@18 💖 When Will You See?

3.3K 106 168
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

Wow! Ang ganda naman! Ang daming laser beams sa paligid!

Sabi ng pastor namin, hindi daw dapat ginagamit ang mga ganitong ilaw kapag nagwo-worship kay Jesus. Pang intense lang daw ng feeling habang service, paglabas, nganga!

Pero hindi naman namin service. Today is my eighteenth birthday!

Yey! I am soooo happy!

Pero pinaka masaya ako dahil kagabi tabi na kaming natulog ni sir. 

Kilala n'yo ba siya? 

He is the love of my life!

Wooohoooo! I was so excited!

Hindi ko nga maintindihan kung bakit pinatagal niya pa. Lagi niyang sinasabi na baka daw hindi siya makapagpigil. Ano naman kaya ang pipigilin niya?

Okay na okay lang naman sa akin kahit mapipi ako sa yakap niya tulad kagabi. 

Although naka jeans siya. Tinanong ko nga kung bakit siya naka jeans. 

Sabi niya: 

"I had to confine a part of me that wants to get into you."

Inisip ko kung 'yong soul niya ba iyon? O 'yong love niya sa akin? Kaya sinabihan ko siya agad. "Okay lang, sir! Huwag mong pigilin!"

Tumawa lang siya at niyakap ako ulit. Naintindihan ko naman. Parang si Cinderella. Pero baliktad kami. Hindi ko kailangang umalis ng twelve midnight.

Hinintay ni sir na mag-alas dose bago niya ako kinuha sa kuwartong tinutulugan ko.

Eksaktong eighteen ako niyon!

Alam ko na tulog na tulog ako. Bigla ko na lang naramdaman na umangat ako mula sa kama. 

Sa sobrang takot ko, naghanap ako ng makakapitan.

Natabig ko ang crystal touch lampshade sa bedside table. Humagis iyon sa dingding at bumagsak sa matigas na kahoy ng bedside table.

Basag!

Biglang tumawa ang may karga sa akin. 

Si sir! Napakapit ako sa leeg niya.

Yumuko siya sa akin.

"Sorry po ulit, sir."

"It's okay."

"Pang ilan ko na po bang nabasag iyon?"

Nagkibit balikat lang siya.

Sinubukan kong isipin dahil binilang ko naman talaga. Pitong plato na at siyam na baso. Pangatlong lampshade na. Tapos noong minsang nagplantsa ako ng damit ni sir, nasunog ko 'yong mga damit niya. Limang pants, walong polo shirt, at anim na white t-shirt.

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon