daisy nuebe

1.8K 75 1
                                    

matiwasay na nagiinom si Yasmine kasama si Janice nang may biglang tumawag sakanya kaya sumaglit na muna siya sa labas para kausapin ito saglit "yes chief"

📱 I need you to be here at 9am tomorrow, sama mo rin yung team mo may paguusapan tayo

"copy sir"

tapos namatay na ang tawag "ang labo naman ni chief, kailangan pa talga niyang tumawag, puwede namang imessage nalang ako" sabay iling niya ng ulo

"Yasmine!" biglang lingon niya sa tumawag sakanya at nanlaki ang mata. si Lindsay kasama sila Maddy(Rosè) at Sheena(Irene) "ikaw gago ka! ano yung mga pinagsasabi mo sakin ha!" biglang karipas niya pabalik sa loob dahil aambahan siya ng suntok ni Lindsay "comeback here!"

pagpasok niya sa loob nagtatakhang tinignan siya ni Janice(Seulgi) "anyari sayo pre? bakit ka para kang hina- aray ko!"

binatukan niya si Janice "tang ina ka kasi, andiyan si Lindsay" sabay tago niya sa upuan niya kanina. akala niya hindi siya makikita ni Lindsay, pero dahil sa maloko si Janice at nakita nito si Sheena kumaway ito para makita sila "ay tanga" nasampal niya nalang ang mukha niya

hindi naman nagpapigil si Lindsay at biglang sinugod si Yasmine ng makalapit sila sa table nila. pinagsusuntok niya ito kahit saan habang salag naman ito ng salag sa mga suntok niya. ang mag kaibigan naman nila tawa ng tawa "yang mga kagaguhan mo wag mong pinapasa sakin ha!"

"aray ko! tama na" salag parin siya ng salag sa mga suntok ni Lindsay habang ang mga kaibigan nila pinanunuod lang sila at natatawa "aray! tama na sabi" mga ilang salag pa bago niya hinuli ang kamay ni Lindsay at hinila pa-upo ng kandungan niya. niyakap niya kaagad ito para hindi na makawala

"bitiwan mo ko!" sinubukan kumawala ni Lindsay pero mahigpit ang pagkakayakap sakanya ni Yasmine "isa!" pero hindi parin siya pinakawalan nito at tinitigan pa "wag mo nga kong tignan!"

"I miss you"

"baka yung katawan ko!"

"oh edi, I miss your body"

"gago ka talaga" nagpumiglas nanaman si Lindsay "pag ako nakawala dito buburahin ko talaga yang mukha mo!"

"wag naman hon, pano na ko makakapambabae niyan kung sisirain mo mukha ko"

napapailing nalang yung mga kaibigan nila sa ginagawa nila

"oi dude tama na yan, hilig mo talagang asarin yang ex mo" mapangasar na buwelta ni Janice saka inakbayan si Sheena. nakurot naman siya nito "aray ko"

"chumachansing ka nanaman" sabay irap ni Sheena

si Maddy naman ineenjoy lang ang pag-inom. hanggang ngayon kasi ay wala pa siyang nahahanap na the one, unlike sa mga friends niya na nakailang palit na ng mga partners pero stay loyal parin sa mga ex nila

nanahimik na si Lindsay kakapalag at sinimulan nalang ang pag-inom habang nasa kandungan parin siya ni Yasmine. ganun din si Yasmine habang pinanunuod yung mga sumasayaw sa dance floor. napansin naman siya ni Lindsay at sinalpakan ng fries ang bunganga saka umalis sa kandungan nito at umayos ng upo sa tabi. nagulat si Yasmine pero hinayaan nalang niya kesa masuntok nanaman siya ni Lindsay

hindi nila alam na nandoon din sa lugar sila Rhian kasama ang mga kaibigan niya at nagsasayawan, maliban nalang kay Astrid. nasa table lang siya at tahimik na umiinom mag isa nang may biglang lumapit sakanya "hi pretty handsome, are you with someone?" hindi siya umimik pero naupo parin ang babae sa kandungan nito "shall we have some fun?" susunggaban na sana siya nang halik ng babae nang may biglang humatak sa buhok nito

SECRET AGENT ASTRID | BECKFREEN Where stories live. Discover now