalis "baba" hindi umimik si Devine at kinabit pa yung seat belt "I said get down" hindi pa rin umimik si Devine kaya naubosan ng pasensya si Astrid at pinaandar nalang ang sasakyan

...

samantalang kababalik lang ng pamilya Kim galing sa bakasyon at sobrang excited si Ella na makita ang pinsan niya. namiss niya ito agad, kahit na nasa bakasyunan pa sila ay wala siyang bukang bibig kung hindi ang pinsan niya kaya napaaga ang uwi nila

pagkapark palang ng sasakyan ay bumaba na siya kaagad at patakbong pumasok sa loob "don't run Ella!" sermon ni Lindsay sa anak pero hindi ito nakinig sakanya "Yasmine takbuhin mo nga yon, baka madapa"

pero himbis na sumunod si Yasmine ay lumapit siya kay Lindsay at kinuha ang mga dala nitong bag "don't worry, alam ni Ella yang ginagawa niya" saka niya hinawakan ang kamay ni Lindsay at hinatak papasok habang bitbit niya sa kabilang kamay ang mga gamit nila

pagpasok ni Ella nakita niya kaagad ang tita Rhian niya na buhat ang pinsan niya. patakbo siyang lumapit sakanila "tita Mommy!"

nilingon siya ng tita Rhian niya at dahan-dahan na bumaba para pantayan siya "hi Asha" nagyakapan silang dalawa, pero bumitaw din agad si Asha para laruin ang pinsan niya. nilingon naman ni Rhian sila Lindsay at Yasmine na kakapasok lang "akala ko ba isang buwan kayo don?"

tinuro ni Lindsay ang anak "ayan oh, nagpauwi na agad. miss na daw niya si baby James, nagtatantrums" natawa si Rhian sa sinabi ng ate niya. lumapit naman si Lindsay sakanila at kinuha si James

"Mommy!" reklamo ni Asha sabay hampas sa binti ng mommy niya. hindi niya na kasi makita si James. bigla naman siyang napatakbo nung umupo ang mommy niya sa sofa saka nilaro si James

si Rhian naman inayos ang mga gamit ni James saka sinenyasan ang Nanny ni James na lumapit "paki lagay ng dede niya sa ref, then this one pakilagay nalang sa kwarto niya. thanks" kaagad naman siyang sinunod ng Nanny ni James

"kaya mo na bang pumasok?" biglang tanong ni Lindsay sa kapatid. tango lang ang sagot nito sakanya habang papalapit sakanila "kaya mo nang makipagmeeting?"

"mm. I can do everything na, healed na yung mga tahi ko"

"you sure?" nakangiting tumango si Rhian "ok, so ready ka nang imanage yung new project together with our new collaborators?"

nagtakha si Rhian "new collaborators?"

tumango si Lindsay "mm. I forgot to tell you about it pala. bago na yung may hawak sa new project, so you have to meet them"

napakamot ng ulo si Rhian. hindi niya ine-expect na ganun agad ang bubungad sakanyang trabaho bilang bagong ceo pagkatapos niyang magpahinga "kailan ba yung appointment ko with them?" tanong niya saka kinuha si baby James

"I'm not sure pa, mediyo nagaalangan pa raw kasi yung isang ceo"

"pa-vip naman yung ceo na yan hon" biglang singit ni Yasmine sa usapan saka kinarga si baby James "hi babay Jame, miss mo papa Dee?" saka niya ito hinagis. tumawa naman ng malakas ang bata pati narin si Asha

"pag ikaw nagkamali kakaganyan mo diyan, sasakalin talaga kita makita mo" banta ni Lindsay sa asawa. ninerbyos siya sa pinaggagawa nito sa pamangkin nila

"hayaan mo siya ate, ayaw mo nun gagawa ulit kayo ng baby, kamukha nga lang dapat ng anak ko" sabay tawa ni Rhian

"paano yun? e kamukha ng Dada niya yang si James"

biglang tahimik ni Rhian at nag-iba ang aura "stop bragging that stupid, wala siyang kinalaman samin ng anak ko" galit parin siya kay Astrid, to the point na kung magkakaroon ng chance na magkita sila ulit hinding hindi niya gugustuhin na ipakita si baby James sakanya

nagtinginan lng si Lindsay at Yasmine at hindi nalang umimik, si Asha naman nilalaro lang si baby James

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now