Remember

4.4K 121 174
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

MARIA VICTORIA

Ma'am pasensiya na po kayo kay Mical. 'Yang batang 'yan ay hindi pa po nakakalabas ng isla, ngayon pa lang. Bihira din po siyang manood ng TV, kapag nandito lang ang tatay at kuya niya. Wala din po siyang social media account. Walang cellphone. Hindi ko nga po gustong payagan 'yan kung hindi rin lang nagsabi na sa inyo niya balak pumunta.

Wala pala siyang cellphone, hindi ko napansin.

'Yong phone po na nasa record niya ay phone ko at ng kuya niya.

So, what keeps her busy?

Mahilig po 'yan lumangoy kaya pinababantayan ko lagi sa kababata niya. 

Sinong kababata?

Si Jophet po.

Hindi niya ba 'yon boyfriend?

Naku hindi po. May girlfriend po si Jophet at si Mical ay walang alam sa pakikipag-boyfriend.

Hmmm, okay.

Mahilig din po siyang makinig ng mga OPMs, kaya binigyan 'yan ng kuya niya ng iPod shuffle. Puro tagalog songs po ang laman no'n. Hanggang ngayon kino-control po ng kuya niya at ng asawa ko ang mga pinapakinggan niya.

That is a good thing. Do not worry. Mical is good at masayang kasama.

Mabuti po at natutuwa kayo sa kanya. Madami pong hindi alam ang bata pero mabilis pong matuto, puwera lang sa mga gawaing bahay. Iniisip ko po na marami kayong gamit sa kanya. Matalino pong bata 'yan, at sharp ang memory niya. Kahit 'yong mga nangyari noong matagal na ay natatandaan niya. Mayroon po siyang mga nare-recall noon bago pa lang siya mag-one year old. Magaling din po sa Math, kahit sa English, ayaw niya lang magsalita. Pero very fluent po ang understanding niya.

Tatandaan ko 'yan. Kaya kita tinanong ay dahil napansin kong parang marami siyang hindi alam sa mundo. Her dreams and aspirations are so simple.

Hindi po talaga namin siya tinuruan na mag-aim ng mga materyal na bagay. Usually po ang mga gusto niya ay 'yong mga bagay na nakikita niya lang.

Tulad ng milk tea?

Uh! Ako po ang gumagawa niyon, ma'am. Paborito niya po 'yon. Tuwing uuwi galing sa school lagi ko siyang ginagawan ng milk tea. Si Mical ay business minded na tao. Lahat ng nakikita niya na tingin ay papatok sa mga tao ay gusto niyang gawing negosyo.

Tulad ng milk tea?

Tulad po ng milk tea.

I see, okay, thank you for the information.

Salamat din po, ma'am, sa tiyaga ninyo sa anak ko.

Mical is a delight to be with. I am happy na nandito siya ngayon. Masunuring bata. So, I had her enroll completely in ERU. Sa open university.

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon