Chapter 12

25 7 1
                                        


JUDE

"Tapos na?"

Tumango ako sa , iniisip kong sa punto na 'to ay magsasalita na siya.

Nang lalabas siya ng pintuan ay hinawakan ko ang braso niya para pigilin.

"Bakit?" tanong niya nang lingunin ako.

"Anong bakit? Wala ka bang sasabihin sa 'kin? Wala ka bang reaksiyon kung ano ang tingin mong tama nating pasukin?" Hindi ko maiwasan lakasan ang boses.

"Jude, self-centered kang tao," mahinang sabi niya pero dama ko ang talas no'n dahil parang nasugatan ang pagkatao ko. "Iniisip mong sa 'yo umiikot ang mundo? Nawala ka bigla, wala kang sinabi na kahit na ano sa 'kin."

"Sinabi ko na nga sa 'yo na naguguluhan ako—"

"Mahirap bang sabihin 'yon? O mahirap bang sabihin na wait lang, may kailangan lang akong pag-isipan? Tinawagan kita, hindi mo 'ko sinagot, nag-text ako sa 'yo at chat at nag-seen ka lang sa chat. Bobo ba 'ko para 'di ko maintindihan 'yong saglit lang? Tangang-tanga ba 'ko tingnan para sa 'yo para hindi maghintay sa 'yo kung nagsabi ka sa 'kin?" galit ang boses ni Sam.

"Jude, tayong dalawa ang pumasok sa kalokohan na 'to, sa 'yo nagsimula at pumatol ako. Ibig sabihin, usapin sa pagitan nating dalawa 'to, walang pakialam ang iba. Pero marami na ang may alam na hindi mangyayari kung ako ang una mong kinausap, kahit sabihin mo lang na saglit lang na may kailangan kang pag-isipan o kailangan nating pag-isipang dalawa dahil tayo naman 'to, sa atin naman 'to, pero dahil tingin mo sa 'yo lang umiikot ang lahat ay sinarili mo at ngayon na tapos ka na mag-isip ay guguluhin mo na naman ako para sabihing tapos ka na, nakapag-isip ka na, at dapat matuwa ako ro'n?" Hinarap niya 'ko nang galit. "Galit ako, sinong 'di magagalit sa ginawa mo? Iniwanan mo 'ko sa ere, tapos babalikan mo 'ko ngayong pinili ko ng bumaba mag-isa at kalimutan na lang lahat dahil kasalanan naman natin pareho na nagpatuloy tayo na maglokohan."

Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ngayon ko nalaman ang mga maling desisyon ko.

"Hindi ka na bata, hindi mo kailangan na turuan pa sa mga dapat ay alam mo na. Nagdesisyon ka ng mag-isa, nagdesisyon na rin akong mag-isa at iyon ang walang piliin sa kahit na ano sa dalawa. Ayokong kaibigan ang katulad mong makasarili at parang lahat ay gustong tungkol sa kanya. Ayoko ring maging unang karelasyon ang taong hindi kayang manindigan at lahat ay ginagawang biro. Insensitive kang tao, pinoprotektahan mo ang sarili mo kahit makasakit ka ng iba."

Hindi ko napigil ang mga luha ko, nasasaktan ako dahil alam kong totoo ang mga sinasabi niya. Alam ko sa sarili ko kung ano akong klase ng tao, at ngayon na may nagdidiin no'n sa 'kin ay para 'kong paulit-ulit na sinasaksak.

Inalis niya ang kamay ko sa kanya.

"Magkaklase tayo, tigilan mo na 'ko, 'wag mo na isali ang iba at lalong ayoko ng lumalapit ka sa 'kin. Tapos na 'kong makipaglaro sa 'yo, at kung ano man ang gawin mo sa buhay mo ay wala na 'kong pakialam."

"Sam, wait, please, wait..."

Humarang ako sa pintuan nang mabilis para 'di siya makalabas. Kanina, wala siyang emosyon ngayon nakikita ko ang galit at disappointment sa mga mata niya.

"Please, bigyan mo 'ko ng chance, gusto kita, seryoso ang nararamdaman ko sa 'yo. Alam kong mali ang nagawa ko sa 'yo, pero bigyan mo 'ko ng chance na ipakita sa 'yo, ibalik natin sa dati."

"Sa tingin mo ba may natitira pa 'kong tiwala sa 'yo?" sarkastiko siyang tumawa. "Hindi ko na kayang magtiwala sa 'yo, baka isa na naman 'to sa mga laro mo at gusto mo 'kong bawian dahil hindi mo gusto na ikaw ang lumabas na talo."

CHASING YOU ( BL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon