JUDE
Hindi ako kinikibo ni Sam nang nasa apartment na kami. Siya itong nagnakaw ng halik pero parang siya pa ang galit sa 'kin?
Hindi siya nagsabi pero nauna siyang maligo sa 'kin, at home na talaga siya sa apartment, may sarili na nga siyang mga personal na gamit dito sa isang cabinet. Nahawakan ko ang labi ko no'ng maupo ako sa sofa. Hindi ko maiwasang mangiti, first time na may lalaking humalik sa 'kin at para akong baliw na tuwang-tuwa kapag inaalala ko kung paano niya 'ko hinalikan.
"Goodbye, yosi, salamat sa dalawang taon nating pinagsamahan. Ikaw ang unang bisyo ko, at ikaw ang napili niyang alisin kapalit ng halik niya. Ano naman kaya ang kapalit ng alak?"
Ngising-ngisi ako at tuwang-tuwa, napailing na lang ako dahil para namang sobrang saya ko. Tumayo ako para maghanap ng p'wedeng lutuin dahil magugutom kaming dalawa, nang makita kong wala ay umorder na lang sa isang fastfood pero namili lang ako no'ng kinakain niya. Hindi siya mahilig sa fries, at softdrinks, pero napakahilig niya sa kahit na anong beverage na may kahalong kape.
"Maligo ka na," biglang sulpot ni Sam. "Huwag kang hihiga sa kama ng 'di ka naliligo."
"Okay, boss, alam na alam ko na 'yon sa rule mo sa sarili kong apartment."
Hindi niya 'ko tinitingnan at nang magtama ang mga mata namin ay nginitian ko siya nang husto pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Baka dumating 'yong nai-order ko, bayad na 'yon pati tip, kuhanin mo na lang."
"Hindi ka nagluto?" parang disappointed siya.
"Wala na halos laman ang ref," sagot ko.
"Mag-grocery tayo bukas, gumising ka ng maaga."
Naligo na 'ko at iniwanan ko siya sa kitchen, gagawa lang 'yon ng kape niya. Nasasanay na rin nga akong magkape dahil sa kanya.
Nang matapos akong maligo at makapagbihis ng boxer at white shirt ay bumaba na 'ko. Naabutan ko siyang inaayos na ang mga binili ko sa malapit na fastfood. Pareho kaming naka-white shirt, at pajama naman ang kanyang suot. Isa sa pinagkakasunduan namin ang pagiging mahilig sa plain white shirt na damit.
Ang kinatutuwaan ko sa pagsasama naming dalawa ay pareho kaming kumikilos, hindi lang siya nagluluto dahil iba raw ang pangkaraniwan nilang kinakain sa bahay at normal naman sa pamilya namin ang nagluluto dahil mahilig kami sa masarap na ulam. Hindi rin kami nagtatalo sa gastusing dalawa, walang may pakialam sa 'min kung sino ang lalamang at hindi, hindi kami palakwentang dalawa. Sa grocery ako ang madalas gumagastos, sa school o sa labas ng school ay siya, kung sino ang mag-aya sa 'ming dalawa madalas iyon ang taya. Wala kaming naging pagtatalo sa pera, wala ring maya't maya bumubulyaw sa 'kin dahil sa selos at pagiging babaero ko. Hindi rin niya 'ko pinipigilan sa mga pinupuntahan ko at mga kasama, maliban sa bisyo, palagi niya 'kong pinagsasabihan kaya inuunti-unti kong bawasan.
"Hindi pa ba tayo mag live-in? Mukhang okay naman tayong magkasama," hindi ako napapagod alukin siya.
Naupo na siya kaya naupo na rin ako. Pero tumayo siya at pinalitan ang plastic na kutsara dahil ayaw niyang gumagamit no'n. Nakita kong tuwang-tuwa siya na may iced-coffee siya.
"Bakit ba gusto mong makipag-live-in?" aniya nang matapos tikman ang iced coffee niya.
"Gusto mo rin naman 'di ba? Mas gusto mo ang kinakain nating dalawa—"
"Hindi ako papayagan, lalo at hindi naman sobrang layo ng school para mag-apartment ako."
Hindi na 'ko sumagot para makakain na siya ng maayos.

BINABASA MO ANG
CHASING YOU ( BL )
Tiểu Thuyết ChungBoy's Love/ Male to Male Story Kung paiiksiin ang paglalarawan sa kanya, 'BAD BOY' para sa 'kin si Jude. Pero hindi siya most hated, kahit iyong mga ex niya ay kabiruan at kaibigan pa rin niya. Para siyang si Mr. Friendship na sa bawat kanto at sul...