Mr. Dream Boy

3K 110 90
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

I called Anton as soon as Mical got inside the office. Kanina pa ito nagti-text na tawagan. Hindi ako makaporma habang kasama ko si Mical. I knew that whatever he would want to talk about shouldn't be heard by the girl.

"Anton."

"Nasaan ka?"

"Nasa quadrangle sa loob ng ERU, pinapasok ko si Mical sa office."

"Is she alone?"

"Nakasunod si Max. Of course, hindi niya alam. Pero tinimbrehan ko si Marc. So, he knew."

"Good. Magkausap na ba sila?"

"Yes, tinawag ni Marc si Mical habang nasa hallway. Bumangga kay Monteleon."

"Si Gerard? Ano'ng ginagawa niya diyan?"

"No, kay Rowin."

"Ah, talaga 'yang batang 'yan, hindi puwedeng walang bantay. Hindi mo alam kung saan nakatingin. Tama nga yata ang sabi ni Betty. May sariling mundo daw si Mical."

"No, she's fine. Ano ba ang iniisip mong may sariling mundo?" Kapag may sinabi ito against Mical bababaan ko ito ng phone.

"She thinks like a child."

"Lumaki siya isla, hindi nanonood ng TV. Walang social media. Pati 'yong iPod Shuffle niya kontrolado ang mga nakalagay na kanta. Kapag nag-o-online siya ay binabantayan ni Ethan. Ano lang ba 'yong puwede nilang gamit sa mga computers sa school?" And I love her that way... f*ck! Kung ano-ano na ang naiisip ko!

"My point is, kailangan nating turuan si Mical magkaroon ng focus. Matuto sa buhay."

"She has focus!" She was always focused on me! "Ano ba ang pinagsasasabi mo?"

"Bakit ba nagagalit ka? Gusto ko lang tulungan natin si Mical."

"Ano'ng klaseng tulong? 'Yong matuto siya sa kalokohan ng mga tao dito sa Manila?"

"She needs to take necessary precautions."

Kinabahan ako do'n. "What's wrong?"

"Pinaghihinalaan ng mga grupo nina Madrigal at Anacleto na may informant tayo dahil naituro lahat ni Mical ang mga tao nila sa atin. Twelve in total."

Wow! "Hinahanap nila si Mical?"

"Hinahanap nila ang pinaghihinalaan nilang informant."

"Mical is not safe?"

"She is safe dahil wala namang may alam na siya 'yon. But we couldn't take chances."

"Baka kumanta si Jonas aka Marlon."

"Jonas didn't know a thing! No one would think that it is Mical."

I was not liking this. "Are you sure? Baka kailangang dalhin ko muna sa ibang bansa si Mical."

THE BILLIONAIRE'S MAID (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon