Tabi Tayo

2.7K 96 179
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

ENRIQUE

"Dad, napansin mo ba si Mical? Parang napaka-inosente. Kanina may pagkakataon na kung ano-ano na lang ang sinasabi. Medyo magulo. Parang walang organization of thoughts." I told my father habang nakatingin kami pareho sa monitor kung saan nakikita namin si Mical.

Iniwan namin ang babae sa monitoring room para pag-aralan ang security system ng pamilya at kumpanya.

Kung hindi lang sumeryoso at nagtrabaho nang iharap namin sa computer ay maiisip talaga namin na walang alam.

She also looked a lot younger for her age, twenty-five. Pero kapag nagsasalita. Mix naman ang sinasabi niya. Minsan parang bata, madalas ay maayos.

She looked smart, though. But also, something else na hindi ko mapangalanan.

"Masyado kang mapaghinala," sabi ni dad. "I am excited about the meet tomorrow morning. Look forward, son."

I sighed. Hindi ko maintindihan kung bakit mabigat ang dibdib ko. "Are you sure na wala kang isasama na mga tao natin?"

"Of course, not! Hindi ako tanga. Walang magdadala ng baril sa mga taong malapit sa atin. Tulad ng mga papaikot sa atin. But I will have snipers around. 

Nangako tayo kay Mical at ire-relay niya iyon sa mga Castiglione. Kailangan walang makitang sandatang kahit ano sa mga malalapit sa atin. 

At ang mga snipers ay as needed lang. Panigurado. Malaki ang posibilidad na hindi sila magamit."

"How many people are you trying to bring?"

"About fifty sa mga nakapaligid at sampung snipers."

"Hindi ako makapaniwala na sa isang open volleyball court napili ni Mical makipagkita."

"I think naniniguro ang mga Castiglione. Narinig mo ba habang nag-uusap sila?"

"Hindi, eh. Kanina noong mabasag ang phone niya, binuksan niya ang luggage niya. Apparently may stock siyang iPhone. Nag-excuse siya at pagbalik ay isang iPhone na lang ang dala niya. Wala na 'yong basag."

"May stock na iPhone?" hindi makapaniwalang paglilinaw ni daddy.

"Yes, nakita ko sa bagaheng binuksan, eh. Parang pinaalis na talaga siya ng mga Castiglione. Or baka nagpaalam na talaga siya kaya may dalang bagahe."

"Is she expecting na dadalhin natin siya dito?"

"I think she was thinking na kung hindi man ay magri-renta siya ng hotel or apartment for herself. She looks loaded. Hindi nag-aalala sa pera. She didn't even asked kung magkano talaga ang ibabayad natin sa kanya."

"Which is good. It is a good thing for us. Ibig sabihin, hindi importante sa kanya kung magkano ang ibabayad natin. Baka gusto na rin talagang umalis sa mga Castiglione."

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon