Chapter 13

23 7 1
                                        


JUDE

Pinagmasdan ko lang ang pag-alis ni Sam, bakit gano'n? Kung kailan hindi na kami nagkakasama at malabo na, parang lalo ko pa siyang nagugustuhan? Pabaliw na yata ako.

Kinuha ko na lang ang paperbag at malungkot na lang akong kakaing mag-isa. May baon akong sarili, siguro i-dinner ko na lang 'tong isa.

"May naiwanan daw si Sam."

Napaigtad ako dahil sa pagkabigla na may biglang lumitaw sa tabi ko. Ito iyong nakasalamin ng makapal na lalaki sa student council.

"Naiwanan? Parang wala naman, ah," tiningnan ko nang paulit-ulit ang upuan ni Sam maging sa ilalim ay malinis.

"Ah, ito pala, 'yong floral na paperbag," sabi no'ng lalaki.

Dinampot niya basta ang paperbag sa harapan ko at binitbit.

Floral na paperbag? Oo, sa lola ko 'yon, isa sa naiuuwi ko kapag may pinapadala siyang pagkain sa 'kin galing sa bahay.

Kinuha ni Sam 'yong lunch?

Tuwang-tuwa ako, sabi na, pagkain ang magdudugtong ulit sa 'ming dalawa.

Nakita mo 'yan, Sam? Hindi mo matatanggihan kapag luto ko, dahil sabi mo mas magaling akong magluto sa kasambahay ninyo at wala sa pamilya mo ang marunong magluto.

Ang suwerte ko, lumaki kami sa lola namin na napakagaling magluto at pinamanahan niya kami ng talento. Masarap na 'ko, masarap pa 'ko magluto, saan ka pa, Sam?

"Jude, kumain na tayo, para kang baliw na tumatawa mag-isa diyan!" sigaw ni Kier sa 'kin.

Tumayo na 'ko para makisalo sa kanilang kumain at siyempre dahil nga magaling ako magluto ay pinag-aagawan nila ang adobo ala Jude ko.

Iniisip kaya ako ni Sam sa bawat kagat niya?

Pumapasok kaya sa isipan niyang batiin na 'ko para maipagluto ko pa siya?

Mabilis ang oras dahil masaya ako, kailangan kong pumasa mabuti at mababait ang mga Teacher ko na ibinibigay sa 'kin ang mga p'wede kong gawin para makabawi sa mga 'di ko ipinasok.

Nang uwian na ay nagpunta pa 'ko sa court, nalaman ko na busy pa rin ang student council at baka abutin pa ng gabi. Naglalaro ako ng basketball kasama ng mga player sa school, hindi ako naging varsity player dahil sa grade ko, pero isa 'to sa sport na maraming nagsasabing magaling ako, pero mahirap talagang gawin ang isang bagay kapag wala kang makuhang inspirasyon.

Sa court tanaw ang bukas na bintana ng student council at mukhang sobrang busy nga nila. Nag-order ako online ng coffee para sa kanilang lahat, saka na 'ko bibili ng sapatos, marami pang oras para doon, kailangan mabawi ko muna si Sam.

Online payment ako nagbayad, ipinadiretso ko sa student council at may kasama na rin na tip 'yon, sabi ko'y itapon na ang resibo at sabihin na galing 'yon sa nakaka-appreciate sa kanilang lahat.

Alam kong kapag napapagod si Sam ay gusto niyang magkape, mukhang inaantok din siya kanina pa dahil sa puyat. Nang mapagod akong maglaro ay nagpahinga muna ako.

"Dapat sumali ka na lang sa basketball, baka tayo pa nag-champion," hinihingal na sabi ni Dave.

Ininom ko ang tubig sa 'king flask at tiningnan ang student council, bukas pa rin sila.

"Sige, ingat, hihintayin ko pa si Marianne," sabi ni Dave sa ibang player na nagpaalam na.

Madilim na kaya nag-uuwian na sila.

"Si Marianne student council 'no?" tanong ko kay Dave.

"Oo, secretary, pauwi na rin daw sila kaya hintayin ko na lang. Ikaw ba uuwi na?"

CHASING YOU ( BL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon