Love Story

3.2K 104 127
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

MICAL

Hindi ko alam kung ilang ulit na akong nag-iinat. Pero siguradong maraming ulit na.

Ang sarap matulog sa makapal at malambot na kama. Ang lamig din.

Malambot din naman ang kama ko sa bahay pero hindi ganito na para akong nakahiga sa hangin.

Parang umaalon nga!

Hah! Dagat yata 'tong kama ko!

Carpeted ang kuwarto. Sana ay carpeted na lang ang buong bahay para kahit may bumagsak hindi mabasag.

Nakakahiya kay sir. Puro crystal pa naman ang mga gamit niya. Lalo na sa kusina.

Nakadalawa na agad ako kagabi ng nabasag.

Sana malaki ang suweldo ko kay Sir Anton para naman mabayaran ko ang mga crystals ni sir. Tapos may tira pa para sa milk tea stand ko.

Itatanong ko kay Ma'am Victoria kung puwede ako magtayo ng milk tea stand sa ERU.

I'm so happy.

Makalabas na nga nitong kuwartong parang magnet ang kama. Hinihila na naman ako patulog!

Nang buksan ko ang pinto ay may nakita akong malaking mama sa kusina!

Isinara ko ulit agad.

Maya maya ay may naglalakad palapit. Umakyat ng hagdan at kumatok. "Ma'am?"

"Sino ka? Ba't ang laki mo? Hindi ako ma'am dito."

"Eh kayo po ba si Mical?"

Kilala niya ako! "Sino ka?"

"Ako po si Anthony ang butler ni Sir Xian."

"Totoo ba?"

"Opo."

"Kung totoong butler ka niya sino ang ex-girlffriend niya?"

"Errr, ma'am. Hindi ko po alam kung dapat kong sagutin 'yan."

"Hindi ko din alam kung maniniwala ako sa'yo."

"Ibang tanong na lang po."

"Sige, one times zero."

Hindi sumagot. Nagbibilang pa yata. "Kung nagbibilang ka mali ang sagot mo!"

Biglang tumawa ang nasa labas. "Sorry ma'am. Mahina talaga ako sa Math. Nagbilang talaga ako kahit zero pala dapat ang sagot."

"Dahil diyan hindi ko tatanggapin ang sagot mo! Ito na lang. Ano ang height ni Sir Xian?"

"Madali lang po 'yan ma'am. Six-three po."

"Hindi ko alam ang height niya kaya babaguhin ko ang tanong."

"Sige po, ma'am."

"Saan pinanganak si Xian?"

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon