Chapter 2

63 10 0
                                    

SAM

Hanggang makarating kami sa bahay nila Joy ay nakadikit si Jude sa 'kin. May ilang nakakapansin na masyado siyang malapit pero hindi naman nagtanong. Pahaba ang bahay nila Joy, walang seconfloor pero malaki. Mayroon silang mini-garden kung saan kami nila tinanggap. May videoke, buffet, at katulad ng sinabi niya'y halos kami ang karamihan sa mga imbitado.

Sa isang mahabang pinagdikit-dikit na mesa na nasa lima ang napuwestuhan namin.

Naiirita man ay hindi ko ipinahalata 'yon nang tumabi sa 'kin si Jude. Pareho pa kaming nasa dulo pareho at katapat namin si Joy na may birthday na nasa bahagi ng kabisera.

Maingay at nagkakainan na kaagad.

"Nag-iinom ka ba, Sam?" tanong sa 'kin ni Farah na malapit sa 'kin.

Umiling ako. "Hindi, pero nakatikim naman ako kaya siguro'y titikim ako."

"Kahit malasing 'tong si Sam, ako na bahala maghatid dito." Inakbayan pa 'ko ni Jude.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Inalis ko kaagad ang braso niya sa 'king balikat.

"No, thanks, baka bago mo 'ko maihatid ay sumusuka ka na sa daanan."

Kahit ngumiti ako sa kanya ay hindi ko pa rin maitago ang iritasyon.

Tuwing nag-uusap kami ng mga kaklase namin ay bigla siyang sumisingit. Gusto ko maramdaman nila iyong inis sa pagiging usisero ni Jude, pero mukhang masaya pa silang sumasali siya sa usapan namin. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking 'to, bakit masyado siyang dumidikit sa 'kin. Titiisin ko na lang, at hinding-hindi na 'ko sasama sa ganito kung kasama siya.

Sa sobrang inis ko sa kanya hanggang pag-iinom ay napaparami ako.

"Ako na, mukhang hindi mo na kaya, dadalawahin ko na ang tagay ko," aniya.

Tuwing sasabihin niya 'yon napapainom ako kaagad.

"No, thanks, ayoko ng utang na loob lalong-lalo sa 'yo," bulong ko na maririnig niya lang pagkababa ko ng unang tagay.

Ngingiti lang siya nang ngingiti na akala mo naman ay nakatutuwa.

Nakakabuwisit ang pagmumukha ng lalaking 'to.

"Oh, ito na naman ang tagay, ako na! Classmates, hindi na kaya ni Sam, ako na, akong-ako na talaga," ani Jude na itinaas ang shotglass kasunod ng pag-akbay sa 'kin.

Bago ko pa 'yon makuha sa kanya ay nainom niya na.

Pagkababa niya ng shotglass ay bumulong siya.

"Kahit ayaw mo, may utang na loob ka na sa 'kin at sisingilin ko 'yon nang isang--," binitin niya at tumawa siya nang mahina malapit sa tainga ko.

Hinawakan ko ang mukha niya't itinulak palayo sa 'kin.

"Pupunta lang ako sa comfort room."

"Yaman nito, comfort room pa, kami nga banyo lang o kaya kubeta!" ani Jude.

Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa pinagsasabi ng lalaking 'to at wiling-wili sila.

Hindi ko na siya pinansin at tumayo na 'ko.

Nabigla pa 'ko sa tila pag-ikot ng paningin ko.

"Sasamahan na kita sa comfort room, i-comfort kita ro'n," ani Jude na ngiting-ngiti talaga. Baliw ba 'to?

Hinawakan niya 'ko sa balikat pero tinabig ko siya.

Tumatawa pa rin siya habang susunod-sunod sa 'kin at pakiramdam ko talaga hindi ako diretso maglakad.

Bakit umiikot ang paningin ko?

Bakit tila may gradong mataas ang mga mata ko?

Kahit ang galaw ng katawan ko parang ang bigat-bigat.

CHASING YOU ( BL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon