Whistleblower

3.1K 110 134
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Joe, masyadong matunog ang pangalan mo kay Mical. Ano ba ang issue?

Naku, sir. 'Yang batang 'yan ay napakatalino. Paborito po siya ng lahat. Pero huwag mo siyang iwan mag-isa o uutusan ng tungkol sa pagluluto o pag-aasikaso ng bahay. 'Yan po ang sinubukan kong i-work out sa kanya hanggang sa maka-graduate siya.

At hindi mo na work out?

Hindi po, eh.

Bakit Valedictorian pa rin?

Ang grade po ni Mical sa lahat ng subject ay 100%. Kapag nagpa-pa extra ang teacher at siya lang ang gumagawa ay nakaka 105% po 'yan.

Hindi po siya mabigyan ng 99% or mas mababa dahil kalahatian pa lang ng school year ay tapos niya na lahat. Except home economics.

Kaya tiututukan ko siya at binabantayan. Iyon na lang ang tinatapos niya hanggang matapos ang school year. In the end umaabot pa rin po sa 98% ang grade niya.

Magaling po si Mical sa written at memorization. Kapag pinasaulo mo sa kanya ang ingredients ng isang meal o kahit buong menu ng pagkain, o work around ng step by step home making. 100% din po 'yan.

Sa practical lang sumasablay. Which is only 25% of her HE grade. And the lowest she could get on that is still 85%.

Perfect. Salamat.

You're welcome, sir. Pambihira talaga 'yang batang 'yan. Dahil sa kanya na-contact po ninyo ako nang wala sa oras.

💖💖💖

MICAL

Gagapangin ko si sir mamayang gabi.

Yan talaga 'yong takbo ng isip ko habang nasa sasakyan kami. Siya ulit ang nagda-drive. May mga nakasunod pa din sa amin pero wala na si Sir Jonas. Nang tanungin ko siya kung makukulong ba si Sir Jonas at 'yong mga itinuro ko. Ang sagot niya ay hindi niya pa alam. Kaya iniba ko naman ang topic.

"Sir, puro white t-shirt lang po ba ang damit mo, at sirang pants?"

Ngumiti siya. "Hindi naman. Ito kasi ang kumportable."

"Oo nga. Gusto ko na din ng sirang pants."

"Ang tawag diyan ay ripped jeans. It's a design na convenient sa marami."

"Oo nga po. Hinahanginan po ako sa loob habang suot ko."

"Ano lang ba ang mayroon sa isla, bakit hindi mo alam 'yan?"

"Madami po. Hindi po kasi ako pumupunta sa mall. Hindi ako nanonood ng TV."

"Eh, ano lang ang ginagawa mo doon?"

"Nag-aaral. Kumakain, natutulog, lumalangoy."

"Wala bang nagsusuot ng ripped jeans sa isla."

"Mayroon po minsan. Kapag tinatanong ko sila kung mahirap ba sila kaya sira nag damit nila, hindi na po nila ulit isinusuot."

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon