JUDE
Nakatulog ako sa couch dahil baka kapag nilapitan ko siya ay lalo siyang magalit sa 'kin. Nang magising ako ay may kumot na 'ko kaya tuwang-tuwa naman ako, siyempre, nag-alala siyang malalamigan ako.
Napatingin ako sa orasan sa wall at napatayo ako kaagad, late na late na 'ko!
Hinanap ko si Sam sa buong bahay pero wala na siya, maayos na rin ang kama at mukhang nauna na siya sa 'kin.
"Anong sinakyan niya?"
Nahirapan akong matulog kaya siguro late na 'ko nagising. Well, madalas naman akong late, pero sayang na hindi ko siya naihatid papasok.
Pumunta muna ako sa kitchen at siyempre sino ba ang hindi lalaki ang ngiti kapag nakitang nag-iwan ang baby mo ng almusal? Sandwich lang 'yon pero sobrang saya ko na. Siguro mas gusto ni Sam ang luto kong lunch? P'wede naman akong mag-multitask para mapabilis ang kilos ko.
Nag-chat ako sa kanya, 'Thank you, baby ko' at kasama no'n ang picture na kinakagat ko ang leafy sandwich na ginawa niya. Bacon, tomato, lettuce, at mayo ang laman ng sandwich.
Maingay ang group chat ng section namin, hinahanap nila ang kapogian ko kaso ay abalang-abala ako sa paggawa ng lunch namin ni Sam. Sanay rin naman sila na wala ako, at ilang minuto lang ay ready na ready na ang booth.
Nakaligo na 'ko at nakasuot na rin ng black shirt na may name ng section namin. Puti ang suot ni Sam dahil member siya ng student council, kaya nasa bag ko na ang extra white shirt para naman magkakulay kami mamaya kapag pauwi na.
Chicken Pastel ang iniluto ko, specialty 'to ng lola ko, salamat talaga at kaming dalawang lalaking magkapatid ay magaling magluto.
May private message ako na hindi ko sana babasahin pero nai-click ko kaya binasa ko na lang.
"May sakit si Mothy, hindi makakakanta, baka p'wede ka Jude, sige na. Sayang naman iyong practice ng tropa."
"Para sa baby ko lang ang time ko."
Ini-reply ko 'yon sa kanya. Hindi ko na pinansin muna ang cellphone ko dahil magbabalot na 'ko ng pagkain namin ni Sam. Nang matapos na 'ko at mailagay ko na lahat sa insulated lunch box ay naglagay naman ako ng yelo sa flask ko, isa talaga sa 'di ko kayang itagal ay ang hindi umiinom ng malamig na tubig kaya mas marami ang yelo na inilalagay ko para isinasalin ko lang ang tubig mula sa bottled water. Pero minsan, hindi ko 'to dinadala dahil ayoko ng maraming hawak sa kamay pero kapag ganitong event hindi p'wede dahil maya't maya ay nauuhaw at nagugutom ako.
Tiningnan ko ang cellphone ko bago umalis. Napangiti ako dahil may chat si Sam.
"Tingnan mo nga sa labas ng gate 'yong keychain na blue na mabalbon, naiwanan ni Adam."
Nangunot ang noo ko. "Who's that pokemon?"
Pinipilit pa rin ako ni Jose na kumanta, marami na siyang chat at ang ibang banda. Isa sa hobby ko ay kumanta, pero 'di ko 'yan napokusan dahil no'ng highschool ay mas na-enjoy ko ang company ng mga dancer at marami rin akong kinita sa pagsasayaw dahil sa mga dance contest na sinalihan namin. Ngayon namang college ay nahilig akong sumali sa mga practice ng banda dahil kailangan namin maging member ng club at iyon ang sinalihan kong extra-curricular activities, medyo nasawa na 'kong sumayaw.
Paglabas ko ay nakita ko kaagad ang blue na keychain sa pintuan. Nasira ang maliit na ring kaya siya naalis. Bilog na mabalbon nga lang 'yon, walang mukha o kahit na ano.
"Sinundo na naman ba siya no'ng lalaking 'yon?"
Inaatake ako ng selos. Inhale-exhale, kailangan kong kumalma. Sa akin siya umuwi at natulog, ako ang inuuwian, ako ang legal.

BINABASA MO ANG
CHASING YOU ( BL )
Fiksi UmumBoy's Love/ Male to Male Story Kung paiiksiin ang paglalarawan sa kanya, 'BAD BOY' para sa 'kin si Jude. Pero hindi siya most hated, kahit iyong mga ex niya ay kabiruan at kaibigan pa rin niya. Para siyang si Mr. Friendship na sa bawat kanto at sul...