SAM
Hindi ko alam kung anong trip ni Jude, bakit kami tumatagal sa ganito? Bakit din tinatagalan ko itong courting na kalokohan sa pagitan namin? Sa haba ng panahon, hindi ko naman naisip na kailangan ko ng kaibigan na close at naiiba sa lahat—what I mean is, iyong nagiging honest ako sa kanya minsan lalo sa pagpapakita ng ugali na hindi ko ginagawa sa iba.
"Tara sa birthday ng tropa ko," ani Jude nang palabas na kami ng library, katatapos lang ng meeting ko sa ibang student council.
"Tropa mo 'yon, hindi ko tropa," sagot ko sa kanya.
Natawa pa siya. "Tropa mo na rin sila, tara na, gusto ka nilang makilala."
"Mag-iinom, magsisigarilyo, at kung ano-anong kalokonan ang pag-uusapan ninyo, tingin mo mag-e-enjoy ako ro'n? Ikaw na lang, tawagan mo na lang ako pagkauwi mo."
Bigla gusto kong bawiin ang huli kong sinabi, talaga bang sinabi ko na tawagan niya 'ko pagkatapos niya? Sana hindi napansin ng baliw na 'to.
Bigla niya 'kong binunggo nang mahina nang malapit na kami sa hagdanan.
"Ikaw ha, sasabihin mo pang istorbo kapag tumatawag ako pero looking forward ka naman pala."
Hindi napalagpas ng buwisit!
"Sumama ka na, saglit lang tayo tapos mag-bonding na lang tayo sa apartment."
Tiningnan ko siya saglit at tumaas ang kanang kilay niya habang ngiting-ngiti.
"Okay, saglit lang, siguraduhin mo 'yan."
"Bakit kasi hindi ka pa makipag-live-in sa 'kin, lagi naman tayo nasa apartment ko na."
"Ang pangit ng termino mo, baka may makarinig sa 'yo."
"Bakit? Ano ba dapat?"
Bumababa na kami sa hagdanan at iniiwasan kong magsalita kapag may nakakasalubong na ibang tao.
Napapansin na nga rin sa bahay ang late kong pag-uwi madalas, pero hindi naman nila 'ko pinaghihinalaan pero nagsisinungaling na 'ko na tungkol lang sa mga schoolworks ang itinatagal ko lalo at paparating ang foundation week ng eskuwelahan.
Somehow, at peace ang pakiramdam ko kasama si Jude at sa apartment niya parang at home ang pakiramdam ko. Iniisip ko kung hanggang kailangan 'tong peace na 'to, lalo at alam kong darating din kami sa punto na maghihiwalay ng landas at matatapos ang kalokohan na 'to.
Dumaan kami sa isang coffee shop bago kami pumunta sa apartment niya. Nasanay na 'kong sumakay sa motor niya.
Nagluto siya ng nilagang manok habang ako ang nag-ayos ng kakainan namin maging ang sawsawan ay natuto akong maghanda.
"Sam, tumataba ka na," puna niya.
"Paano puro ka kanin at hindi ka pa kakain kung hindi ako kakain, napakaarte mo."
"Nagpapapilit ka lang naman pero gusto mo rin ng kanin."
"Masama 'yon, hindi natin dapat kinakasanayan—"
"So, 'wag tayo mag-rice ngayon?"
"Baliw ka ba?" Napalakas ang boses ko.
Tumawa siya nang malakas.
Hindi naman nga ako mahilig kumain sa hapunan ng kanin pero parang masarap 'yong iniluluto niya para 'di paresan ng kanin.
"Sa susunod na lang, pagod ako kaya nagugutom ako."
Napailing na lang siya at tinuloy ang pagluluto.
Isa sa napaalis ko sa hapunan ay ang cola na hilig niya, ngayon cold water na lang ang iniinom niya dahil hindi niya raw kaya ang warm. Pinaiiwas ko na rin siya sa sigarilyo, hindi madaling alisin 'yon pero nasusubukan naman niya, maging sa alak, eighteen lang kami pero maaga siyang mamamatay sa mga bisyo niya.

BINABASA MO ANG
CHASING YOU ( BL )
General FictionBoy's Love/ Male to Male Story Kung paiiksiin ang paglalarawan sa kanya, 'BAD BOY' para sa 'kin si Jude. Pero hindi siya most hated, kahit iyong mga ex niya ay kabiruan at kaibigan pa rin niya. Para siyang si Mr. Friendship na sa bawat kanto at sul...