CHAPTER 15

30 8 1
                                    

SAM

Nakita ko pa lang si Jude na ngiting-ngiti ay napailing na 'ko. Ano kayang pampasigla ng lalaking 'to para maging ganito kasigla araw-araw?

"Sam!"

Tinawag pa nga 'ko na parang 'di ko naman siya nakita.

"Ito, ipabuhat natin sa kanya 'yong mga trophy," sabi ko sa President.

"Okay lang ba? Baka basagin niyan," halatang walang tiwala ang President kay Jude.

"Grabe, ganito ba 'yong mahinang tingnan?" Itinaas niya pa ang shirt niya para ipakita ang kanyang abs.

"Puro muscle kaya pati utak muscle lang," bulong ko.

"Sam, naririnig ko 'yon!"

Natatawa ako pero pinigil ko lang.

Ipinadala namin ang mga trophy kay Jude at sumunod na nagpaalam sa 'kin ang President.

"Sure ka ba na ikaw na sa certificate?" ulit niyang tanong, mga panglima na 'to.

"Yes, hindi rin ako sanay sa masyadong crowded. Paakyatin mo na lang si Jude kung makita mo para may katulong ako, paniguradong magkakalat lang 'yon sa ibaba kapag hinayaan iyon do'n."

Natawa siya, kilalang-kilala si Jude na pasaway sa mga Teachers, pero sa totoo lang pasaway lang naman siya at babaero pero hindi siya iyong katulad ng iba na maraming kaaway. Siya siguro ang pinakamaraming kaibigan. Napag-usapan nga namin ng student council na kung si Jude ay kakandidato baka matalo kaming lahat dahil halos lahat ay kaibigan.

Sampung minuto na simula nang umalis ang President at hindi pa rin bumabalik si Jude.

Sino na naman ang nilalandi ng lalaking 'yon sa mga oras na 'to? Kanina ko pa gustong kainin 'tong iniwanan niyang pagkain.

Hindi ko mapigilang mainis, ngayon ko lang nalalaman na maiksi talaga ang pasensiya ko.

Nakasimangot ako nang bumukas ang pintuan at ngiting-ngiti si Jude na sumungaw ro'n.

"Bakit bumalik ka pa?" inis kong tanong.

"Sabi ni President ay pinababalik mo 'ko."

"Nagbago na ang isip ko sa sobrang tagal mo."

Humila siya ng upuan sa tapat ko at inayos ang mga certificate sa lamesa na 'di maayos bago naupo.

"Sobrang tagal ba no'n? Kinausap ko lang 'yong mga kaibigan ko, ipag-print mo nga 'ko ng lyrics no'ng next to you ni Chris Brown."

"Wow, may ambag ka rito?"

Nginitian niya lang ako at nangalumbaba. Bigla akong kinindatan kaya sinipa ko siya sa binti.

"Ouch," natatawa niyang sabi pero 'di inaalis ang tingin sa 'kin.

Hindi ko siya matingnan dahil nahihiya ako, ewan ko, basta para 'kong nahihiya pati tainga ko ay nag-iinit. Tinitigan ko siya ulit dahil ayokong magpatalo, pero mas napansin ko na light brown ang mata niya at malalantik ang kanyang pilikmata, bumbayin ang dating ng mga mata niya, sabi ng iba kamukha niya ang artist na si Zayn Malik pero para sa 'kin ay hindi, siguro dahil sa mata, at mas gusto ko ang hitsura ni Jude.

No, iyong pagiging magaling niyang magluto lang ang gusto ko sa kanya.

"Baby, wala ng nag-print?"

Napakurap ako at tiningnan ang printer na tumigil na.

"Lagyan mo ng papel kaya ka nga nandiyan, lagyan mo ng A4 na vellum board. Isa-isa lang, medyo low quality ang printer."

Sinunod naman niya 'ko, tinaasan ko lang ang boses ko dahil nga napapahiya ako.

CHASING YOU ( BL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon