Chapter 7

40 9 2
                                    

Jude

Sabi ni Sam trip ko lang siya, siguro nga, bakit naman ako magsasayang ng panahon kung 'di ko naman kursunada? Mahilig ako sa babae, medyo mang-uuto ako at marami naman ako nauuto sa mga salita ko. Pero isa lang ang sigurado, hindi ako nagkakaroon ng long time relationship—may nanakit sa 'king past pero hindi naman 'yon ang rason, sadya lang na ganito siguro ako.

Si Sam, isa siya sa classmate ko na kakaunti ang interaction ko kaya siguro interesting siya para sa 'kin. Wala naman akong pakialam sa kasarian, sa totoo lang ay marami akong kaibigan na kung ano ang gusto nilang maging ay suportado ko.

Wala rin akong pakialam sa sinasabi ng iba, basta gusto ko araw-araw akong masaya dahil hindi ko naman alam kung kailan ang huling araw ko kaya gusto ko na ginagawa ko ang gusto ko.

Hindi naman ako nasasawang kasama si Sam, gusto ko rin ang mga biruan namin at naroon na nga iyong kakaibang pakiramdam na gusto ko siyang halikan—well, kung hindi ko ba siya type maiisip ko ba 'yon? Sobrang kinokonsidera ko ang nararamdaman ko kaya madali kong nakukuha ang mga sagot. Hindi ako in-denial na tao dahil mauubusan lang ako ng enerhiya ro'n at patatagalin ko lang ang sagot na kailangan ko. Isa pa, mahilig ako subukan ang iba't ibang experience basta curious ako.

Pero madalas pa rin akong mag-inom, mag-party, at mang-chicks, sadya lang loyal ako sa panliligaw kay Sam, hindi ko siya tina-timer kahit kilala ako na mahilig mag-timer sa mga babes ko.

"Inaantok ako," sabi ni Sam nang lumabas siya ng shower.

Nakasuot na siya ng white shirt ko at short.

"Dito ka na lang matulog," ngising-ngisi pa 'ko niyan.

Tiningnan niya 'ko na parang sinusuri. "Dapat ba 'kong magtiwala sa ganyang pagmumukha?"

"Ouch! Kapag ikaw ang nagsasabi, pakiramdam ko napakapangit ko talaga!"

Napailing lang siya. Isinama ko siya sa kuwarto para ipakita sa kanya ang hitsura no'n.

"Oh, nice!" Inikot niya ang tingin.

"Nice?"

"Oo, malinis, parang ayos sa hotel."

Natawa 'ko sa sinabi niya. "Mukha ba 'kong marumi?"

"Medyo? Nakakapagtaka nga, may taga-linis ka ba?"

"Wala, ayoko rin ng makalat, naiinis ako—"

"Weh?" Hindi makapaniwala ang hitsura niya.

Hindi ako nainis, natawa nga 'ko sa reaksiyon niya.

"Puwede akong humiga diyan?" tanong niya.

"Puwedeng-puwede kahit gumulong-gulong ka pa!"

"Baliw ka talaga, iyong turnilyo mo sa ulo higpitan mo."

Naupo siya sa gilid ng kama at marahang inalis ang paa sa tsinelas na pambahay at nahiga. Parang pinakiramdaman pa niya ang kama.

"Bisita ako, doon ka sa labas," aniya.

"Hala? Paladesisyon na bisita?"

Tumalon ako sa kabilang gilid niya kaya na-corner namin siya ng pader.

"Hindi ka marunong humiga ng maayos? Parang lumindol."

Iyong seryoso siya sa mga sinasabi niya iyon ang nagpapangiti sa 'kin palagi. Wala siya madalas ngiti pero iyong banat niya parang mga linyahan ng mga nakikipagharutan with matching ngiti at hampas pa nga.

Itinaas niya ang comforter na hindi ko halos gamitin dahil hindi ako mahilig takpan ang katawan ko.

Nakatagilid siya at nakaharap sa 'kin katulad din ng ginawa ko. Nakatitig siya sa 'kin habang namumungay ang mata.

CHASING YOU ( BL )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon