Chapter 5

46 11 3
                                    

SAM

Nagpatuloy si Jude sa kalokohan niya. Sinasakyan ko siya dahil hindi ako magpapatalo sa kanya. Wala akong pakialam sa ginagawa niya sa labas ng eskuwelahan, kilalang-kilala ko na siya kahit hindi kami close.

"Sam, parang lalo akong nai-inlove sa 'yo kapag ganito ka kasipag," ani Jude.

Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil abala 'ko sa pagsasagot sa 'king libro.

As usual narito kami sa classroom dalawa at lunch break.

"Hindi ka yata pala-absent ngayon."

"Paano ako aabsent kung kailangan kitang pakainin ng lunch at silayan na rin," aniya na iniikot-ikot ang ballpen sa kanyang daliri. Ngiting-ngiti siya at dama ko naman na pinagkakatitigan niya 'ko.

"Hindi mo naman ako kailangan pakainin ng lunch."

"Pero gustong-gusto mo, nabibitin ka pa nga kaya dinadamihan ko pa."

Totoo naman, masarap magluto ang lola niya at ibang-iba ang lasa no'n sa mga luto ng kasambahay namin. Nahihilig ako kumain ng kanin tuloy, dati ay isang beses sa isang araw lang ako nagkakanin ngayon ay dalawa na. Hindi puwedeng hindi ako kumain pag-uwi ng dinner dahil nag-aalala ang parents ko sa ganoong pagbabago.

"Sama ka sa 'kin, may apartment akong tinitirahan mag-isa."

Nangunot ang noo ko. "Apartment?"

"Oo, sa 'min 'yon, isa ako sa umuupa," aniya na natawa.

"Ah, dalahan mo ng babae?"

"Oo, para makamura, free room na may aircon pa, malapit pa sa mga fastfood resto," sinundan niya 'yon ng tawa.

"Sobrang aktibo mong tao," halos bulong ko na lang 'yon.

"Oo naman, ikaw ba sa edad mo 'di ka pa aktibo?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi naman ako nag-iisip ng mga gano'ng bagay at hindi naman ako curious.

"Hindi, wala yata akong pakiramdam."

Lumapit ang mukha niya sa 'kin kaya nabigla ako ng bahagya.

Ngiting-ngiti siya, "Gusto mo bang makaramdam?"

Inilayo ko ang mukha niya sa 'kin dahil gamit ang palad ko.

Nabigla ako kaya siguro kumabog nang husto ang puso ko.

Tatawa-tawa pa siya habang muntik na 'kong atakihin sa puso.

Hindi excitement ang naramdaman kong tila gumuhit sa 'king katawan, wala 'yon, kasama 'yon sa pagkabigla ko.

Naging araw-araw ang pagsasama namin tuwing lunch break, maging uwian ay sinasabayan niya 'ko hanggang maihatid ako sa sasakyan namin. Hindi naman siya sumasabay dahil sa iba ang direksiyon niya. Hindi ako nagtatanong, ayokong maramdaman niyang interesado ako sa mga ginagawa niya sa buhay.

After two weeks, hindi pa rin siya napapagod sa panliligaw niyang trip sa 'kin.

Madalas naman na kinukuwentuhan niya 'ko ng mga nakakatawa niyang experience at aminado naman ako na minsan natatawa ako sa kanya, hindi, madalas natatawa ako dahil may kuwento siyang tatawa muna siya at mahahawa na 'ko bago ko pa marinig.

"Sam, may meeting ang student council, ha? I-wait ka namin sa library!" sabi ni Irah, isa sa student council, grade-12 representative. Inabutan niya 'ko dito sa cafeteria.

Hindi ako puwedeng mawala dahil Vice-President ako.

"Okay, dadaan ako after class," paniniguro ko sa kanya.

CHASING YOU ( BL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon