SAM
"Marunong ka ba magluto?" tanong ni Jude sa 'kin nang nasa Super Market kami.
"Hindi, kailangan ba marunong ako no'n?" Hinila ko ang cart pero siya ang nagtulak.
Tumila na ang ulan, dapat ay o-order lang kami sa fastfood pero ginusto ko ng sabaw kaya magluluto raw siya.
"Sure ka bang hindi ako malalason?" tanong ko pa sa kanya nang nasa meat section na kami.
Tiningnan niya ako at nginitian. "Mas magaling ang lola ko pero number two ako."
"Talaga lang, ha."
Hindi naman kami tumagal sa supermarket dahil alam na niya kaagad ang bibilhin.
"Bakit marami kang binili? Kakainin mo lahat 'yan?" tanong ko nang nakapila na kami sa cashier.
"Siyempre iyong iba pagbalik mo bukas."
"Wow, ha, hindi na 'ko babalik."
Nginitian niya lang ako at halatang sigurado siyang babalik ako.
Bakit nga ba 'ko sumama? Hindi ko rin alam.
Hindi ako mahilig makipag-close na tao, hindi naman ako malungkot sa buhay ko pero masasabi kong ang mga kaklase ko ay hanggang doon lang, walang long term friendship na namumuo sa paningin ko para sa kanila. Masama bang ugali 'to? Mas at peace ako mag-isa, pero somehow at peace ako minsan kasama si Jude. Nakakatawang isipin na siya pa lang siguro iyong nag-cross sa boundary ko, may chance na kapag tinatanong niya 'ko ay nakukuwentuhan ko siya at para bang interesado siya sa 'kin.
"Woy, sabi ko sa bus ba tayo o sa taxi?"
Napakurap ako dahil hindi ko napansin na palabas na kami sa supermarket. Nakapagbayad na siya? Nakapila lang kami kanina.
"Taxi na para mas mabilis."
"Ang yaman naman talaga nito—"
"Ako ang magbabayad ng taxi."
Napasipol siya. "Ako ang nanliligaw pero ikaw ang sugar daddy."
Tumawag siya ng taxi at ako talaga ang nagbayad at wala 'yong problema. Mas hindi ako komportable na inililibre lang ako, kung puwede lang ako ang gumawa no'n. Sa naging pagsasama namin ni Jude sa kalokohan na 'to, gumagastos siya at gumagastos ako, parang maayos ang flow ng gastos sa 'min, what I mean walang pumipigil at nagpupumilit, kapag siya ay susunod ako, ganoon. Minsan hinihingian pa nga niya 'ko ng bente kapag kinakapos siya, wala naman akong pakialam sa mga gano'n kaliit na bagay.
Hinayaan ko lang siya nang ibagsak niya ang ulo sa 'king balikat.
Nag-message ako sa kasambahay namin na medyo ma-late ako dahil nasa classmate ako.
"Anong cologne mo?" tanong ko kay Jude.
"Hmmm?"
"Iyong gamit mo na cologne," paglilinaw ko.
"Ah, secret, hindi mamahalin pero long lasting 'no?"
"Sasabihin na lang may pa-secret pa, hindi ko naman gagamitin. Ngayon ko lang kasi naamoy 'yan."
"Bagay ba sa 'kin?"
"Bakit ba hindi ka sumasagot sa tanong, Jude?"
Umangat siya sa pagkakahilig sa 'king balikat at hinawakan ang mukha ko paharap sa kanya.
Nagulantang ako dahil may ibang tao sa taxi, iyong driver!
"Ang touchy mo masyado!" pabulong 'yon pero may gigil nang tabigin ko ang kanyang kamay.

BINABASA MO ANG
CHASING YOU ( BL )
Narrativa generaleBoy's Love/ Male to Male Story Kung paiiksiin ang paglalarawan sa kanya, 'BAD BOY' para sa 'kin si Jude. Pero hindi siya most hated, kahit iyong mga ex niya ay kabiruan at kaibigan pa rin niya. Para siyang si Mr. Friendship na sa bawat kanto at sul...