trenta kwatro

1.6K 73 16
                                    

dalawang araw nang hindi nakikita ni Rhian si Astrid sa site kaya hindi niya maiwasang mag-isip kung anong dahilan nito para hindi pumasok, ni hindi rin siya nakakarinig ng kahit ano sa secretary nito, kaya sinubukan na niya itong kontakin para sana kamustahin pero hindi sinasagot ni Astrid ang mga tawag niya, nakakailang try na siya ng tawag pero hindi pa rin sinasagot ni Astrid "that's it!" napikon na siya sa ginagawa ni Astrid, kaya naisipan niya na itong puntahan. inayos niya ang mga gamit niya saka nagpaalam sa mga kasamahan na mauuna na siya, pagkalabas niya sa site nakasalubong niya pa si Maddy. nagbatian lang sila at nagpaalam na rin siya para umalis

nakarating siya sa condo unit ni Astrid ng ilang minuto lang dahil malapit lang naman ito sa site, kaya din siya nagtatakha talaga dahil ang lapit lang ng condo nito para tamarin pa siyang pumasok. pinark niya na ang sasakyan niya saka siya sumakay ng elevator papunta sa floor ng unit ni Astrid, maya maya pa ay narating rin niya ang floor at lumabas na sa elevator. hinanap niya kaagad ang room number ni Astrid at nang makita niya ito ay nagdoorbell siya pero walang nagbubukas. napipikon na talaga si Rhian "open this god damn door Astrid!" hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan "Astrid! god damn it!" kaagad niyang kinuha ang phone niya para subukan ulit itong tawagan pero naririnig lang niya itong nagriring sa loob "Astrid! I know you're in there! buksan mo tong pinto!" sobrang kinakabahan na si Rhian kaya naisipan niya nang babain ang mga staff sa baba para humingi ng tulong "please be hurry!" nanginginig na si Rhian habang pinanunuod ang naasign na bumukas ng pintuan ng unit ni Astrid, at pagbukas ng pinto ay halos manlambot si Rhian sa tumambad sakanila. walang malay si Astrid habang nakahandusay sa lapag "omg what happen to you!" kaagad niya itong tinakbo at nilapitan para icheck "fuck it! hey Astrid wake up!" ilang beses niya itong tinapik tapik pero hindi ito nagigising sobrang putla ni Astrid at hinanghina "kuya dalhin natin siya sa hospital" binuhat na ng staff sa condo building si Astrid palabas ng kwarto hanggang sa parking lot, pagkarating nila sa parking lot ay sinakay nila kaagad si Astrid sa passenger seat ng sasakyan "salamat kuya" inabutan ito ni Rhian ng tip bago sinarado ang binata ng sasakyan saka ito pinaandar sa malapit na hospital

pagkarating nila sa ospital ay kaagad silang sinalubong ng mga medics team na nasa labas "ano pong nangyari sakanya ma'am"

"she's unconscious nung nakita ko sa unit niya"

"dapat po ma'am itiniwag niyo nalang samin para kami na ang kumukha sakanya"

napairap si Rhian "why would I call if kaya ko namang siyang dalhin dito ng mas mabilis, kesa sainyo na ang kukupad magsikilos" galit si Rhian sa mga staff ng ospital kung saan niya dinala si Astrid dahil dito nawalan ng buhay ang mommy niya dahil sa sobrang bagal magsipagkilos ng mga staff dito. hindi nalang umimik ulit ang nakausap niya at sinakay na si Astrid sa strecher. sumunod naman si Rhian sakanila

kaagad dinala si Astrid sa ER para magsagawa ng test sakanya, habang si Rhian naman kabadong hinihintay na matapos ang ginagawang pagchecheck kay Astrid. ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor na tumingin kay Astrid. tumayo naman si Rhian at sinalubong ito "how's is she doc"

"ok lang naman yung patient ma'am, kaya lang malala na yung ulcer niya dahil sa hindi pagkain ng tamang oras. kailangan niyo pong paalalahanan ang wife niyo na hindi dapat magpapalipas ng kain"

nakahinga ng maluwag si Rhian "thanks doc pero hindi ko po siya asawa"

"no problem ma'am, nalipat napo siya ng kwarto kaya puwede niyo na po siyang bisitahin. excuse me" nagbow ang doctor kay Rhian saka ito naglakad palayo. hindi niya pinansin ang sinabi ni Rhian na hindi sila magkaano-ano

hindi nagdalawang isip si Rhian at pinuntahan agad ang kwarto ni Astrid para kamustahin ito pagtapos niyang pumunta sa malapit na restaurant para itake out ito ng pagkain, pero pagpasok niya sa loob ay nakita niya itong nakasandal sa headboard habang nagcecellphone "parang wala sa ospital ah" nilingon lang siya ni Astrid saglit saka binalik ang focus sa phone. nainis naman si Rhian kaya binalak niyang kunin ang phone ni Astrid pero nailayo niya agad ito "akin na yang phone mo, kumain ka" hindi umimik si Astrid at umiwas lang ng tingin sakanya "isa, akin na yan at kakain ka nga!" hindi parin siya pinansin ni Astrid at tinuloy lang ang pagcecellphone "punyeta Astrid ano ba!"

tumigil si Astrid sa ginagawa niya saka nilingon ulit si Rhian "ano bang paki mo kung ayokong kumain"

hindi makapaniwala si Rhian sa sinabi ni Astrid. tinaas niya ang kilay niya saka nag cross arms "ikaw pa may ganang magalit ng ganyan, ikaw na nga inaasikaso"

"tss. sinabi ko bang asikasuhin mo ko"

namantig ang tenga ni Rhian sa narinig niya pero pinili niyang kumalma "please kumain kana dahil kailangan mong magpalakas"

umiwas si Astrid ng tingin at binalik sa phone "ayoko nga! bakit mo ba kasi ako dinala dito! sana hinayaan mo nalang akong matuluyan. wala namang saysay pa yung buhay ko" ramdam ni Rhian yung sakit sa sinabi ni Astrid kaya hindi siya umimik "umalis kana nga, wag kang mag expect ng thank you sakin"

"hindi ako aalis hanggat hindi ka kumakain"

napailing nalang si Astrid "tss. wag mo kong intidihin, bantayan mo nalang si James, hindi kita kailangan dito"

"Astrid talaga bang magmamatigas ka"

iritableng hinarap ulit ni Astrid si Rhian "I said I don't need you here, bumalik ka na don sa mag-ama mo. tinawagan ko na si Devine kaya pwede ka ng umalis"

lalong nainis si Rhian sa narinig "tignan mo kawalanghiyaan mo, ako nagdala sayo rito pero fiancé mo gusto mong mag-alaga sayo" sabay irap niya

"bakit, siya naman talaga dapat nagaalaga sakin diba kasi siya yung fiancé ko. kaya umalis kana baka hinahanap kana ni Cielo"

nakakaramdam na si Rhian kung bakit siya pinaalis ni Astrid at naiintindihan niya naman yon. tinitigan na muna niya ng ilang segundo si Astrid bago tumayo "K fine kung yan yung gusto mo, pero kainin mo tong mga dala ko" kinuha niya ang pakain na dala niya saka ito nilapag sa tabi ni Astrid

"sinabing ayokong kumain!" nabigla si Rhian ng ihagis ni Astrid ang paper bag na dala niya "umalis ka na!" napabuntong hinga nalang si Rhian bago lumabas ng kwarto. napahawak naman sa sentido si Astrid saka pinaghahatak yung mga nakatusok sa kamay niya "buwiset! sana natuluyan nalang ako!" wala siyang pakielam sa mga dugong tumatagas sa kamay niya, maliban sa taong pinanunuod siya sa labas ng kwarto at umiiyak dahil sa pagaalala. gustohin man niyang alagaan si Astrid ay wala siyang magagawa dahil ayaw nga nito

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now