trenta syete

1.7K 69 3
                                    

kinabukasan maagang nagising si Rhian para maghanda ng breakfast para sakanila. ginamit niya kung ano ang mga nakita niya sa loob ng ref ni Astrid dahil alam niyang hindi siya papayagan nito na lumabas. pagkatapos niyang magluto ay naisipan niya ng gisingin si Astrid "babe...babe wake up" tinapik tapik niya ang pisngi nito ng bahagya

dahan-dahan namang dumilat si Astrid at napangiti sa tumambad sakanya "good morning gorgeous" halos mamula ang mukha ni Rhian sa kilig lalo pa sa morning voice ni Astrid

tumayo na si Rhian dahil hindi niya kinakaya ang titig ni Astrid sakanya. para siyang gustong gawing breakfast nito "bumangon kana diyan ready na yung breakfast, silipin ko lang si James kung gising na" pero bago pa man siya makaalis ay pinigilan siya ni Astrid at hinila pahiga sa tabi nito saka pumaibabaw sakanya. kaagad namang pinigilan ni Rhian si Astrid ng balakin nitong tanggalin ang butones ng shorts niyang suot "baka gising na si James, gutom na yon nagtatantrums pa naman yon"

"he's still sleeping hindi pa siya umiiyak e, now let me have my breakfast first" hindi na pumalag si Rhian at hinayaan si Astrid na gawin ang gusto niya. napapakagat labi at pabaling baling nalang siya ng ulo dahil sa ginagawa ni Astrid

tumagal din ng minuto ang session nila bago nila maisipan na tumayo at silipin si James. pagpasok nila ng kwarto nakita nila itong nagdadaldal magisa habang kagat kagat ang kamay niya. natawa si Rhian dahil alam niyang nagtatantrums na si James sa gutom habang si Astrid naka kunot noo "what is he doing?"

hinarap ni Rhian si Astrid ng nakangiti "nagtantrums na yung anak mo, sabi sayo gutom nayan buhatin mo na dali" kaagad naman sumunod si Astrid at binuhat si James habang si Rhian nagpipigil ng tawa. alam niyang nanakit si James pag nagtatantrums

biglang binitawan ni Astrid si James ng bigla siyang sampalin nito "bakit ka nananakit anak" hindi nanga napigilan ni Rhian ang tumawa. humarap naman si Astrid sakanya na hawak ang pisnging sinampal ni James "parang ikaw pala to pagnagtatantrums, nanakit"

"kaya nga pinakuha ko siya sayo e" saka lumapit si Rhian kay James para amuhin na muna ito "asus gutom na ang baby na yan nahampas mo pa tuloy si Dada" saka niya ito kinarga "tell Dada she deserves it, inuuna pa kasi yung ka anuhan niya kesa pakainin ka noh"

nabigla si Astrid sa narinig "luh bakit kasalanan ko pang nagtantrums yang bata na yan"

"kasalanan mo naman talaga, sabi ko sayo silipin na natin kasi baka gutom na yung anak mo inuna mo pa yung kaanuhan mo" saka lumabas si Rhian sa kwarto. sinundan naman siya ni Astrid at dumeretso sila sa dining hall "kandungin mo nalang si James babe, susubuan ko nalang kayo" umiling si Astrid "tsk hindi na to mananampal" dahan-dahang kinuha ni Astrid si James na akala mo isa itong mabangis na hayop kaya napapailing nalang si Rhian. nang makapwesto na ang dalawa ay inayos na ni Rhian ang mga niluto niya at nilipat sa plato saka sila nagsimulang kumain  "aren't you going to work?"

"hindi na muna siguro, gusto ko munang masure na safe kayo"

biglang napaisip si Rhian na baka may alam si Astrid sa kung sino ang umatake sakanila "say babe, do you know who's the culprit" natigilan si Astrid sa pagnguya saka tumango. nagets naman kaagad ni Rhian ang gusto niyang sabihin "tsk, ano bang gusto ng ate mo para tigilan niya kami"

"don't worry about her, ako nang bahala sakanya" saka hinagod ni Astrid ang kamay ni Rhian at hinalikan ito

"nakakainis kasi, kakaayos lang natin tapos may panibago nanamang problema"

"wag mo nang intindihin si ate, ako nangang bahala sakanya"

biglang napaisip si Rhian at nilingon si Astrid. nagtakha naman ito sa kinilos niya "why are you staring at me like that?"

bumuntong hinga si Rhian "promise me na wala kang gagawin na ikakasama ng loob ko" hindi makasagot si Astrid. ayaw niyang mangako dahil kilala niya ang ate niya na mamanduhan siya nito sa oras na magkaharap sila. kintuban naman si Rhian na baka nga may gawin si Astrid na hindi niya kayang tanggapin, kaya niyakap niya ito bigla "please babe, promise me you'll never leave us again" hindi ulit sumagot si Astrid at niyakap lang ng mahigpit si Rhian

pagtapos nilang kumain ay napagpasyahan ni Astrid na dalhin ang mag-ina niya sa isang bahay bakasyunan na mediyo malayo sa lugar kung nasan sila, para narin makapagrelax at makapagbonding silang tatlo

inayos na ni Astrid ang mga kailangan nila saka sinilip ang dalawa sa kwarto "already prepared na?"

kinarga ni Rhian si James at pinakita ang suot nito. parehas sila ng suot ng Dada niya "yes Dada!" bumungisngis naman ng tawa si James

natawa rin si Astrid ng mapansin na matchy sila ng suot ni James. pinasa naman ni Rhian sakanya si James "ang gwapo naman baby ko na yan, pakiss nga si Dada" sinumulang kilitiin ni Astrid si James habang si Rhian naman ay nilabas ang kanyang phone at nirecord ang dalawa

ilang segundo ay tumigil din sila sa paghaharutan at naisipan nang umalis para hindi rin sila masyadong gabihin sa daan

"babe san tayo pupunta?" tanong ni Rhian habang tinitignan ang view sa labas. nakakalong si James sakanya at mediyo na mumungay na ang mata dahil sa antok

"secret, basta magugustuhan niyo don" hindi na ulit nagtanong pa si Rhian at inappriciate nalang ang view sa labas. hinawakan naman ni Astrid ang kamay niya at hinalikan. napalingon si Rhian sa ginawa niya "I love you"

ngumiti si Rhian saka hinawakan ang kamay ni James "mas mahal ko kayong dalawa"

ilang oras din ang binyahe nila bago sila makarating sa destinasyon nila, isa itong private villa na malapit sa dagat. maraming mga puno ng buko at marami ring mga ibon ang makikita sa lugar, kaya naman tuwang tuwa si James nang makababa na sila ng sasakyan. pumapalakpak ito habang pinanunuod ang mga ibon

napangiti naman si Astrid at nilapitan ang mag-ina niya saka niyakap si Rhian sa likod "tayo lang ang nandito, kaya gagawin nating memorable ang lahat sa lugar na to"

halos maiyak si Rhian sa ganda ng lugar idagdag pang kasama niya ngayon ang dalawang taong napakahalaga sa buhay niya. tumalikod siya at hinarap si Astrid saka ito hinawakan sa mukha at hinalikan "thanks for bringing us here, sobrang nakakagaan ng loob" saka niya ulit hinalikan si Astrid, pero naputol ito nang aksidenteng masampal ni James ang Dada niya ng makita niyang sabay-sabay na nagliparan ang mga ibon

"aray ko naman anak, bakit sinampal mo nanaman si Dada" hinawakan ni Astrid ang pisngi niya. tinawanan lang naman siya ni Rhian habang si James tuwangtuwa na pinanunuod parin ang mga ibon "tawa tawa ka diyan ha, tignan natin kung makatawa ka mamaya sa gagawin ko sayo" sabay ngisi ni Astrid. tinaasan naman siya ni Rhian ng middle finger saka tumakbo palayo. hinabol naman sila ni Astrid hanggang sa naghabulan na silang dalawa, habang tawa naman ng tawa si James

lingid sa kaalam nila na merong nakasunod sakanila "magpakasaya lang kayo" saka ito ngumisi at sinuot ulit ang shades niya bago tinaas ang bintana ng sasakyan

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now