The Castiglione Empire

2.9K 105 156
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Hindi ko alam kung paano ko pipilipitin ang daliri ko habang palabas ako ng kuwarto.

Si tatay agad ang tiningnan ko. "Sorry po."

Tinawag niya ako at niyakap.

Naramdaman ko si kuya na hinimas din ang likod ko.

"Sorry po sa inyong lahat. Isang beses ko lang po talaga ginawa. Sumakto lang," paliwanag ko. Hindi ko sinabi na tatlong beses 'yong isang gabi na 'yon.

Binitiwan ako ni tatay. "Hindi ko maubos maisip na magagawa mo 'yon, Mical. Hindi kita sinisisi, pero kilala kita. Sigurado ka bang hindi ka pinilit ni Xian?"

"Hindi po!" mariing tanggi ko. "Ako nga po ang namilit, eh."

"Ano?" high pitched na tanong ni nanay.

Pinagalitan siya ni tatay. "Nag-uusap lang tayo Betty."

"Eh, itong anak mo," sabi niya kay tatay bago tumingin sa akin. "Sino ang nagturo sa iyong magpilit ng lalaki?"

"Wala po. Natural po 'yan. Ikaw ba hindi mo pinilit si tatay kahit kailan?"

Hindi nakakibo si nanay.

Tiningnan ko si kuya. "Sorry na."

Tumango lang siya.

"Sinadya n'yong mag-usap sa harap ng kuwarto ko?" tanong ko sa kanila.

Tumango si tatay.

"Bakit po?"

"Para malaman mo na hindi mo na kailangan magpaliwanag sa amin. Naiintindihan namin."

"Kailan n'yo pa nalaman si sir 'yon?"

Si kuya talaga ang salarin. "Hiniram ko kay nanay ang phone niya dahil sinabi niyang ginamit mo daw para mag text. 

When I found the number, I typed it on my phone. Nakakalimang number pa lang ako, lumabas na ang number ni Xian. And it continued. 

So, I knew right away na siya ang t-in-ext mo. Sinabi ko kay nanay ang plano na mag-uusap kami sa harap ng kuwarto mo para marinig mo lahat. Including the plan of calling, Xian. His answers are not a part of the plan though. 

I hesitated dahil baka i-deny ka niya. But, I hold on to the fact na hindi man niya tinatanggap pa, ay isa siyang tunay na Castiglione. These men has high respect on women. And they hold on to their promises. 

Kung totoong siya ang kausap mo tuwing magri-ring ang phone mo. Sinabi ni nanay na maayos naman ang pag-uusap ninyo at hindi ka naman mukhang inaagrabyado."

Sandali kaming natahimik bago ulit nagtanong si kuya.

"Paano kang niligawan no'n? Parang wala naman akong napansin na ganon?"

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon