Sovereign Grace

2.8K 82 82
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

MICAL

Balikan natin kung ano ang nangyari nang kalagin namin ni love-love ang balot ng mga babies. Talo pa kasi nila ang suman sa ibos.

Sino ba naman ang hindi ngangawa? Kahit ano pa ang sabihin ng lahat tungkol dito, masikip pa rin ito. Lalo sa mga anak ko. I feel them.

Sabi ni nanay kanina dapat daw nakabalot para feeling ng baby nasa loob pa din daw ng tummy.

Tingin ko hindi iyon applicable sa mga anak ko. Tulad ko sila, gustong gustong lumabas at maglakad. 

Kaya, ibigay ang gusto! Labas!

Nagtakbuhan papasok ang mga nurse.

Karga ko na si Roro at si Sasa ay karga ni love-love. Pareho kaming nakaharang sa tatlong babaing pinipilit din dumapa.

"Baby, put Roro on the bed. Hindi ka puwedeng nagbubuhat," utos ni love-love.

Sinunod ko naman siya nang magdatingan ang mga nurse.

Wala pang five minutes ay nagpasukan na din sina nanay, mama, at papa. Kasunod sina ate at kuya doc.

"What happened?" tanong ni ate doc.

May kinuhang private rooms ang asawa ko na katabi lang ng kuwarto namin para sa mga magulang namin at mga OBs.

Pumasok na din si Dr. Walsh. Ang temporary pedia habang nandito kami sa States.

Nagpaliwanag si love-love in English. Halatang nag-isip si Dr. Walsh bago pinagdesisyunan na ilapag ang mga babies sa kama ko.

Si love-love ay pinaupo ako sa couch habang pinanonood ko ang ginagawa sa mga babies. Tumabi siya sa akin at umakbay.

Lahat ng mga nurse na kumarga sa mga babies ay inilapag din ang tatlong babae sa kama.

Pinanood namin kung ano ang gagawin nila.

Nakusensiya ako kaya nagkumpisal ako. "Ayaw kasi nila tumigil kakaiyak. Inisip ko na baka nasisikipan. Kinalas ko 'yong balot. Huminto sila sa pag-iyak. Pero tumagilid din na parang dadapa. Mali po ba 'yong ginawa ko?"

Nilapitan ako ni ate doc habang tina-translate ni love-love ang sinabi ko sa pedia.

"Hindi mali 'yong ginawa mo. Especially huminto naman sila sa pag-iyak. Do not blame yourself. Okay naman ang mga babies."

"Eh, bakit po tumagilid sila?"

Nagtinginan silang lahat.

"They were born just fifteen hours ago, right?" tanong ng pedia.

Tumango ako.

Ni check niya isa-isa ang mga bata. "They are full term?"

"Nine months and three days," sabi ni ate doc.

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon