trenta cinco

1.7K 74 9
                                    

kinabukasan naisipan ni Rhian na dalhin si James kay Astrid dahil nagbabakasali siyang makikinig ito kapag nakita ang bata. pagbukas niya ng pinto ay laking gulat niya ng makita si Devine at Astrid na naghahalikan "shit!" kaagad niyang sinarado ang pinto at chineck kung umiyak si James dahil sa gulat "ano ba naman yung dalawang yon, hindi man lang naglock ng pinto!"

maya-maya ay bumukas ulit ang pinto at tumambad si Astrid "what the hell are you doing here again?!"

bumuntong hinga si Rhian saka hinarap si Astrid "bibisitahin ka sana namin ng anak mo, pero mukhang wrong timing kami" tinignan ni Astrid si James at doon siya mediyo kumalma. kukuhanin niya sana si James "don't you dare mandiri ka"

"wala naman kaming ginagawang masama ni Devine ah"

"oh really? kaya pala nakapatong siya sayo"

"so? it's not like we're having sex ok? normal lang naman siguro sa magpartner yung maghalikan diba" hindi na umimik ulit si Rhian "akin na yung anak ko"

"hindi na, uuwi nalang kami" saka tumalikod si Rhian "tuloy niyo na lang yung ginagawa niyo"

"I must say you're jealous do you?"

tumigil si Rhian sa paglalakad saka ulit hinarap si Astrid "kapal naman ng mukha mo, yung babaeng yon pagseselosan ko? duh di hamak naman na matino ako sakanya, sobrang kati pati ba naman dito"

"oh yeah hindi ka nga nagseselos" saka nilapitan ni Astrid si Rhian at kinuha si James

napansin naman ni Rhian ang kamay niya "bakit di ka nakaswero"

"lalabas na ko" walang ganang sagot ni Astrid saka pumasok sa loob. sumunod naman si Rhian sakanila

"nandito pala si ex" bungad ni Devine "and who's baby is this cutie"

lalapitan sana ni Devine si James pero pinigilan siya ni Rhian "I don't want my baby to be touch by a snake"

"ako ba yung tinatawag mong snake?"

"who else? ikaw lang naman ang kaharap ko ngayon"

"you bitch!"

"tumigil kayong dalawa ah, palalabasin ko kayong pareho" saka tumingin si Astrid kay Rhian "and stop calling my fiancé snake, baka nakakalimutan mong may Cielo ka"

napipikon na si Rhian kaka Cielo ni Astrid "kahapon ka pa Ceilo ng Cielo buwiset ka! inutusan mo kong makipagbreak sakanya diba?"

hindi makapaniwala si Astrid sa narinig niya "what? so hindi kayo ok?"

"anong ok pinagsasabi mo? ikaw may gawa non tapos hindi mo alam?" napailing nalang si Rhian sa iniisip ni Astrid saka ito nilapitan para kunin si James "let's go na baby, nabubuwiset lang ako dito sa Dada mo"

"t-teka, akala ko ba pinakita mo siya sakin"

"hindi na! kahapon ka pa napipikon na ko sayo"

kaagad na tumayo si Astrid at pinigilan si Rhian bago pa makalabas "teka lang naman, hindi ko naman kasi alam talaga. I thought nagkaayos kayo nung tinawagan ko siya"

nagtatakhang tinignan ni Rhian si Astrid "baliw ka ba? nakipag break ako sa tao tapos babalikan ko agad? ano ko ikaw?"

"so anong nangyari nung umalis ako"

"nagusap lang kami ni Cielo for closure"

"h-hindi kayo nagkabalikan?"

huminga ng malalim si Rhian "dami mong tanong, palabasin mo nanga lang kami ng anak mo"

"I thought nagkaayos kayo kaya ako umalis"

"siraulo ka e, inuuna mo yang selos mo" napalunok si Astrid "iniwan mo pa kami don, nagpahatid nalang tuloy kami kay Cielo"

hindi nagugustuhan ni Devine ang naririnig niya kaya lumapit siya sa dalawa "aware naman siguro kayo na nandito ako noh? and what again? selos? why would she be jealous to you"

tinignan ng masama ni Rhian si Astrid "ayusin mo tong ginawa mo"

humarap si Astrid kay Devine "uhm, Devine can we talk?"

"about what?" sabay taas ni Devine ng kilay niya

"uhm, I want to call off our engagement"

nag-iba ang aura ni Devine "are you crazy?"

"I'm serious"

"no way"

"napagusapan na natin to Devine"

"so? hinayan kitang makita yang anak mo, wala kang narinig sakin"

napabuntong hinga si Astrid. hindi niya alam kung pano sasabihan kay Devine "kasi ano uhm....."

"we get back together, so back off" sabay sukbit ni Rhian ng kamay niya sa braso ni Astrid

"and what makes you think na hahayaan kong magkaayos kayo?"

"but we did, nagkaayos na kami"

"do you think na matatanggap ni ate Shantal yang desisyon mo?"

speaking of biglang pumasok si Shantal kaya lahat sila ay napalingon sakanya "did someone mention my name?"

"ate, kailan kapa umuwi rito"

hindi pinansin ni Shantal ang tanong ni Astrid at tinignan si Rhian nang nakataas ang kilay "ooh, one of my enemy is here"

"stop it ate"

"don't you dare mandating me Jade, anong ginagawa ng babaeng yan dito"

"I said stop it ate, mahiya ka naman sa pamangkin mo"

nilingon ni Shantal si James "so he's your son, bakit wala akong alam tungkol dito Jade"

"cause I purposely hide it from you, kilala kita ate"

tinaas ni Shantal ang isang kilay niya "so you disobeying me now?"

"ate please"

hindi pinansin ni Shantal ang sinabi ni Astrid at may kinuha sa bag "here" inabot niya kay Rhian ang isang envelop. kinuha naman yung ni Rhian "siguro naman enough na yan para tigilan mo na yung kapatid ko, and for my nephew matatanggap ko pa siya, but his Mom? never in my vocabulary na makipagayos sa anak ng pumatay sa parents namin"

chineck ni Rhian ang laman ng envelop. invitation card ito sa kasal nila Astrid at Devine. wala siyang imik at ibinalik kay Shantal ang invitation card "tama na yung ginawa niyong pagsira sa reputasyon namin one year ago, hindi nako papayag na guluhin niyo pa ulit kami" sabay harap niya ulit kay Astrid "aalis na kami, ayusin mo tong gulong to" saka siya lumakad palabas

"babe! babe wait"

kaagad na pinigilan ni Shantal si Astrid bago pa niya mahabol sila Rhian. tiniganan siya nito na parang nagmamakaawa "stay" pero hindi nagpatinag si Astrid at pwersahang hinila ang kamay "subukan mo kong suwayin Astrid Jade, alam mo kung anong kaya kong gawin"

napabuntong hinga si Astrid saka hinarap ulit ang ate niya "ate please"

"no way, subukan mong sumuway sakin isang tawag ko lang sa tauhan kong nasa baba, alam mo na kung anong puwedeng mangyari sa mag-inang yon" natakot si Astrid sa puwedeng mangyari kela Rhian kaya hindi na siya umimik. kilala niya ang ate niya kapag sinabi niya gagawin niya "you know me Jade" saka lumabas si Shantal sa kwarto para ayusin ang paglabas ni Astrid sa ospital

wala namang nagawa si Astrid kung hindi ang mapahagod nalang ng buhok dahil sa inis

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now