daisy otso

1.6K 75 2
                                    

"gutom kana ma'am?" tanong ni Astrid kay Rhian na nakatali ngayon sa kama dahil ayaw niyang magpapigil kanina sa pagwawala

"wag mo kong kausapin, I hate you!" saka sinipa ni Rhian si Astrid na nakaupo sa bandang paahan niya. naiinis parin siya dahil tinali siya nito "release me!"

"kakalma kana ba?" hindi sumagot si Rhian at umirap "bahala ka, hindi kita kakalagan hanggat hindi ka kumakalma"

"paano ko kakalma kung pinagmukha mo kong masama kanina" pinagsisipa ni Rhian si Astrid. si Astrid naman todo salag sa mga sipa niya "siguro may gusto ka kay Mela noh!"

napahagod nalang ng buhok si Astrid saka hinawakan ang mga paa ni Rhian "ma'am kung san-san ka na napunta, kanina lang pinagtatanggol ko kamo si Mela, ngayon naman gusto ko na? ano sunod? asawa ko na?"

lalong uminit ang ulo ni Rhian at pinagsisipa ulit si Astrid "talagang iniinis mo ko ha! humanda ka sakin pagnakawala ako dito!" halos sumigaw na siya sa galit pero si Atrid parang wala lang

ilang minuto pa ang tinagal bago naisipan ni Astrid na kalagan si Rhian. napansin niya rin kasing kalamado na ito. naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang pawisan nitong mukha "pinagpawisan ka tuloy" hahawakan sana niya si Rhian

"don't touche me!" sinalag kaagad ni Rhian ang kamay ni Astrid

"e kung itali nalang kaya ulit kita"

"subukan mo"

umiwas nalang ng tingin si Astrid "tara na sa baba, magsorry ka kay Melay" saka ulit lumingon kay Rhian

"nangaasar ka ba talaga Astrid?"

"hindi, mali lang yung ginawa mo kanina...sinaktan mo yung tao, wala naman siyang ginagawang masama"

"she's flirting with you!"

bumuntong hinga si Astrid "hindi mo parin dapat siya sinaktan. tinutulungan niya parin naman ako kanina" halata sa tono ni Astrid ang pagkadisappoint kaya naisipan ni Rhian na amuhin si Astrid

gumapang siya at kumandong paharap kay Astrid saka ito niyakap "sorry na"

"wag ka sakin magsorry, don kay Melay" umiling si Rhian "edi bahala ka"

umangat ng tingin si Rhian kay Astrid. nagtitigan sila saglit "galit ka sakin?"

"hindi, disappointed lang"

ngumuso si Rhian saka bumalik sa pagkakayakap kay Astrid "nilalandi ka kasi niya e" hindi umimik si Astrid kaya inangat ulit ni Rhian ang tingin niya "do you like her ba?" hindi parin umimik si Astrid kaya naisipan nalang ni Rhian na umalis sa kandungan nito pero pinigilan siya nito

"wag mo nang uulitin yun ah" nakangusong tumango si Rhian. tinitigan lang siya ni Astrid, hindi niya rin alam pero gustong gusto niyang pinagmamadan si Rhian at aminin niya man sa hindi nacucute-an siya sa baby side nito ngayon "nagugutom ka na?" tumango lang si Rhian "tara na sa baba ng makakain kana"

"carry me"

"hindi puwede. baka anong isipin nila pag nakitang buhat kita" hindi nagpatinag si Rhian at kumapit lang ng mahigpit kay Astrid "hay, ano ka ba koala" hindi umimik si Rhian kaya walang choice si Astrid kung hindi ang kargahin ito. nakapulupot ang legs ni Rhian sa waist niya habang nakapulupot din ang mga braso nito sa leeg niya "kapit ka ha" nakangiting tumango lang si Rhian kaya lumakad na sila palabas

saktong paglabas nila ay nakasalubong naman nila si Lindsay. nakita niya ang eksena nilang dalawa "hoy Rhian bumaba ka nga diyan!" saway nito sa kapatid. nilingon lang siya ni Rhian tapos dinilaan saka ulit sinubsob ang mukha sa leeg ni Astrid "kalokang to, hoy bodyguard mo yan hindi mo yan baby sitter"

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now