dose

1.7K 79 8
                                    

kinabukasan sinama nalang ni Astrid si Asha pabalik ng mansyon gaya ng sinabi ni Rhian, sinalubong sila ni Nanny Kris pagpasok nila sa loob "oh buti naman at bumalik kana Astrid" napalingon naman siya sa batang kasama ni Astrid na nagtatago sa may likuran nito "sino naman tong magandang bata na ito"

"anak ko Nay, si Asha" sabay senyas ni Astrid kay Asha na magmano kay Nanny Kris. sinunod naman siya ng bata at nagmano sa matanda "nasan po si ma'am Rhian?"

"nandon sa kwarto niya, alam niya bang ngayon ang balik mo?"

"hindi po"

"oh siya taasin mo muna don at isama mo na rin si Asha, kilala naman na siya ni Rhian hindi ba?" tumango lang si Astrid "hala sige akyatin niyo muna at may gagawin ako"

"sige po Nay" hinawakan ni Astrid si Asha sa kamay "wag kang masyadong malikot dito ah, baka makabasag ka ikaw talaga ibabayad ko"

"ok lang dada, maganda naman dito e"

"wow. mautak ka rin e" napailing nalang si Astrid saka hinila si Asha papunta sa taas. nagpunta na muna sila sa kwarto niya para ipakita kay Asha "ito yung kwarto ko dito"

"wow da! ang ganda at ang laki naman ng kwarto mo"

umiling si Astrid saka nilapag ang mga gamit na dala niya "dito ka muna ha, puntahan ko lang si ate Rhian mo"

"sus dada, sususyuin mo lang siya e" pangaasar ni Asha sa Dada niya. sinamaan lang siya ng tingin nito "joke lang hehe" sabay peace sign ni Asha

"ewan ko sayo, sige na puntahan ko muna siya sa kwarto niya. manuod kana lang muna diyan" saka lumabas ng kwarto si Astrid at nagpunta sa kabilang kwarto na di kalayuan sa kwarto niya. kumatok siya ng ilang beses pero walang sumasagot "tulog pa kaya siya?" chineck niya ang relo niya "pasado 10 na hindi parin siya bumababa?" sinubukan niya ulit kumatok pero kagaya kanina walang sumasagot, kaya minabuti niya nang buksan ang pinto. nakita niya naman si Rhian na nakahiga at busy lang sa phone "gising ka naman pala ma'am, bakit hindi ka man lang sumagot"

nilingon siya ni Rhian "nakabalik kana pala" parang wala lang yung pagkakatanong niya "kasama mo ba si Asha?"

"mm. andon siya sa kwarto ko"

hindi umimik si Rhian pero bumangon "magbihis kayo alis tayo"

kumunoot yung noo ni Astrid "san tayo pupunta? alam mong delikado kang maglalabas tapos mag-aaya kang umalis"

tinignan ng seryoso ni Rhian si Astrid "ano bang paki mo? e sa gusto kong gumala, besides andiyan ka naman to protect me right?"

hindi nalang umimik si Astrid. alam niya naman kasing wala siyang magagawa, pero naalala niya na hindi pa bumababa si Rhian kanina "kumain kana ba?"

"hindi pa" casual na sagot ni Rhian habang naghahanap ng susuotin "should I wear this or this one?" sabay pakita niya kay Astrid ng mga revealing niyang outfits

tinignan naman yun ni Astrid "ayoko niyan masyadong revealing, baka mapaaway lang ako"

"right! ito nalang yung susuotin ko"

biglang iba ng aura ni Astrid "ma'am nangaasar ka ba?" hindi siya pinansin ni Rhian at nagready ng pumasok ng banyo, pero bago pa man siya makapasok ay pinigilan siya ni Astrid "anong attitude tong pinapakita mo sakin ngayon Rhian"

alam ni Rhian na seryoso si Astrid dahil sa tinawag nito sakanya. nilingon niya si Astrid ng may mapangasar na reaksyon "ito yung gusto mo diba? maging pormal lang tayo sa isa't-isa" tinitigan lang siya ni Astrid "don't worry walang samaan ng loob, I'm just being formal to you. boss mo ko bodyguard kita, yun yung dapat, right?"

nainis si Astrid pero hindi niya alam kung bakit, hindi siya umimik pero bigla niyang hinila si Rhian at sniil ng halik. tinangkang manlaban ni Rhian pero hinawakan ni Astrid ang mga kamay niya hanggang sa sabay na silang gumagalaw, dahan-dahan na pinakawalan ni Astrid ang mga kamay ni Rhian at hinayaan ito na pumulupot sa leeg niya para laliman pa lalo ang halikan nila. huminto lang sila nung kinapos na sila sa hangin pero magkalapit parin ang mga mukha nila "that was hot" sabay kagat ni Rhian sa labi niya

"kasalanan mo"

hinaplos ni Rhian ang mukha ni Astrid "I'll wait for the moment na same na tayo ng feelings sa isa't-isa"

biglang iwas ng tingin ni Astrid "maligo kana ma'am, aayusan ko lang si Asha"

"tsss" umirap lang si Rhian bago pumasok sa loob ng banyo

napahawak naman si Astrid sa dibdib 'what am I doing? hindi to puwede, Astrid ano ba get your grip!' sermon niya sa sarili bago niya maisipan lumabas ng kwarto ni Rhian para bumalik sa kwarto niya. pagpasok niya sa loob nakita niya si Asha na hawak ang phone niya, kaya dali-dali niya itong kinuha sa bata "bakit mo hawak tong phone ko"

"si ate Yasmine po tumatawag"

nakahinga ng maluwag si Astrid "anong sabi niya?"

"hinanap ka lang po dada, sabi ko nasa kwarto ka ni ate Rhian"

biglang laki ng mata ni Astrid "bakit mo yun sinabi?!" halata sa tono ni niya na nabigla talaga siya. hahawakan niya sana si Asha nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya

"bakit mo sinisigawan si Asha?"

"lumabas ka muna ma'am hindi ko pa napapalita--------ako na gagawa" kaagad na pinutol ni Rhian ang sasabihin niya saka lumapit kay Asha

"let's go baby girl? palit ka ng damit aalis tayo" saka hinila ni Rhian palayo si Asha kay Astrid "I don't like what I saw Astrid ha"

"anak ko yan, kaya may karapatan akong pagalitan siya sa maling ginawa niya"

tumingin si Rhian kay Asha "baby girl ano bang ginawa mo, bakit nagalit si dada" minabuti niyang tanungin ang bata kesa kay Astrid

sasagot na sana si Asha nang bigla siyang hilain ni Astrid. bakas ang takot sa mukha ni Asha ngayon "hindi galit ang dada, nabigla lang ako sa ginawa mo....diba sabi ko sayo wag mong pakikielaman ang phone ko kasi ginagamit ko to sa work? kaya nga kita binilhan ng phone mo para hindi mo na gagalawin tong phone ko diba"

hindi na nga napigilan ni Asha ang umiyak. naalarma naman si Rhian pero minabuti niyang hayaan ang dalawa nang magkaliwanagan sila "s-sorry po dada h-hindi na po mauulit" pinunasan naman kaagad ni Astrid ang mukha niya

"stop crying na, hindi galit si dada" saka hinila ni Astrid si Asha at niyakap "I'm sorry din nasigawan kita" sabay tulak niya ng bahgya sa bata "sige na sama ka muna kay ate Rhian mo, may kakauspin lang ako" kaagad naman na tumakbo si Asha papunta kay Rhian "ikaw na munang bahala sakanya ma'am" hindi na niya hinintay na sumagot si Rhian at pumunta na sa may balcony para tawagan ulit si Yasmine, ilang sigundo lang sinagot na nito ang tawag "Yas sorry, si Asha may hawak ng phone ko kanina"

📱 no problem, ano nang balita sa pinagagawa ni boss sayo?

sinilip na muna ni Astrid kung nasa kwarto pa sila Rhian at nakahinga ng maluwag ng wala na siyang nakitang tao sa kwarto niya "ayos naman, mediyo nahirapan lang ako kasi sinugod niyo si Rhian nung isang gabi"

📱 kailangan e, kung hindi papalya talaga tayo

napabuntong hinga si Astrid "pero sana sa susunod, tiktikan niyo muna ako bago niyo gawin. muntik nakong madulas sa mga kaibigan niya"

📱 sorry dude...anyway speaking of Rhian, mukhang nahuhulog kana yata sakanya

nabigla sa tanong si Astrid "gago ka ba? sinong may sabing nahuhulog na ko sakanya?"

📱 biro lang naman, basta alalahanin mo yung mission mo, wag kang papalya kung hindi pareparehas tayo malalagot kay boss

"oo"

📱 tsaka bawal ma-attach ok?

"yabang mo, parang di ka nainlove kay ano ah"

📱 lols bye na

napailing nalang si Astrid bago patayin ang tawag, saka bumalik sa loob para magpalit ng damit

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now