bente syete

1.5K 73 4
                                    

nagdadrive ngayon si Rhian papunta sa location meeting nila ng mga ka-collaborate niya sa new project ng company nila, nagsosoundtrip siya habang nagddrive nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula sa boyfriend niya "yes baby?"

📱 sorry I can't accompany you today baby, masakit kasi yung buong katawan ko

"it's fine take a rest, baka naman kasi sinagad mo nanaman yung sarili mo sa work"

📱 hindi naman baby, napagtripan lang ako kagabi kaya mediyo nabugbog

biglang nagalala si Rhian sa nalaman niya "what?! anong nangyari? sinong bumugbog sayo ipapahunting ko"

📱 ok lang ako baby ano ka ba malayo to sa bituka, tsaka sanay yung katawan ko sa ganito diba

"tsk ok, sa susunod be careful na ha"

📱 promise, how's baby James pala

napabuntong hinga si Rhian "ayun nagiiyak kanina bago ako umalis, gustong sumama buti nalang nagising yung ate Asha niya"

📱 very good talaga ang ate Asha, sige na baby ill hang up this call na. have a safe drive

"thanks baby" saka pinatay ni Rhian ang tawag, sakto naman na nagredlight at napalingon siya sa kabilang side. mediyo nabigla naman siya sa nakita niya "si Miss Devine ba yun?" kilala niya si Devine dahil sikat itong artista "may shooting kaya sila rito?" tanong niya sa sarili saka ulit nagdrive

mediyo malayo ang meeting location sa lugar nila Rhian kaya mga 9:58am na siya nakarating sa lugar, kaaagad niyang pinark ang sasakyan niya saka inayos lahat ng gamit niya bago nagmadaling lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob

pagkapasok niya ay kaagad niyang hinanap kung saan ang table nila. agad niya naman itong nahanap "sorry for being late" nagbow siya sa harap ng mga kasama niya sa meeting

"it's fine Ms. Dela Cruz hindi ka pa naman masyadong late"

"meron pa tayong isang hinihintay girl kaya ma-upo kana" biglang sambit ni Maddy(Rosè) hindi niya ine-expect na magkasama sila sa iisang project

biglang lingon ni Rhian kay Maddy "ate Madz" dali-dali siyang na-upo sa tabi nito "I'm glad you're here, mdiyo kinakabahan pa naman ako" hindi rin niya alam alam kung bakit nga ba siya ninenerbyos ngayon

"don't be nervous akong bahala sayo" paninigurado ni Maddy saka hinawakan ang kamay ni Rhian

biglaang naalala ni Rhian ang sinabi ni Maddy kanina. ginala niya ang mata niya sa mga kasama nila ngayon sa table at may vacant seat panga sa bandang gitna "sino palang hinihintay natin?"

bago paman makasagot si Maddy ay dumating na ang hinhintay nila "I apologize for being late"

lahat sila ay nilingon ang taong nagsalita maliban kay Rhian. kilala niya ang boses ng taong nasa harapan nila ngayon. nilingon niya si Maddy at kagaya niya halatang nagulat rin ito sa unexpected guest nila

"it's fine Ms. Samonte"

ngumisi naman ang unexpected guess nang makitang hindi humaharap sakanya si Rhian. pumwesto siya sa vacant seat saka ulit ito tinignan. hindi rin niya ine-expect na isa si Rhian sa mga makakasama niya sa new projects ng company nila "what's the matter Ms. Dela Cruz? bakit hindi ka makatingin ng deretso dito"

napabuntong hinga si Rhian at dahan-dahan na humarap kay Astrid na nasa gitna ngayon. naiyukom niya bigla ang kamay niya sa galit nang makita ang mukha ng taong matagal niya ng gustong kalimutan, at mas lalo pa siyang nagalit ng makitang wala man lang itong pagsisisi sa nagawa niya noon, napansin naman ni Maddy ang namumuong tensyon sa dalawa kaya sinenyasan na niya ang isa sa mga secretaries na kasama nila para makapagstart na sila

natapos ang meeting nila ng hindi umimiimik si Rhian, sasagot lang siya kapag tatanungin ang opinyon niya o di kaya may gusto siyang isuggest para sa new project nila pagtapos ay tatahimik na ulit at tatratuhin na parang hangin si Astrid

nauna nang umalis ang iba nilang mga kasama kaya silang tatlo nalang nila Maddy ang naiwan, pero sinimulan na rin niya ang mag-ayos para makaalis ng biglang magsalita si Astrid "long time no see babe" hindi umimik si Rhian at pinagpatuloy lang ang ginagawa "aw. ang suplada mo naman"

hindi parin siya pinansin ni Rhian at tumayo na "let's go na ate Madz, I need to get home early" tumayo naman agad si Maddy at kinuha ang mga gamit niya

"how's our child"

biglang natigilan sila Rhian sa tanong ni Astrid. humugot siya ng malalim na paghinga saka ulit ito hinarap "wala akong alam sa sinasabi mo Samonte"

ngumisi si Astrid saka tumayo at nilapitan si Rhian "stop playing dumb, I know you know what I mean"

nanginginig na sa galit si Rhian ngayon at gustong-gusto niya nang sampalin si Astrid, pero wala siyang balak na gumawa ng eksena lalo pa ngayong kakabangon lang ng kumapanya nila galing sa issue 1 year ago. humugot ulit siya ng malalim na paghinga para ikalma ang sarili "uulitin ko Ms. Samonte. wala akong alam sa sanasabi mo"

hindi na rin natutuwa si Astrid sa ginagawa ni Rhian "don't test my patience Rhian, alam kong may anak tayo kaya wag mo siyang ipagdamot sakin"

ngumisi si Rhian "anak natin o anak ko lang? bakit nasan ka nung pinagbubuntis ko siya" hindi na nga napigilan ni Rhian na ilabas ang emosyon niya. wala na siyang pakielam kung magkaroon nanaman siya ng issue "diba wala ka? nagtago ka kasi alam mo sa sarili mo yung kahayupang ginawa mo samin" tahimik lang si Astrid at pinagmamasdan lang siya "wala ka nung sobrang nahihirapan ako sa pagbubuntis sakanya, idagdag mo pa yung stress at pressure ko sa mga nalaman ko dahil sa kagustuhan niyong gumanti ng kapatid mo!"

nabigla si Astrid sa narinig "so you already know my reason"

"oo alam ko, alam kong si Dad yung dahilan kung bakit kayo nawalan ng parents at kung bakit ka nahiwalay sa kapatid mo. alam ko lahat yun Astrid!" biglang iwas ni Astrid ng tingin. sobra siyang nakokonsensya sa ginawa niyang pag-alis ng walang paalam "pero anong ginawa mo? himbis na mag-explain ka sakin, ipaintidi kung bakit mo yun nagawa umalis ka! iniwan mo ko" saka pinunasan ni Rhian ang mga luhang hindi niya na napigilan na ilabas

"t-that's why I'm here, gusto kong bumawi sainyo ng anak natin"

umiling si Rhian "you don't need to, hindi ka namin kailangan ng anak ko" saka siya tumalikod para sana umalis

"dahil ba kay Cielo(Heng)" biglang natigilan si Rhian "I won't allow your relationship with him"

"wala ka ng pakielam don"

ngumisi si Astrid kahit hindi siya nakikita ni Rhian dahil nakatalikod ito sakanya "hindi mo pa siguro alam yung nangyari sa boyfriend mo"

namintig yung tenga ni Rhian sa sinabi ni Astrid at galit itong hinarap ulit "so ikaw yung nanakit sakanya?!" ngumisi lang si Astrid na parang proud pa sa ginawa niya "napakawalang hiya mo talaga"

"not so fast babe" napigilan ka agad ni Astrid ang kamay ni Rhian nang sasampalin sana siya nito "galit ka sakin dahil sa ginawa ko sakanya? well guess what, hindi lang yun yung kaya kong gawin"

pinilit na makawala ni Rhian sa kapit ni Astrid pero mahigpit ang kapit nito "bitiwan mo ko! demonyo kang hayop ka!"

napangisi naman si Astrid "demonyo talaga ako Rhian, kaya wag mo kong susubukan" saka niya binitiwan si Rhian at kinuha ang mga gamit niya. humarap din siya ulit pagkatapos saka lumapit kay Rhian para bulungan "break up with him kung ayaw mong makita yung demonyong sinasabi mo" sabay nakaw niya ng halik dito bago tuluyang umalis

natulala nalang si Rhian sa nangyari at napabuntong hinga kasabay ng paghagod niya ng buhok dahil sa inis. wala man lang siyang nagawa para ibuhos ang galit niya kay Astrid at parang bumaliktad pa ang sitwasyon

"I can't believe it, siya pa talaga yung may ganang takutin ka" napailing nalang si Maddy habang pinapanuod si Astrid na pumasok ng sasakyan. hindi niya ine-expect na ganun kalala ang magiging attitude ni Astrid matapos mawala ng isang taon

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now