Bundle of Joy

2.8K 114 238
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

MICAL

"Mical alas nueve na! Bakit hindi ka pa tumatayo diyan? Di ba aalis tayo nila Ma'am Madel? Dapat ten am ready na tayo."

Pinilit ko talagang idilat ang mga mata ko pero hindi ko maidilat. Iniisip ko na epekto lang ito ng waterbed na bigay ni Sir Xian.

Last week inilipat kami ni Gela sa mas malaking kuwarto dahil idi-deliver and water bed.

Dumating ito the next day. Mas Malaki sa kama ni Gela pero okay lang naman sa kaibigan ko.

"Kung sing laki lang ng kama ko ang kama mo, siguradong malalaglag ka sa likot mong matulog!" sabi niya.

Ang sarap ng tulog ko! Walang panaginip! Pero nagigising pa rin ako ng seven am araw-araw. Nagsimula lang ang over sleeping nitong Lunes, kaya mga tatlong araw pa lang.

Pinilit kong umupo. Tiningnan ko si Gela na kumikilos sa banyo. Ibinagsak ko ulit ang ulo ko sa kama.

Lumapit si Gela at hinila ako patayo.

Para akong robot na pumasok sa banyo. Kinapa ko ang paligid dahil nakapikit pa ang mga mata ko.

"Nako, kung hindi lang kita kilala iisipin kong buntis ka!" malakas na sabi ni Gela na parang pinapagpag ang kama ko."

Bigla akong napadilat. Inisip ko kung anong araw na ba at kailan kami nagsaya ni Sir Xian?

Wala pang isang buwan, pero malapit na! Hindi naman na iyon naulit.

Sinubukan ko nga, pero nakialam ang Holy Spirit. Sabi ko kasi makialam Siya.

Dahil sa suwail ang spirit ko. Si Sir Xian ang pinaiwas Niya nang pinaiwas sa akin.

Lagi ko talagang pinagpi-pray kay Lord to keep me away from temptation.

Pero ang totoo, para kay Sir Xian 'yon. Perfect talaga siya!

Hinawakan ko ang tiyan ko. May posibilidad na buntis ako! Na research ko ito, eh!

Saglit lang Mical, huwag kang mataranta, hindi ka pa sure!

Kailangan ko munang mag test!

Hinimas ko ang tiyan ko. Chill lang baby, panganay ka pa lang. May siyam pang padating. Dapat hindi tayo ma-stress.

Napangiti ako at nagplano kung paano ako magti-test.

Maliligo muna ako. Magri-research ako mamaya kung may natural way ang pagti-test. Kapag wala ay bibili ako. Kailangang makapagplano kung paano ako bibili ng pang test na hindi nila malalaman.

Pumasok ako sa shower.

Thank you, Lord sa maagang pamasko ang pa-birthday!

Pagkatapos maligo ay nagbihis ako ng maiksing dress na maluwang.

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon